CHAPTER SEVEN

36 3 2
                                    

CHAPTER SEVEN

Memories attached

ELISE.

"Thank you." Nakangiti niyang saad at tumango lamang ako sa kanya. I think my guilt is finally released! Akmang aalis na 'ko nang maramdaman ko ang pagkapit niya sa jaking braso.

"Please stay." Humarap ako sa kanya nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Tahimik akong napadaing, bumabalik na naman sa mga alaala ko--Shit.

Shh.. let me sleep. Just stay here." Bakit ang husky ng boses niya?! Medyo dumistansya ako sa kanya dahil masyadong malapit e!

"Ashton, stop playing games with me! Hahanapin ko yung kotse baka nandun si manong nag-aalala na." Sabi ko at akmang aalis na pero nagsalita naman siya agad.

"I'm not playing games with you, Elise. You already won." Inirapan ko lang siya at nagmistulang statwa nang bitawan niya ang mga hindi inaasahang limang salita.

"You already won my heart."

Ang sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulhol, "Hey bab--" Niyakap ko siya ng sobrang higpit, dahil hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na kaya, isa-isa na silang bumabalik sa isipan ko.

Please make the pain stop, I can't take it anymore.

Mas humigpit ang yakap ko sa kanya at humahagulhol. "Hey.." I felt him combing my hair with his big hand that made me calm a bit. I took deep breaths and hugged him tightly.

"Trust me, when I told you those words, I really mean it, a lot." Sinsero niyang sabi at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang leeg. Ayokong umasa.

"You have Bianca." Mariin kong sabi. Totoo naman kasi, may fiancé siya at mayroon din ako. What choice do we have?

"I love you."

Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang nga luha ko. "Pasensya na, aalis na 'ko." Pumiglas ako sa kanyang pagkakahawak at hindi na lumingon sa kanya nang makalabas ako ng kwarto niya.

Nagmadali akong naglakad pababa at lumayo sa mansyong iyon. Nakapagdesisyon na 'ko, sa lalong madaling panahon, kailangan ko nang umalis dito. Dahil kapag nagtagal pa 'ko, mas lalo lang kikirot ang ulo ko at mas sisikip ang dibdib ko dahil sa kung anong nakikita ko ngayon kay Terrence.

He can make me calm, but he can also make me lose control.

Ayoko nang magsugal. Call me a coward, but I had enough pain to bear and no one can take that from me. If I'm actually liking him, I should stop this because everything will fall apart, everything will fall with me.

And I don't want to scatter again into pieces with no one willing to pick me up.

Naramdaman ko ang patak ng ulan at biglang lumakas ito kaya wala nang nagtitinda sa bayan. Wala na 'kong nagawa kundi ang tumakbo sa ulan.

Sumilong ako sa isang malaking puno at umupo muna doon. Basang-basa na 'ko at medyo malayo pa ang bahay kubo dito. Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako. Mahigpit kong hinawakan ang aking ulo, "Ang tanga tanga mo pa rin, Elise." bulong ko sa aking sarili.

Niyakap ko ang aking mga binti, at yumuko. Isa akong malaking talunan. All I ask is to be happy. All I wanted to make me feel worthy and loved.

Is it too much to ask?

Mas lalong lumakas ang ulan at hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingala ako nang maramdaman ko ang isang presensya. "Elise." Mas lalo akong napaiyak nang makita ko si Vince at agad ko siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

"Miss me?" Humagulhol na lang ako at binuhat niya 'ko ng parang pang-kasal. Yumakap ako sa kanya at hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko.

I need a friend now, right this very moment. Thank God.

"I'll escort you as soon as you're okay." Anunsyo niya at marahan naman akong tumango. That would be a great idea, I can't contain myself alone.

"Sleep now, Cry baby."

----

Nagmulat ako at bumangon nang maramdaman ko ang malambot na kama. Paano ako napunta dito? "Good morning Cry Baby." Napalingon ako sa pintuan at nadatnan ko ang pigura ni Vince. Sa sobrang gulat ko at bigla akong tumakbo papunta sa kanyang direksyon at niyakap siya.

"Nandito ka talaga!" Natutuwa kong sabi. So he was the one who brought me home.

"Yup, Seon Mi took over the company for awhile. Kaya napag-isipan kong samahan ka muna dito sa Forte Valenciana." pahayag niya at kumalas naman ako sa yakap.

"Liar. You're making Gelai jealous." Giit ko at napapout. Yep, he's dating somebody right at this very moment but it's complicated. Though, Gelai is a amazing lady.

"Tsk, I saw her talking to her ex in a café." Ow, that's why.

"Short-tempered guy. You're just assuming that they are getting back together." Hirit ko naman sa kanyang excuse. Sinamaan naman niya ako ng tingin na ikinatawa ko.

He was never like this before. And I'm really happy that he found someone, and I can't even believe that a 'feeling close' attitude vanished just because of the jealousy that he felt.

New discovery, huh?

"Kain na tayo, naghanda ako ng almusal." Umakbay siya sa akin at ako naman ay ngumiti. Kahit papaano, ay gumaan ang loob ko.

Nang makaupo kami ay nagsimula na kaming kumain. Tumingin sa akin si Vince, "Hindi ka manlang ba magkekwento? I've never seen you almost a month." Napabuntong hininga naman ako at wala na talaga akong takas sa isang 'to.

He knows me too well.

"Bakit ka umiiyak? At ang malala pa dun, nagpaulan ka pa." giit niya pa. Binaba ko ang kubyertos at uminom ng tubig.

"Huwag muna ngayon, Vince. You know that I'm not oka--"

"Hanggang kailan ka hindi magiging okay, Elise? Sobrang nag-aalala na kaming lahat sa'yo. Alam ko naman na hindi ka karapat-dapat na masaktan, pero nangyari na ang nangyari. We can't just make some time machine to change everything. There's no such thing." Pagputol niya. Yumuko naman ako at nanahimik. He maybe right, but I don't know myself anymore.

I don't know where to stop.

I don't know how to stop.

I just.. don't know.

"Elise, get your shit together. You'll find someone--"

"STOP IT, VINCE." hindi ko napigilang taasan siya ng tono sa pagsasalita. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking ulo at nagpatuloy siya sa pagkain.

"I'm sorry." Kumain ulit ako at walang umimik sa amin pagkatapos nun.

---

Dedicated to: Veonuh

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon