CHAPTER SIXTEEN
Proud
ELISE.
Masayang naglakad kami papasok ng aming bahay, at napagdesisyunan niyang ipakilala ang kanyang sarili sa akin pamilya.
Oo, siya ang nagpasya na magpakilala para maging mas maayos. Though he said, he once talked to my father about businesses, typical topic of my father.
Nagulat ako nang madatnan ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa sala. Napatigil sila sa pag-uusap nang ibaling nila ang kanilang atensyon sa amin.
Na magkahawak ang mga kamay.
"Hi." Nakangiting sabi ni Terrence sa mga kaibigan ko na nakaawang pa rin ang mga bibig sa nakakagulat na pangyayari.
I never mentioned him to them though.
"Guys?" Natatawang sabi ko at nagising naman sila sa katotohanan at malokong ngumiti.
"OMG ELISE!" Tili ni Van at pinaghahampas ang katabi na si Dash. Napasimangot naman si Dash at lumayo dito kaya't natawa ako.
"OMG TALAGA!" Kinikilig ding tili ni Cindy at kinukurot ang kanyang kawawang asawa dahil sa panggigigil nito.
"YO MY DUDE!" Lumapit sa amin si Vince at inakbayan kaming dalawa. Nakakaloko itong ngumisi at sinakal kami. Kumalas naman agad kami at inilayo ako ni Terrence kay Vince.
Napahalakhak naman si Vince, "Chill bro, I'm just happy for my little missy." Pahayag niya at kinindatan ako. Napailing naman ako at natigilan nang marinig ang mga yapak mula sa hagdanan.
"Bat ang ingay niyo dyan?" Si Mama. Natauhan ako nang hatakin ako ni Terrence nang lapitan namin si Mama. Nanlaki ang mga mata ng aking Ina nang makita niya ang aming kamay na magkahawak.
Pero kalaunan, lumuwag ang aking paghinga nang ngumiti siya.
"Goodevening Ma'am Iñiguez, Mano po." Nagmano naman siya at napatingin sa kanya ang aking Ina. Abot-tenga ang kanyang mga ngiti at kitang-kita sa mata ng aking Ina ang saya.
"Hijo, you can call me Tita." Giit nito at bumaling sa akin. Hinalikan ko naman siya sa pisngi nang makalapit ako sa kanya pero bago pa man ako makahiwalay sa kanya ay may ibinulong si Mama.
"I like this man already." Nag-init naman ang mga pisngi ko sa kanyang sinabi at nag-iwas ng tingin sa aking Ina. Aasarin na naman niya kasi ako sa lagay na 'to, at naririnig ko na kanyang mahihinang tawa, she knows me too well.
"Mga bata, kakain na tayo." Anunsyo ni Mama at bumaling kay Terrence.
"Hijo, kumain ka na rin dito. Para makilala ka na rin ni Caesar." Pang-aaya ni Mama at iniwan muna kami ni Mama nang pumayag siya na kumain kasama namin.
Humarap ako sa kanya, "Are you sure about this? If you're not ready, it's okay to turn down the offer--" natigilan ako nang halikan niya ang aking pisngi at tinitigan ang aking mga mata.
I was mesmerized with his eyes, those deep eyes colored with hazel brown.
It's too good to be true.
"I've never been so sure in my life, Love. Because starting today, there will be an assurance that you'll hold on to, and I will try my best not to hurt you." He didn't made a promise, but his words used, I felt at ease.
How can be a man this sincere?
He knows how to handle me like this.
I nodded and smiled. He planted a small kiss in my forehead and we went to the dining room. Natahimik ang lahat nang madatnan kami at napatawa naman ako.
"Hey, don't make him uncomfortable." I mouthed to Cindy and she nodded eventually. Tumayo si Van at sinalubong kami.
"Upo ka na Kuya?"
"Terrence." Dugtong ni Terrence at naglakad naman kami papunta sa lamesa. Bumitaw siya sa aming pagkakahawak at pinaupo ako muna ako bago siya.
Nakaupo siya sa tabi ko samantalang sina Cindy at Andrew naman nasa harapan namin tapos katabi ko si Van at katabi naman ni Terrence sa kaliwa niya si Dashiel naman. Samantalang si Vince katapat si Van.
"So, mag-jowa na kayo?" Bulalas biglang ni Cindy at bumaling ng tingin sa amin. Napaiwas na naman ako ng tingin at naramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
I heard Terrence chuckled, "I'm courting her." He answered and gave a quick look. Naramdaman ko ang pag-apak sa akin ni Andrew kaya't pinanlakihan ko siya ng tingin.
"Sorry for being rude, I'm Terrence Flynn Valencia." Pagpapakilala ni Terrence at nakipagkamay nina Andrew.
"I'm Cindy Santiago, at ito naman yung hubby ko, Andrew." Pagpapakilala naman ni Cindy at kinindatan ako.
Siniko ako ni Van at lumingon sa kanya.
"Ako din, magpapakilala." Bulong niya at napatawa naman ako. Bumaling naman ako kay Terrence.
"Terrence, this Van Rodriguez, at yang katabi mo ay si Dashiel Fontelara." Pagpapakilala ko naman at tumango naman si Dashiel. Mukhang si Gaile na naman ang problema nito dahil halatang hindi siya mapakali base sa kanyang ekspresyon.
Saktong dumating naman si Mama, dala-dala ang mga pagkain kasama ang kasambahay na nakasunod sa kanya.
"Help yourselves, kumain kayo ng marami ah." Pahayag ni Mama at nag-thumbs up naman agad si Cindy.
"Maasahan mo yan Mommy Claud! Kami pa ba?" Natatawang sabi nito at hinimas-himas ang kanyang tiyan. Four months pregnant na si Cindy kaya medyo mapapansin mo na rin ang paglaki ng kanyang tiyan.
"So, how'd you guys meet?" Tanong ni Dashiel, gamit ng kanyang seryosong tono.
"We met in an Island." Nagulat kami nang biglang mabulunan si Cindy kaya't natatarantang inabutan namin siya ng tubig at pinainom iyon.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko at tumango naman siya. Ngumisi siya at biglang dinuro si Terrence.
Sinaway naman siya ng kanyang asawa, at narinig ko ang pagpipigil tawa nina Van at Vince.
"Ikaw yung Island boy! Kaya pala ayaw pang umalis ni Elise doon e!" Giit pa ni Cindy.
"Cindy!" Saway ko din naman. Bumaling ako kay Vince at sinamaan siya ng tingin. Itinaas niya ang kanyang parehas na kamay na tila sumusuko sa pulis.
Terrence gazed at me and I blushed.. BIG TIME! Thanks to Cindy's BIG MOUTH.
"Nagpa-extend pa yan si Ateng, kaya naman pa--" tinakpan naman agad ni Drew ang bibig ng kanyang mabungangang kaibigan.
Biglang sinundot ako ni Van sa aking bewang kaya sinaway ko siya. "You didn't tell me about it ha! Yiiiee!" Pang-aasar naman ni Van.
"Hey, nasa hapagkainan tayo. Mamaya na yang harutan." Suway naman ni Dashiel.
"Hoy, Dada bakit ang sungit mo ngayon ah? Gaile pa rin ba?" Puna ni Drew at sinamaan siya ng tingin.
"Shut up." Pikon niyang tugon kaya't nagtawanan kami. Minsan talaga, yung pag-iinarte niya halata. Naramdaman ko ang paghawak ni Terrence sa aking kamay at bumulong sa akin.
"You have great friends." Napangiti naman ako dahil mukhang natutuwa naman siya sa mga kaibigan ko pati na rin sila sa kanya. Kaya panatag ang loob ko na magkakasundo silang lahat.
"Mukhang nakakatuwaan kayo dyan ah." Natigil ang tawanan nang marinig ang baritonong boses ni Papa kaya't bumaling kami sa kanya na nakatayo papunta sa aming pwesto.
Napatingin si Papa kay Terrence at mukhang nagulat nang madatnan niya ito kasama namin.
"Valencia, what brings you here?" Tanong ni Papa at sinalubong naman siya ng halik ni Mama at parang may binulong.
"Oh siya, kain na muna kayo." Malumanay na sabi ni Papa pero mahahalata mo dito ang kanyang pagkaseryoso. Well, looks like I'm in trouble?
---
Dedicated to: hellshwrites
BINABASA MO ANG
Lose With You
RomantizmLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...