CHAPTER EIGHT

34 3 2
                                    

CHAPTER EIGHT

Self-proclaimed boyfriend

ELISE.

Lumabas kami ni Vince para ipasyal siya sa kabuoang isla at makapag-usap na rin kami. "Never doubt Tita's taste." Tukoy ni Vince sa Isla at sumang-ayon naman ako.

"Oo nga e, unang beses pa lang akong nakarating sa ganitong Isla. Ang babait nga ng mga tao dito." Dagdag ko naman. Napapansin ko naman na agaw-pansin ang kasama ko ngayon. Hindi ko naman maipagkakailang gwapo ang kumag na ito.

"Sikat ka na, City Boy." Asar ko sa kanya at napangisi na lamang siya. Saktong nakasalubong namin si Yula, "Ate Elise, naku buti na lang nakita kita." Salubong niya at napatingin sa katabi ko. Pinakilala ko sila sa isa't-isa ay biglang nagtanong si Yula.

"Boyfriend niyo, Ate?" Magsasalita sana ako nang biglang nagsalita naman si Vince at inakbayan ako.

"Yep, she's my girlfriend. We got into a little fight and now, I'm fixing things between us. Di'ba Babe?" Hinalikan niya ako sa ulo ko kaya mas lalong nagiging kapaniwa-paniwala naman sa paningin ni Yula. Kinilig naman si Yula, "Bagay kayo, Ate. Ah, siya nga pala, may paLiga si Tyrant lahat naman ay talagang dadalo. Sama kayo?" Pang-aaya ni Yula sa amin. Hindi na kami nakatanggi at pumayag. Nang tumalikod si Yula ay agad kong siniko sa sikmura si Vince.

"Trip mo?" Asik ko na ikinatawa niya.

"Bakit? May magseselos ba?" Pang-iintriga naman niya. Alam kong hinuhuli niya 'ko sa pagkakataong ito pero bahala na siyang mag-imbestiga.

"Tsk, tara na nga." Nang magtungo kami sa isang malaking espasyo ng open court, lahat ay mayroong kanya-kanyang upuan sa magkabilang gilid. Umupo kami sa unang row dahil wala naman masyadong nakaupo.

"Kulang pa ng dalawang tao para mabuo ang magkaibang grupo." Anunsyo ng EMCEE kaya naman agad kong tinulak si Vince at itinuro.

"Siya! Sasali daw siya!" Sabi ko at nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon ni Vince. He doesn't know how to play Basketball that's why it's payback time.

"Oh sige, isa pa!" Natahimik ang lahat nang may nagtaas ng kamay sa kabilang gilid ng court kaya hindi ko masyadong naaninag kung sino.

"Ako!" Nang maglakad ito papalapit sa EMCEE, tila nabato ako sa aking kinauupuan nang mapansin na si Terrence pala iyon.

"Kumpleto na, simulan na ang laro!" Naghiyawan ang mga tao at ako naman at pilit na tinutuon ang atensyon sa grupo nina Vince. After that night, titingin pa ba ako sa kanya?!

Nang makuha ng grupo nina Vince ay agad na hinabol ni Terrence ang may hawak ng bola at hinaharangan naman nito ni Vince. Kahit gusto kong tumawa dahil hindi alam ni Vince ang kanyang gagawin, parang bigla akong binuhusan ng tubig nang makita ko ang masamang tingin ni Terrence kay Vince na nakangisi na parang may sinasabi. Tila sumagot din si Terrence.

Gusto ko na lang kainin ng lupa dahil mukhang madali lang nalaman ni Vince. I know him even how he can troll people with his tricks.

Napasapo na lang ako sa aking noo at hindi na nakatuktok sa panonood ng basketball.

---

Pangalawang quarter pero mainit pa rin ang laro pagitan sa dalawang grupo. Nakakailang 3-point shot na si Terrence na hindi ko maipagkakailang talagang magaling siya sa larong ito. Sa kabilang banda naman, si Vince, ayun, laging nadadapa.

Hindi ko naman mapigilang tumawa ng mag-break time sila. Lumapit siya sa kinauupuan ko at inabutan ko siya ng tubig. "Tsk, bakit ba kasi tinuro mo 'ko?" Pikon niyang sabi at binelatan ko lang siya.

"Tumalikod ka nga," utos ko at sumunod naman agad siya. Pinunasan ko siya sa likod at inilagay doon ang towel.

"That guy is quite a monster." Tukoy niya kay Terrence, hindi naman ako sumagot kasi hindi naman niya alam na magkakilala kami, pero alam kong may kutob na siya sa nangyayari.

"Sino?" Inosenteng tanong ko sa kanya at humarap siya sa akin. Ngumisi siya at napatawa, "Tinanong pa niya kung anu-ano kita at sinabi kong boyfriend mo 'ko, sa isang iglap, naging halimaw siya sa gitna ng laro."

"Anong meron dun?" Malumanay kong tanong ulit. Ginulo niya ang buhok ko at sinadya pang halikan ang ulo ko para makita ng lahat. Napairap na lang ako sa mini show niya at humalakhak lang siyang parang demonyo.

I looked at him with a bored look and shoo-ed him to continue playing the last quarter of the game.

Nilibot ko ang aking paningin at hindi sinasadyang magtama ang aming paningin ni Terrence. Una siyang umiwas ng tingin at sa pagkakataong ito, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya sa hindi malamang dahilan.

I should care less.

Nang matapos ang huling laro, nanalo ang grupo nina Terrence at sinalubong ko si Vince na nakangiti pa rin. "Obviously, we won." Biro niya at akmang yayakapin ako pero pawisan siya kaya umilag ako at tinulak siya.

"Self-proclaimed boyfriend." Bigla akong inakbayan ni Vince.

"You'll thank me later after this. You know this is for the greater good." Bulong niya at naguluhan naman ako sa mga pinagsasabi niya.

"Greater good, huh?" Nagkibit-balikat lamang siya at umuna na sa akin. Susunod na sana ako nang may humatak sa akin. Nagulat ako na si Terrence pala iyon, at agaw-pansin ang pagkaladkad niya sa akin. Hindi manlang ako nilingon ni Vince kaya't nagpahatak na lang ako.

Nang madala na niya ako sa malayo, doon na 'ko pumiglas sa kanyag pagkakahawak at sinamaan siya ng tingin.

"Why didn't you tell me earlier?" Ha? Hindi ko siya gets. Pinagkrus ko ang aking mga braso at tinaasan siya ng kilay.

"Ano? Dapat ako nga ang nagtatanong kung bakit mo 'ko hinatak bigla-bigla." What's with him? Parang may utang ako sa kanya, wala na 'kong guilt na nararamdaman kasi inalagaan ko naman siya sa paraang deserve niya.

"Kaano-ano mo ang lalaking iyon?" Natigilan ako sa kanyang tanong pero tinignan ko na lang siya na parang hindi interesado.

Kahit totoo naman.

"Ano naman sa'yo?" Malamig kong saad at nasaktan siya sa sinabi ko base sa kanyang mga matang madaling mabasa.

"Boyfriend mo ba siya?" Syempre, hindi. Vince is just like playing chess, using his strategies to lure the pieces in.

"Ano ba sa tingin mo?" He looked at me, wondering.

---

Dedicated to: wttpdislove

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon