CHAPTER TWO

59 5 2
                                    

CHAPTER TWO

Sayawan

ELISE.

Nagsuot ako ng simpleng floral dress, nagtali ng buhok na mayroong nakalagay na sunflower design, at nagtsinelas din. Hindi na 'ko naglagay ng make-up, dahil sayawan lamang iyon hindi na kailangan maging magarbo.

Naalala ko ang kwento sa akin ni Mama, ang sayawan daw ay mas sikat pa sa prom noong mga panahon nila. Ang sayawan ay pwedeng mangyari sa kahit saan, sa bundok, sa probinsya o kung saang kanto-kanto na may iba't-ibang uri ng tao na magkakakilala man o hindi.

Tumingin ako sa salamin at tinignan ang kabuoan. "Ayos na 'to." sabi ko sa sarili ko. Pansin ko na maganda ang liwanag ng buwan ngayon.

Sa pananatili ko dito, naging maayos naman at totoong mababait ang mga tao dito. Lagi akong dinadalhan ng pagkain mga kapit-bahay at minsa't iniimbitahan pa ko sa kanilang mga bahay para makipagkwentuhan. Hindi nga ako makatanggi dahil sobrang bait nila at napakamaalaga sa bisita.

Naging malapit sa akin si Yula, dahil umaga, tanghali, hapon, at gabi, pupunta siya sa kubo kung mayroon akong kailangan o pupuntahan niya ko na may dalang pagkain na nakahanda para sa akin. Hindi niya talaga ako pinapabayaan.

Nalaman kong malawak pala ang Isla Forte kaya't plano kong maglibot sa buong isla sa araw ng linggo.

"Ate Elise!" Hay, nag-abala talagang sunduin pa 'ko ni Yula. Lumabas ako at nilock ang kubo.

"Ang ganda niyo naman, ate! Napakasimple lang, pero pak na pak pa din." Komento ni Yula habang sinusuri pa rin ang kabuoan ko.

"Ang ganda mo rin, Yula." Puri ko rin sa kanya. Nakasuot siya ng white tube dress na hanggang tuhod niya, nakabraid ang kanyang mahabang buhok at nakatsinelas lang din. Nang makalapit ako sa kanya, napansin ko ang highlights sa kanyang mga pisngi at naka-maroon matte lipstick na talagang bumagay sa kanya. Maliit ngunit matangos ang kanyang ilong, at medyo malalaki ang kanyang mga mata na parang manika, at kulay berde ang mga mata nito, na namana niya sa kanyang lola.

"Ay si ate, palabiro talaga! Tara na nga!" Umangkla na siya sa aking braso at pumunta na kami sa sentro ng Isla Forte. Mula pa lang sa malayo, naririnig ko na ang mga masasayang sigawan at kantahan. Makikita rin mula sa malayo ang mga ilaw na nagsasayawan sa ilalim ng buwan.

"Bilisan na natin ate para makita ko pa crush ko!" Kinikilig niya pang sabi. Natawa naman ako, "Si Kiko ba yang tinutukoy mo?" Pang-uusisa ko at ngumiwi naman ang kanyang mukha sa narinig na pangalan.

"Nakakarimarim marinig ang pangalan na iyon, Ate. Syempre hindi." Napatawa naman ako sa kanyang reaksyon.

"Ang crush ko si Tyrant Luis Valencia, yung bunsong anak ng may-ari ng islang 'to." Dagdag naman niya.

"Tuwing bakasyon lang sila nakakabisita ng kanyang kapatid, dahil sa Maynila talaga sila nakatira. Napakabait niya, medyo pilyo pero ayos lang, tapos ubod sa kagwapuhan ay!" Sabi niya pa na may puntong probinsiyana.

Napailing ako sa kanyang mga reaksyon at natatawa na lamang. Nang makarating kami, bumungad sa akin ang nagkukumpulan na mga tao at nagsasayawan.

"Tara ate, sayaw tayo!" Aya ni Yula at nagsimula na siyang sumayaw.

Naaalala ko pa na kapag nasa sayawan, bawal tumanggi sa kahit kanino kapag inaya ka nitong sumayaw kasama nito.

Inabot ko agad ang kamay ni Yula at sumabay sa ritmo ng awitin. Sa pagkakataong ito, wala akong pakialam sa susunod na mangyayari.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon