SPECIAL CHAPTER🎉
Cafe Girl
Dedicated to: JeonLee_
(A/N: Hi readers! Dumako naman tayo kay Dash, pagbigyan naman natin siya! Gusto rin daw niya ng love story kahit dito lang daw sa chapter na to.
Dash: Readers! Pagbigyan niyo na ako, baka makilala ko na ang girl of my dreams ko! Ang daya daya kasi ni Author halos lahat ng characters niya dito, may love life na, except lang siguro sa kaibigan ko na si Arysse, masyado----nevermind. So, Author, mag type ka na o pepektusan kita?!
A/N: Hoy Dash! Nakikisali ka lang dito! Baka burahin kita ng wala sa oras!
Dash: *lumuhod sa harap ni Author* Sorry na Madam Author! Type ka na, excited na ako!
A/N: Tsk. Umayos ka at wag mong painitin ang ulo ko.
Dash: Opo, mama.
A/N: ANO?!
Sa isip isip ni Dash: Talo pa ang matandang nag meno pause.
DASH: AH..eh.. wala naman hehe.)
DASH'S POV
Nang maihatid ko si Arysse sa trabaho niya, bigla akong nabored. Wala naman akong projects this week, kasi hindi pa tumatawag si Madam B. Nandito ako ngayon sa isang cafe, kumakain ng paborito kong chocolate pudding at umiinom ng mocha frappe.
Pa-easy easy lang ako no?
Wala eh, gwapo ako eh. Pinagmamasdan ko ang aking paligid, leche, ang wala lang sa akin dito, girlfriend. Lahat sila may lovelife na panget man o gwapo. Gwapo nga ako, sayang ang genes kung hindi ipapakalat sa mga susunod na henerasyon.
Nag order ako naman ako ng black forest cake, napapatingin ako dun sa waitress dito sa cafe na to, parang kilala ko to ah..
"Ikaw?!/You?!" Siya yung may-ari ng asong inihian ako! At hindi man lang nag sorry, tinapunan pa ako ng juice sa mukha.
*FLASHBACK*
Naglalakad ako sa may park, dahil bored ako, umupo ako sa ilalim ng puno at nagmumuni muni. Pinapakiramdaman ang pagihip ng hangin. Ang ganda ng scenery. Ang simple. Pinikit ko ang aking mga mata, ang ganda----teka, umuulan ba? Bakit ang alat naman ng tubig? Minulat ko ang aking mata,
Lintik---! Naihian ako ng aso!
"Gah! Kadiri!!!" Nasusuka kong sabi. Kadiri naman! Akala ko umalat lang yung tubig ulan yun pala, ihi ng aso! Bwisit!
Tumayo ako at pinagpapagan ang sarili,
"Oh my gosh, Fiello! You dog! Kung saan saan ka pumupunta!" Sabi nung dumating na babae.
"Aso mo ba yan?" Naiirita kong tanong.
"Oo, bakit--- teka, bakit ang panghi?" Inamoy amoy ko ang sarili ko, bwisit! Ako yun!
"Yang aso mo, inihian ako!" Naiinis kong sabi. Agad naman siyang napatawa, aba't!
"Pfftt----Sorry, ano ulit? Inihian ka ni Fiello? Duh, hindi naman siya umiihi sa mukha ng tao no, I taught him to pee in to trees." Simpleng sabi ng babae.
"Eh naka upo ako sa ilalim ng puno eh! Bakit ba kasi tinuruan mo ng ganyan ang aso mo ah? Kainis lang ah, sabi mo sa puno umiihi, hindi sa mukha ng tao!"
BINABASA MO ANG
Lose With You
RomanceLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...