Him 29: Hurt

378 4 0
                                    

MARA's POV

Nakangiti kaming nagtungo sa Mall. I'm with ate Val, Yana and Ath. Of course, Ate Val is driving. Katabi ko si Yana dito sa backseat at busy sya sa SNS nya, ate val is busy driving habang may sariling mundo naman si Ath, as usual.

Kaya naisipan kong mag open na rin ng SNS. I went in my twitter first, walang bago.. well, aside from the KPOP issues that I always look at. Tapos sa insta naman. Wala ding bago. Then facebook, Wala ring bago kaya pinatay ko nalang at binalik sa bag ko. My life is so boring. My SNS Accounts are boring! Waah!

Pinark ni Ate Val ang kotse nya sa medyo malayong part, mas mabilis kasi kaming makakaalis mamaya kung dito niya ipa-park tapos konti lang yung kotse na nandito kaya madali kaming nakahanap ng pwede pag-park-an.

"I want to buy scrapbook materials! samahan mo ako sa NBS, Mars!" sabi ni Yana habang papasok kami ng mall.

"sure. May bibilin din akong books." sagot ko pa. Nagpaalam muna kami kay ate Val. Susunod na lang daw sya dun kasi may bibilin din raw sya habang si Athan ay sumama na sa amin dahil wala naman talaga raw syang bibilhin. Baka may maka-akit raw sa kanya dun.

"Dun lang ako." paalam ni Yana at pumunta sa supply sections. Kami naman ni Athan ay tumingin-tingin sa mga libro.

"Woah, look at this, Mara." sabay pakita sa akin ni Ath ng isang KPOP Magazine. Wow!

"Ganda! Bilhin ko yan!" I stated making him pout.

"Ako nakakita! Kumuha ka ng sayo!" sabay turo niya dun sa magazine stand kung saan nakalagay ang mga kaparehang magazines. May iba pang KPOP Magazines na nandun na binili ko na rin. Pampalipas oras na to. Atleast madadagdagan ang social interests ko. Echos!

"Anong book magandang basahin, Mara?" tanong ni Athan habang may hawak na libro. Actually, yung hilig kong libro ay fictional romance, pati nga fantasy pinapatulan ko eh. On Athan's case, mahilig sya sa makalumang bagay, sa mga unique na bagay, siguro yung mga one of a kind stories ang dapat nyang basahin.

"Dun ka maghanap, ath!" turo ko sa section ng mga books kung saan mga detective stories and discoveries ang nakalagay. Pumunta naman sya dun at nangingiting tinitignan ang mga libro.

Nakapili na ako ng apat na libro. Dalawang fictional-romance, isang horror at isang fantasy. Bumili na rin ako ng isang sketchpad na malaki, try kong mag doodle hahaha, tapos mga materials na sa tingin ko ay kailangan ko. Si Athan din ay may napiling isang libro, well, sort of kasi Mangga naman yung pinili niya. Isang sobrang kapal na Mangga. While Yana, is holding a basket with school supplies. Wow, mukhang may project siyang tatapusin.

"Punta muna tayong starbucks, sabi ni Ate Val andun sya." Sabi ni Yana kaya pumunta na kami dun. Naabutan namin si Ate Val na umiinom ng Frappe habang nagbabasa ng magazine. Sa tabi niya ay ang mga pinamili niyang designer goods.

Waaah!

"Ate Val! Di mo sinabing maggu-Gucci ka!" Maktol ni Athan habang nakangusong umupo sa harapang upuan ni Ate Val. I almost forgot. The Samaniego's are Gucci Maniac.

"You didn't ask, pabo! Pumunta ka! Wag ako, Ath. Meron ako ngayon." Inis na sabi ni ate Val habang pinapatay sa titig si Athan na ngayon ay parang puppy na.

"Gucci!" Maktol niya at agad na nagtungo sa counter.

"Iced Americano sakin!" -Yana

"Frappe sakin!" Ako.

Umupo na rin kami sa table ni Ate Val. Nagkwentuhan. Usap ganun. Namili pala siya ng mga damit. Medyo luma na RAW kasi yung mga damit niya. Last week pa raw yun. Now I know why her 40,000 thousand monthly allowance is not enough. Unlike kuya Aire who is as thrifty as who knows who, magastos si ate val.

SS3: In Love with a SamaniegoWhere stories live. Discover now