MARA's POV
A MONTH passed at medyo okay naman ang lahat.
Andrei being my bestfriend and Timothy being Timothy but extra sweeter. Naipakilala ko na rin siya kina Tito at Tita pati sa mga Samaniego. Okay naman sila, yung nga lang kanya-kanyang banta.
Tim is still courting me and I have no plan on answering him yet. Priority ko muna ang studies at naiintindihan naman niya iyon. No pressure.
"Mara." Rinig kong tawag sa akin ng kung sino kaya napalingon ako sa likuran ko.
Si Top pala.
"Yeah?"
"Ley wants to talk to you." Ani niya na naging dahilan kung bakit ako napangiti.
Si Ley!
"LEY!" bati ko sa kanya.
"Mara! Kamusta ka na? Miss na kita!" ani niya. Madilim ang background kaya siguradong gabi ngayon sa Austin. Siya kasi ang napili ng Emery na representative sa exchange student program between Emery University and Austin University.
"Miss na rin kita. Okay lang ako dito. Ikaw jan?" Umalis siya two weeks ago at two years sya dun. Tinanggap niya agad ang opportunity na yun at supported naman siya ni Top no matter what kaya bilib ako sa relasyon nila eh.
"Ayos lang din. Ah, sige, Mara. I have to go na, medyo gabi na kasi."
"Sige! Bye, ingat!"
pahabol ko at ibinalik kay Top ang phone niya. I know na miss na miss na niya si Ley pero tinitiis nya yun kasi para naman yun sa future ni Ley.
Tapos they also agreed na dadalaw si Top sa Austin every once a month kaya okay na rin daw yun.
"Nga pala, Mara. Pinabigay ni Kuya. Una na ako." Iniabot ni Top sakin ang isang maliit na box.
Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang isang pares ng earrings. Maliit lang ito at kulay silver.
Maganda, actually but I don't accept gifts like this. Alam yun ni-no. Hindi pala yun alam ni Tim.
Itinago ko muna iyon sa bag ko, mamaya ko nalang ibabalik sa kanya.
Matapos ang klase namin ay nagtungo ako sa Business Building, pupuntahan ko si Tim. Sa pagkakaalam ko ay classmates sila ni Andrei eh. As for Andrei, okay naman kami. Maliban na nga lang sa medyo di na kami nagkaka-bonding dahil na rin sa busy siya at si Tim ang kasa-kasama ko.
Pagliko ko sa may pasilyo ay nabangga ako sa isang matigas na bagay. Magrereklamo sana ako pero naamoy ko ang pabango ng bagay na iyon kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Andrei!" I smiled and hugged him.
Na-miss ko si Andrei ng sobra.
"Maria Agatha, anong ginagawa mo dito?" Napawi ang ngiti ko dahil sa tanong niya.
Andrei is okay with the idea of Tim courting me, ang sabi lang niya ay dapat di ako mawalan ng time sa kanya and his one golden rule, I shouldn't be thinking about Timothy when I am with him. Naku naman!
"A-Ah.. eh ano, Pupuntahan sana kita." Lie.
"Oh? Bakit naman?" nawala ng guilt na nararamdaman ko dahil sa pagdisinunaling ko nang ngumiti si Andrei.
Masaya siya.
"I was hoping that you can come with me." I stated and smiled.
"Saan naman?"
"Starbucks?"
"Deal."
Mabilis kaming lumabas ni Andrei. Pasimple ko nalang tinext si Tim at sinabing nauwi na ako. Ayaw kong magtampo na naman siya dahil kasama ko si Andrei. Call me selfish and all, ayaw ko lang siyang saktan.
