CHAPTER EIGHTEEN

36 2 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

No Plans

ELISE.

Hindi ko matanggal ang aking tingin sa labas, nakakatakot kasi kanina si Papa. Hindi siya ganoon dati, at ngayon ko lang nakita kung paano niya ihandle ang sitwasyon kung saan ang anak niya (ako) mayroong dinalang lalaki sa bahay namin.

Kanina pa 'ko dinidistract nina Mama para hindi ako mag-aalala pero hindi nila mapipigilan ang pag-ooverthink ko. Paano kung ayaw ni Papa sa kanya? Paano kung pagtripan siya doon? Hala, baka kung anong sabihin nila tungkol sa akin.

Ayoko pang malaman niya.

Ayoko pang sabihin niya kung kelan nagsisimula pa lang kami.

Hindi muna sa ngayon.

Bago ako operahan, sasabihin ko sa kanya.

"Huy, wag ka ngang mapraning dyan. He'll be fine, hindi naman siya palihim na bubugbugin ano." Sabi ni Cindy tapos biglang mahinang pinalo siya ni Van.

"Hindi nakakatulong, mas lalo pang pinakaba e." Saway naman ni Van at tinignan ako.

"Hindi naman siya bubugbugin wag kang maalala--aray!" Hinampas siya sa ulo ni Cindy gamit ng unan.

"Isa ka rin e!" Sabat ni Cindy at bumaling naman ako kay Mama. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ng kanyang kamay at pinapakalma ako.

"Magiging maayos lang iyon 'nak. Alam mo naman ang Papa mo, ni insekto di niya kayang saktan." Malumanay na giit ni Mama at nginitian ako. Oo nga naman, Papa will never hurt anyone, unless, one of his love ones was hurt by somebody.

He's scary when he's mad but to be honest, I never saw him once, never in my life.

"Do you love him?" Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong ng aking Ina. Namula ang mga pisngi ko nang sumagi sa aking isipan ang mukha ni Terrence na nakangiti.

"Dun naman din ang kahahantungan ah? Uy, inlab si inday!" Bulalas ni Cindy at sinundot ako sa aking bewang. Hinatak ni Van si Cindy para makapag-usap kami ng masinsinan ng aking Mama.

Nang makaalis sila, ay inilagay ng aking Ina ang kanyang kamay sa aking pisngi at hinawakan ko iyon.

"Anak, love is a very complex word, you can do made up meanings of love but you can't tell if it's love unless there's no pain." She said and caressed my cheek. Yumuko naman ako at nananatiling tahimik habang nakikinig sa kanya.

"Kakambal ng pagmamahal, ang masaktan Elise. Pero sino naman gustong masaktan di'ba? Kaso kahit matalino, nagiging tanga, nagiging marupok para sa taong iyon. Hindi ka na makakapag-isip pa kapag nasa larangan ka na ng pag-ibig." dugtong pa niya.

"Ayokong makita ka namang matamlay, malungkot, at nagpapakatapang sa isang bagay na talaga kinaduduwagan mo." Then it hit me, my mother hit that realization for a second. Inangat ni Mama ang aking ulo at tinignan ako ng nag-aalala.

"It's okay not to be okay. It's okay to breakdown sometimes, because if he's really serious between you two, he'll be one saving you this time." Medyo naluha ako sa sinabi ng aking Ina at hinalikan niya ako sa aking noo. Niyakap ko siya at nagpasalamat sa kanya.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon