CHAPTER SIX
Sick boy
ELISE.
"Ano yan?" Tanong ko at pinagkrus ang mga braso ko. Pumunta na naman siya dito na may dalang regalo. Nakabalot ito sa unicorn gift wrapper. Hindi pa rin ba siya natitinag?
Dalawang araw ang nakalipas na hindi siya nagpakita at akala ko'y sumuko na. If Cindy was here, she would tell how coldhearted I am and just give him a chance.
Nah.
Terrence's is sweet, a typical playboy who's up for a challenge. Me.
"Just take it." Sabi niya at tinanggap ko na lamang iyon. Binuksan ko naman at tumambad sa akin ang isang..avocado stuffed toy.
"Saan mo naman nakuha 'to?" Nasa isla kami, it doesn't make sense at all. Napasimangot naman siya at nag-inat inat.
"A thank you would be okay." Giit niya at biglang napaubo. Kumunot ang noo ko nang nagpaalam na siya agad at hindi na hinintay ang dapat kong sabihin. Weird.
Tinignan ko ang avocado stuffed toy na may cute blue eyes. I looked at it coldly, "What are you looking at, human-faced avocado?" Tumayo ako at pumasok sa kubo para kumain ng tanghalian.
Pagkatapos kong kumain at saktong dumating si Yula para samahan ako sa centro at bumili ng mga sweet treats na kakarating lang galing sa kabilang isla. Habang tumitingin ng mabibili, nakasalubong namin si Tyrant na umiinom ng strawberry drink.
"Nakita rin kita." Sabi niya at tinuro ko ang aking sarili. "Ako?" He maintains his bored look and nodded.
"Please see my brother, he keeps on nagging about how cold you were. Hindi niya iniinom ang gamot niya at tinatapon niya lang ang pagkaing hinahain sa kanya. Suprisingly, my brother is not like that before." pahayag niya at tinignan siya na hindi man lang nag-aalala.
"Wala akong kinalaman kung ayaw niyang kainin ang mga hinahain sa kanya, at wala rin akong kina--"
"Sorry to break it to you, pero may kinalaman ka sa pagkakasakit niya dalawang araw na ang nakakalipas at hanggang ngayon. I don't know why he would risk himself just to buy a stupid stuffed toy across the sea just for you?" Pagputol niya sa aking sinabi na naging dahilan para mabato ako mula sa aking kinatatayuan.
"He even wrapped the stuffed toy himself and several times escaped the house, caught several times but he tend to escape an hour ago." Hindi na 'ko nakasalita nang hatakin niya 'ko at hindi na 'ko nakatutol sa kanya at nagpadala na lang.
Tumigil kami sa isang malaking pintuan, at humarap siya sa akin. He sipped again in his strawberry drink before he could talk.
"Please treat him what he deserves and don't tell him what you knew about what he did." Hindi na niya ako hinatid sa loob at pumasok naman ako. Sinalubong ako ng isang kasambahay base sa suot nito at itinuro niya sa akin ang kwarto ni Terrence.
"Nasan na yung gamot at pagkain niya po?" Tanong ko sa kasambahay. Sumunod naman ako sa kasambahay papunta sa kusina at inabot sa akin ang isang tray.
BINABASA MO ANG
Lose With You
RomanceLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...