CHAPTER TWENTY-FIVE

45 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Another year

ELISE.

Ininom ko ang natirang kape sa aking paper cup at tumayo na. It's been a long day from work. Nandito ngayon sa paborito kong coffee shop. Tumango ako sa may-ari ng shop at lumabas na. Regular customer kasi nila ako doon kaya nagawa ko na ring makilala sila.

Isang taon na nga pala ako mula nung ma-discharge sa ospital pagkatapos ng operasyon ko. Sabi nila, sobrang bilis ng recovery ko para sa isang buwan. Tatlong linggo daw akong nasa coma at sa dalawang linggo, ay madali nang gumalaw ang katawan ko. I think it's a blessing for me as well.

Bumalik agad ako sa trabaho kahit ayaw nila Mama at Papa pero sabi ko naman na kaya ko, dahil kaya ko naman talaga.

Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar na 'to. Gusto ko pumunta sa kung saan ngayon, parang gusto ko nga ng bakasyon e. Pero kanino ko naman iiwan yung kompanya?

Ah, alam ko na.

Nang makarating ako sa harapan ng condo unit ni Vince ay agad akong kumatok. Pagkabukas niya ay agad akong pumasok at umupo sa sofa. "Elise!" Natawa naman ako nang makita ang isang bra na nakakalat sa sala.

"What are you doing here?" Humalakhak naman ako dahil inagaw niya agad sa akin yung bra na nakapatong sa sahig.

"Can you take over the company for awhile?" Paghingi ko ng pabor. Natatawa naman ako dahil nakaboxers lang siya at naka-topless lang ang lalaking 'to.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong niya at umupo sa tapat na sofa. Nililibot ko ang aking paningin, panigurado, nakatago dito yung babae niya. He has been the playing with different girls lately, and I think it's because he can't get over a certain girl.

Sino kaya yun?

"Magbabakasyon ako. May irerekomenda ka bang pwedeng puntahan?" Tanong ko at napahalukipkip sa kanyang sofa. Napangisi naman siya at tumango, "May alam ako."

SUMUNOD NA ARAW, nakausap ko na sina Mama at Papa na magbabakasyon ako. Pumayag naman sila, di bale, sa susunod sama-sama kaming magbakasyon kasi naman, laging may pa-out of country ang mga magulang ko. E kesyo daw, matanda na sila, at kailangan na nilang i-enjoy ang piling ng isa't-isa. Hindi naman pwede si Cindy sa mga byahe-byahe, buntis kasi at lalong hindi rin pwede si Andrew kasi bantay-sarado sa asawa.

Yung iba ko namang mga kaibigan, kasama ang kani-kanilang mga kasintahan. Tsk, kapag ako talaga. Si Vince na ang nag-asikaso rin ng flight ko papuntang Baler, Aurora. Sabi niya, may magandang isla daw doon. Sabi niya pa, magandang lugar iyon para makapag-isip isip ako.

Sa totoo lang, kaya lang gusto kong magbakasyon kasi nagtataka ako sa bawat araw na dumaan simula nung nagising mula sa coma, kumikirot ang puso ko. Nagulat nga ako na paggising ko pa lang, umiiyak na 'ko. Umiiyak ako sa walang kadahilanan.

Ewan ko, ang weird.

Inayos ko ang aking gamit para sa flight ko bukas, agad akong nag-file ng leave kahapon kasi mukhang inasikaso na rin ni Vince ang kompanya. At least, I have a friend to trust with.

Pagkatapos kong magimpake ng mga gamit, biglang may nasipa ako sa ilalim na kama. Tumunog e. Dumapa ako para abutin ang isang.. kahon?

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon