CHAPTER FOUR

69 5 2
                                    

CHAPTER FOUR

Just give it up one more time

ELISE.

Habang naglalakad kami papunta sa may tabing dagat, nahuhuli na 'ko sa paglalakad nang biglang sumulpot sa tabi ko si Terrence, "Hi, magandang binibini." Napangisi na lamang ako at napailing.

"Elise pangalan 'ko." Sambit ko na lang at inilagay ang magkabilang kamay ko sa aking likod habang naglalakad.

"Alam ko, pero mas bagay na tawagin kang magandang binibini." Hirit naman niya.

"Ang haba naman nun, panigurado ay nagamit mo na ang ganyang mga tawagan sa mga kababaihan dito sa Isla Forte." Tugon ko naman agad.

Humarap siya sa akin habang naglalakad ng paatras, "Paano mo nakakasigurado? Ngayon lamang ako nakakita ng binibining tulad mo na hindi naglalagay ng kolorete sa mukha upang maging maganda, ngunit mas nakakasigurado akong mas maganda kapag naglagay ka ng ganoon." matalinhagang pahayag niya.

Mahina akong napatawa, "Hindi naman kailangang maglagay ng kolorete sa mukha, mas komportable ako roon at saka, napunta na ang usapan natin sa mga kolorete."

"Bakit hindi? Gusto mo bang pag-usapan na agad natin ang iyong paglakad sa altar habang nag-aantay ako doon?" Hirit niya pa na ikinatawa ko.

"Ah, ikaw pala yung pari na magkakasal sa amin ng lalaking balang araw ay makakatuluyan ko?" Basag ko naman sa kanyang hirit.

"Hindi pala ako ang mag-aantay sa'yo sa altar, ako ang tututol sa kasal niyo at itatanan na kita." Sabi niya na ikinatigil ko at ikinangisi niya naman.

"Sige binibini, ipapanalo ko lang 'to at hintayin mo lang muli ang pagbalik ko." Sabi niya at nagtungo na sa dagat at umupo naman kami nina Amor at Yula sa buhanginan habang pinapanood sila sa kanilang paglalaro.

"Unang makabalik dito ang makakahalik sa kamay ng nais nilang magandang dilag." Anunsyo ni Mang Popoy na ikinatuwa ng iilang babae na sumunod upang panoorin ang laro nila.

"Ganito ba lagi sa inyo?" Tanong ko kay Yula at napatango siya.

"Dito sa amin, hindi nauubusan ng enerhiya lalo na't ang lahat ay libang na libang sa mga ganitong laro dahil pauso ito ng magkapatid na Valentino noong mga bata pa lamang kami." Kwento ni Yula at ibinaling na muli ang atensyon sa laro.

Lalangoy sila hanggang sa malaking bato mula sa aming natatanaw at ang unang makabalik ang siyang panalo.

Nagulat ako sa biglang tilian ng mga kababaihan at napalingon ako sa mga katabi ko na tila naglalaway na nakatitig lang sa iisang direksyon.

Nang sinundan ko ang kanilang tinitignan, ay yun pala'y naghubad ng mga pantaas ang mga lalaki, maliban kay Terrence at Nico.

"O ano? Wala ka pala, Nico e." Pang-aasar naman ni Kiko na kitang kitang ang maskulado nitong katawan, samantalang si Tyrant ay halos kaparehas ni Kiko pero medyo mapayat dahil sa katangkaran niya.

Naghubad na si Nico at nagtilian ang mga kababaihan nang makita ang kulay tan nitong balat at magandang katawan.

"Ang taba mo, Nico! Magsuot ka na nga ng t-shirt ew!" Bulyaw ni Amor kay Nico na ikinatawa ko dahil mukhang hindi naman napapansin ni Nico ang pamumula ng mukha nito mula sa distansya nila. Napansin ko na hindi naghubad ng damit si Terrence.

Wait, am I expecting? Hell, no.

Nang bumilang na sa tatlo, tumalon na sila sa dagat at sumisid. Habang nagche-cheer na ang mga nagsidatingang mga tao, ako naman ay nagmasid lamang. Napalakas ng alon ngayon, ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon