CHAPTER ONE

94 7 0
                                    

CHAPTER ONE

Isla Forte Valenciana

ELISE.

Hindi na 'ko nagpahatid sa mga kaibigan at mga magulang ko. Gusto ko talagang mapag-isa. Sa tingin ko ito ang mas makakabuti sa akin. Nagmaneho ako mag-isa papunta sa probinsya na sinabi ni Mama.

Nang makarating ako sa Baler, Aurora. Inaantay ako doon ng tour guide na sasamahan ako sa Isla, pangalan niya'y Yula. Hindi naman ako pumayag na parati siyang nasa tabi ko, kakailanganin ko lamang siya sa mga bihirang pagkakataon.

Naglakad na 'ko patungo sa mga nakahilerang bangka pero hindi ko namalayan na biglang may nabangga ako. Medyo yumuko ako para walang makakilala sa at nakita ang isang matangkad na lalaki. "I'm sorry, Miss." Sabi nito at hindi na siya nilingon.

"It's okay." Giit ko at nagmamadaling maglakad. Ayokong may makakilala sa akin sa ganitong lugar. Lalo na't ayoko may makatunton kung saan ako pupunta. I hate the media so much.

"Magandang Araw Donya Iñiguez!" Masiglang bati sa akin ni Yula. Maganda ang kanyang balat, talagang nangingintab sa kayumanggi nitong kulay. Napakahaba ng kanyang ash blonde na buhok at maliit lang ang kanyang mukha.

"Tawagin mo na lang akong Elise, mas magiging komportable." Sabi ko at napatango na lang siya.

"Nasaan na Ma'am yung bagahe niyo? Ako na po ang kukuha, pumunta na po kayo sa bangka." Magiliw naman niyang giit at itinuro sa akin ang bangkang sasakyan.

Inalalayan ako ni Manong bangkero at pinasuot ng safety vest. "Talagang magagalak ka Ma'am sa Isla Forte Valenciana, mabuti't dito mo naisipang magbakasyon, Popoy nga pala." Nakipagkamay naman ako kay Mang Popoy at mukhang mabait talaga siya. Sinabi ko rin ang aking pangalan.

Nakarating na si Yula, dala-dala ang mga bagahe ko kaya't umalis na kami papunta sa isla.

Habang nasa gitna ng byahe, nilasap ko ang sarap ng simoy ng hangin. Hindi nakakasawang tignan ang kulay asul na dagat, napakalinaw din nito at makikita talaga ang mga nasa ilalim nito.

"Ma'am Elise, alam niyo po ba na magdadalawang dekada na ang Isla Forte Valenciana? Dahil sa angkin nitong walang sawang kagandahan at dahil na rin sa mga taong naroon na napakababait." Kwento ni Yula at nakita ko naman ang pagtango ni Mang Popoy.

"Dalawang dekada na ring tinutulungan ng mga Valentino ang ating Isla. Salamat na lang sa kanila, makakapagtapos ang mga anak ko at mas lalong lumalago ang negosyo namin ng asawa ko." Pahayag naman ni Mang Popoy. Napangiti naman ako, mukhang maganda nga ang islang pupuntahan ko.

"Mabuti naman po para sa inyo, Mang Popoy. Pwede kong ipaalam sa mga Valentino ang inyong mga pagpapasalamat." Sabi ko naman at napalingon naman si Mang Popoy sa akin.

"Anong relasyon mo sa mga Valencia?" Tanong niya ngunit nagkibit-balikat lamang ako at matipid na ngumiti.

"Ilan po ang mga anak niyo?"

"Ah, lima. Isa na doon yang katabi mo na pangalawang panganay ko." Medyo nagulat ako, si Yula pala ang isa sa mga anak nito.

"Magtatapos yan bilang isang international flight attendant."

"Itang naman, nakakahiya kay Ma'am Elise." Nahihiyang aniya ng dalaga. Mahinang tumawa naman ako, "Ayos lang, Yula. Natutuwa nga akong makakapagtapos ka na. Hindi biro ang pagiging Flight Attendant kaya ipagmalaki mo iyon." Umiwas siya ng tingin dahil sa hiya pero makikita ang silay ng kanyang ngiti sa labi.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon