CHAPTER TWENTY-TWO
Carpe Diem
ELISE.
Nang makalabas kami sa aking kwarto, ay hindi na niya binitawan ang kamay ko. Nag-iinit pa rin ang mga pisngi ko nang maalala kong hinalikan niya ako. Sobrang saya ko dahil sa kabila ng kalagayan ko, hindi nagbago ang tingin niya sa akin.
Pero nag-aalala pa rin ako para sa kanya.
Yes, I have doubts and that's because he's something very precious to me. I don't want him to enter my life the first time I saw him because I'm scared and hurt.
Who wouldn't be?
But looks like the cards have flipped and I have no time to be change our fate. Not now, that he knew everything.
Nakarating kami sa hapagkainan at napansin agad ang nakahandang mga pagkain. Sobrang dami naman nito! Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman agad ako at umupo siya sa may harapan ko.
Ngumiti siya sa akin, "Dig up." Nasasabik akong tumango at binuksan ang kaldero. Pinagkunan niya ako ng sinigang at inilagay sa isang maliit na bowl.
"Ako nagluto niyan." pagmamalaki niya sa akin at nginitian siya. Sumubo ako ng isang kutsarang sabaw ng sinigang at nanlaki ang mga mata ko sa sarap ng kanyang luto.
"Ang sarap!" Puri ko at itinuro ang ibang putaheng nakahain. "Luto mo rin?" Tumango naman siya at mas lumapad ang ngiti ko sa kanya. Kumuha ako ng sisig at isinubo ito kasabay ng kanin.
"Ang sarap talaga! Bakit hindi ka na lang nag-chief? You could pull out a restaurant." puri ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Aliw na aliw naman siya dahil sa mga papuri ko sa kanyang luto. E, totoo naman talaga, he could have pulled out a restaurant and I will be the very first customer if that happens.
"I am only going to be my future wife's personal chief." napatigil ako sa pagkain dahil sa kanyang sinabi. He smiled at me genuinely.
"I'm just going to be yours only." Biglang dumagungdong naman ang puso ko dahil sa kanyang sinabi at ngumiti sa kanya pabalik.
"Then, I'm looking forward to that." I sincerely said and continued eating. Napansin ko ang kanyang pagkatigil dahil sa aking tugon. Did we made promise?
Pagkatapos naming kumain, naboluntaryo akong maghuhugas ng plato pero nag-insist siya at ako naman, matigas ang ulo kaya kaming dalawa na lang ang naghugas parehas.
"Terrence."
"Hm?"
"Sigurado ka bang ikaw na ang maghahatid sa akin sa ospital?" Nag-aalinlangan kong tanong. Kinausap na niya si Papa na siya na lang daw ang maghahatid sa akin at hindi na inabalang sunduin ako dito.
Tumango naman siya at lumingon sa akin.
"Yes, you're my priority so I should take care of you." usal niya at tinapos na namin ang paghuhugas. Hinatid niya ako sa aking kwarto at nagpaalam na mag-aayos na rin siya para makaalis na kami agad.
Medyo kumirot ang ulo ko kaya kumuha ulit ako ng mga tableta ang ininom ito sa isang lunok lang at uminom ng maraming tubig. Saktong nag-ring ang phone ko na nakapatong sa higaan kaya agad ko itong inabot para sagutin.
Vince calling..
Bakit naman napatawag ang kumag na 'to? Agad ko itong sinagot at narindi agad ako sa ingay mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Lose With You
RomanceLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...