CHAPTER FIVE

43 4 1
                                    

CHAPTER FIVE

I bet

ELISE.

"Bakit kailangan pang mangbulabog sa harap ng bahay ko?" Tanong ko sa kanya at nagpout naman siya. Tumaas ang kilay ko.

"Don't you appreciate my apology?" Pabebe niyang sabi na ikinailing ako.

"I'm not stupid okay? Hindi tayo magkakilala at lalong hindi tayo magkaibigan, sinong matinong tao na kakantahan ang isang taong hindi mo pa nakikilala?" direktang giit ko sa kanya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko.

"Hi, I'm Terrence Flynn Valencia, 23 years old, the son of Valerie Valencia and Malcom Lyndon Valencia. I have two siblings, Tyrant Clynton Valencia and Misha Daffodil Valencia. I work under my father's business as a CMO and I actually don't know what the heck that means but I earn money from it. I have a persian cat named Odis, and a dog named Garfield. And currently stunned by a beautiful lady sitting beside me." Woah.

"And you are?" Dagdag niya pa. Napangisi na lamang ako sa kanya at tinanggap ang kanyang kamay.

"I'm Elise, and right now, sitting ten inches away from a nosy guy named Terrence Flynn." Simpleng pahayag ko na ikina-pout niya.

"Aw,"

"Not in the mood playing around the bush." Itinaas niya ang kanyang parehas na kamay. I just looked at him, weirdly.

"Pulis ka ba?" Tanong naman niya.

"Hindi, bakit?"

"Nahuli mo kasi puso ko e." Sabi niya na nakakorteng puso ang kanyang mga kamay.

"Ha?"

"Ha-habang buhay kitang mamahalin." Hirit niya pa.

Nakakunot ang noo ko habang pinipigilan ang aking tawa. What's his plan? Kasi nagpipigil talaga ako.

"Tsaa ka ba?" Tanong niya pa habang ako naman ay nagpipilit na hindi ngumiti.

"Bakit?"

"Kasi TSAAkin ka lang." Then, I burst into laughter, and loud one because he's a bad pick-up liner like Vince.

"Hindi ka manlang ba kikiligin? I really thought of that pick-up line." Reklamo niya pa pero hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko.

"Oh my gosh, you're bad." Komento ko na lang sa kanya. Nang tumigil na 'ko nadatnan ko siyang nakatingin sa akin na ibang ibig sabihin ng emosyon.

"What?"

"I'm sorry for making you worry." He said directly to me. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"I wasn't worried at all really."

"Then, why did you swam all the way through those big waves?" He's catching me by his look and I don't like it anymore.

"I just like swimming, that's all." I'm not planning to tell a story about me, even though I'm too obvious to everyone.

"Oh, okay." He murmured and stopped talking about what he saw and what I just did. And he's smiling from ear to ear like an idiot.

Cute idiot.

Hindi ko namalayan, magdamag na kaming nag-uusap ngunit iwas pa rin akong sumasagot sa mga personal na bagay patungkol sa akin maliban na lang sa mga bagay na kinahihiligan ko.

"It's already morning, hindi ka pa rin inaantok?" Natatawang sabi ko sabay subo ng mani dala niya kanina. Humikab naman siya at bumaling sa akin.

"Gusto kong makinig sa mga kwento mo, kasi mas nakikilala kita, mas nahuhulog ako." Sabi naman niya na ikinangisi ko.

"Kaya naman yung mga kababaihan dito, hulog na hulog din sa'yo. You're such flowery with words that tend girls to assume that you like them. I know the rules of your games." Simpleng sabi ko naman sa kanya, at nagkibit-balikat siya.

"I bet that you wouldn't fall for my words, but you will fall with me." He said and I just raised my eyebrows and shrugged.

"Smooth but cliché." Niyakap ko ang aking mga binti at nagkatinginan kami dahil tinititigan niya ako.

"How to make you fall, Miss Elise?" He asked out of the blue. I smiled.

"If I was the old me, I already did." Truth to be told, I guard every piece of my heart to whom ever tries to break in, because I'm no longer the naive, dense, impulsive and easy to get Elise, I am now, more than just that.

----

Makalipas ng ilang araw, lagi na 'kong pinupuntahan ni Terrence at nung una, ay nainis ako dahil sa kanyang pagpunta at pagdadala ng pagkain pero kahit papaano, hinayaan ko na lang.

As if I'll fall like an idiot again.

Hindi ako manlalaban sa ngayon, and just go with the flow. Napasinghap naman ako nang abutan niya ako ng bracelet, na gawa sa shells. Napataas naman ang kilay ko ngunit napahalakhak lamang siya.

I was caught off guard when he pulled my wrist and put the bracelet.

"What are you doing?" Even if it's obivous, he's playing games with me and I'm up to the challenge.

"Bakit lagi kang pumupunta dito? Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ko pa. Napakibit balikat naman siya at tinignan ako.

"I just feel like it. At saka, paano ako magsasawa sa magandang bulaklak na ngayon ko lang nakita sa tanang ng buhay ko?"

"Malalanta din ang bulaklak, mawawala at madaling makakalimutan sa kasaysayan." Saad ko naman at nilubog ang aking mga paa sa buhangin.

"Kaya hangga't nandyan pa, dapat mahalin at alagaan, kasi hindi mo namamalayan, nagiging panghabangbuhay ang kagandahang taglay nito." Matalinhagang sagot nito.

How can you be so positive with all the negativity that I can give?

"Gusto kita, Elise. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano mo 'ko pinakaba sa tuwing nakakausap kita, sa tuwing titignan mo ko ng malamig." Pang-ilang na nga niya sinabi na gusto niya ako?

Ah, pang lima na ata simula kahapon.

"Hindi mo alam yang sinasabi mo, Flynn. Gusto mo ako kasi isang malaking hamon ang natagpuan mo sa akin, na iba ang trato ko sa'yo na nag-udyok sa'yo para maging ideya na gusto mo ako. Ganoon kasimple ang pagkakaintindi ko sa nakikita ko ngayon." Ayoko ng maging talunan ulit. Pinoprotektahan ko lang naman ang sarili ko sa kayang idulot sa aking sakit.

I had enough pain to bury.

"Like same goes with Love, it's not about the span of time you spend with him but it's about how can you be so different and be the best out of yourself." He looked at me and smiled. It's not his playful smile but a genuine one.

"And on this day forward, I'll be officially courting you, with or without your permission. Sa tingin ko, hindi na 'ko titigil Elise, kahit pigilan mo pa 'ko." Naririnig niya ba ang kanyang sarili? He'll surely taste his own medicine after this joke.

Napailing na lamang ako sa kanya at tumayo. Bago pa man ako makaalis ay may sinabi ako, "Beat it, Flynn. Niloloko mo lang ang sarili mo, I'm telling you, don't expect too much from me. You're aiming for nuisance." I'm not his friend, nor an aquaintance. I'm just a nobody talking to him with no strings attached.

----

A/N: Ako'y nagbabalik sa mundo ng wattpad aking mga kapwa readers! Nais kong ipaalam sa inyo na makakapag-UD na 'ko ngunit huwag kayong aasa na araw-araw ito pero gagawin ko lahat ng aking makakaya para matapos ito dahil ako rin ay NAGSASAWA NA gumawa ng next scene kaya't please bear with me.

LABYU (A MUST READ AUTHOR'S NOTE)

Dedicated to: SowJinJelly_

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon