CHAPTER TWENTY-FOUR
You deserve this.
ELISE.
Inabot ko kay Cindy ang isang sobre at kumunot naman ang noo niya, "Ibigay mo sa kanya pagkatapos ng operasyon." sabi ko at ilang minuto ay napaisip siya pero kalaunan tumango naman.
"Parang nagpapaalam ka na e!" Naiiyak niyang sabi at tinawanan ko naman siya sabay mahinang hinampas siya sa braso. Pagdating talaga sa akin, sobrang iyakin siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay ng sobrang higpit.
"I know you'll be there to make me remember again. And this will be the last time that I'll be forgetting everything." I assure you that, Cindy. Sisiguraduhin ko na ito ang magiging huling pagkakataon para makalimot ako sa susunod na mga linggo.
"Basta, umayos ka sa operasyon ah? Medyo risky yang gagawin mo. Lumaban ka bruha!" Sabi niya sa akin at tinawanan siyang muli. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi pinakita ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
I have reasons to stay, and I'll stay.
"Tama na ang iyakan, susunod na dito si Andrew." Sabi niya at kumaway sa akin bago makalabas ng kwarto ko. Pumasok naman si Andrew na may matipid na ngiti sa kanyang labi at tumabi sa akin.
"Don't die, you know?" Giit niya at umakbay sa akin. Yumakap naman ako sa kanyang bewang at ipinilig ang aking ulo sa kanya. Tumulo na ang luha ko dahil sa kanyang sinabi.
"Fight for happiness, Elise. I've always see you in pain and in love. Sa sakit syempre, hindi lang sa pisikal mong katawan, pati na diyan sa puso mo, lahat ng nangyari sa buhay mo, may dahilan yan. Kung bakit minahal mo ang tulad ni Ashton." Panimula niya. Hindi ako umimik at nananatiling nakikinig.
"You've loved a guy who proved that you're worthy than a weight of a diamond and he's not enough to hold you." Ashton has been a big part of my past and now, some love stories are not always capable of producing into happy endings afterall.
"I've see you now in love, because you proved us that love might be very hurtful, but that love is real." Itinuro niya ang ulo ko.
"Not just because of the bullet in your head, but because you've loved with no boundaries."
"You love with no reasons. You love because you're pure and real, Elise." Hindi ko na napigilang humikbi at yumakap na sa kanya ng tuluyan. He has been my bestfriend for twenty years and here we are, still the bestfriends I have remembered for the past years.
"I love you and I am very proud of you, Lizzy." He still call me by his made-up nickname.
"I love you too, Andy." He kissed my forehead and waved at me before he left the room. Pinunasan ko ang mga luha ko at biglang nagulat ako nang madatnan kung sino ang pumasok sa kwarto.
Si Patricia at Ashton.
Nginitian ako ni Patricia at umuna na maglakad papunta sa akin. Mas nagulat ako nang yakapin niya ako, "I know what happened." Bulong niya at humarap sa akin. She gave an encouraging smile and kissed me in the cheek.
"And I think you two need a closure." Malambing sabi niya at napangiti naman ako dahil sa kanyang magaan na presensya. Pinat niya ang ulo ni Ashton at napatawa sa kanya si Patricia. Lumingon siya sa akin at kumaway bago nagmamadaling umalis ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Lose With You
RomanceLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...