CHAPTER TWENTY NINE
Business Partner
Dedicated to: ABsUmali
ARYSSE.
Nakarating naman kami ng matiwasay sa resort. Nandito ako ngayon sa isang guestroom kasama si Anna dahil dalawa ang bakanteng higaan dito. Buti na lang ay hindi ako mag-isa dito dahil hindi ako mapapanatag kapag walang kasama.
"Bagay kayo ni Sir Vince," Puna niya at umaakto pang kinikilig. Tumawa naman at umiling ako. Inayos ko na lang yung susuotin ko para sa swimming mamaya. Lumapit naman sa akin si Anna at dinampot yung damit ko. Kumunot ang noo niya at tinignan tignan ang aking damit.
"T-shirt tapos shorts? Ano ka, nasa bahay?" Asar niyang sabi. Tumango naman ako, "Susuotin mo to mamaya? Hay nako, buti na lang may extra swimsuit ako. Teka lang," bumalik siya sa kanyang higaan at kinuha ang bag.
"Ayoko ng swimsuit! Hindi ako magsusuot niyan!" Tukoy ko doon sa bikini na dala niya. Hell no! Hindi ako magsusuot ng ganyan! "Arysse, susuotin mo to. Ang ganda kaya ng hubog ng katawan mo! Siguradong luluwa---"
"Kitang kita ang kaluluwa ko, Anna! Isa!" Reklamo ko. Parang wala na akong saplot niyan! Jusmiyo marimar, hindi ako mapapasuot niyan. Hindi na ako magdadalawang isip pa. Ayoko! Lumabas siya bigla at napabuntong hininga ako. Alam kong nagtampo yun. Pero ayoko talaga.
Naghubad na ako ng shirt at magpapalit ng damit. Biglang pumasok si Anna kasama ang ilan sa mga katrabaho namin. Sina Chelsea, Felice, Dana, at Eula. Napaatras ako habang tinatakpan ang aking katawan na nakabra at nakasuot pa ng shorts. Ngumisi silang lima at sinugod ako.
"WAAAAAAAAAAHHHHHHH!"
--
I have no choice, napasuot nila ako nung bikini. Buti na lang ay pinasuot nila ako ng malaking shirt dahil hindi talaga ako komportable. Kung pwede nga lang na hindi ako magswimming, gagawin ko kaso baka pilitin lang din ako ng mga katrabaho ko, ayoko naman maging KJ sa kanila.
Pumunta kami sa isang bar, kakaunti lang naman ang nandito, kami-kami nga lang e. Hihintayin namin dito si Sir Vince na kasama daw ang business partner. Nag-order ang mga kasama ko ng chaser with lemon daw. Ano yun? Never pa akong uminom sa buong buhay ko, ang sabi nila naman, mapait ito gaya ng pagtry dati ni Dash nung birthday niya sa probinsiya.
"Cheers!" Sabi ni Chelsea at nagcheers nga sila. Tinanong ako ni Anna kung ano ang iinom ko pero umiling ako. Sabi ko, hintayin ko na si Sir Vince at doon nagsimula na silang mang-asar sa amin. Kesyo, bagay daw kami kasi daw mestiso at morena magandang combinasyon. Natawa na lang ako sa mga asar nila at nakisakay sa mga lokohan.
Nagpaalam ako sa kanila na magc-CR, nang makarating ako doon ay agad akong pumunta sa cubicle at umihi. Pagkatapos ay lumabas na ako at naglinis ng kamay. May nakasabay akong babae, nung nagkatinginan kami, biglang nanlaki ang mga mata niya pero kalaunan ay pinakita niya ang kanyang mataray na ekspresyon. Maganda ito, maputi at maganda ang hubog ng katawan dahil nakasuot siya ng two piece.
"Quit staring, will you?" Agad akong umiwas ng tingin at humingi ng paumanhin. Mahaba ang buhok niya kulay dark brown, bagay na bagay sa kanyang mukha na maliit. Umuna na akong lumabas ng CR dahil nailang ako sa presensya ng babae. Parang naulit na yung pangyayaring yun pero parang hindi din naman, ang gulo ko. Aish, makabalik na nga.
Saktong nadatnan ko sina Sir Vince nagtatawanan kasama nung mga katrabaho namin doon at hindi kilalang lalaki na umiinom lang. Lumapit na ako doon at pinakilala sa akin ni Sir Vince ang kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Lose With You
Storie d'amoreLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...
