CHAPTER THIRTEEN
To know you more
ELISE.
Ilang araw na ang nakakalipas magmula nung napagdesisyunan namin ni Terrence na magdate, and it turns out to be okay. Napansin ko din na hindi na sumasakit ang ulo o kumikirot. Dahil siguro hindi na ako stress out o paranoid tulad ng dati. Pero umiinom pa rin ako ng gamot ko sa tamang oras.
Sa totoo lang, Nawe-weirduhan na sa akin si Vince at parang pulis kung makatanong. And for the record, I'm not really vocal about my life.
I'm not an open book anymore nor secretive, it just that, if people ask about me, I would answer without hesitation.
No pressure, I'm honest with my words.
Hinalo-halo ko ang mainit na gatas at nakamasid lamang sa bintana. Si Vince naman, sigeng pakikisama niya sa bayan at sumasali sa kung anu-anong palaruan o pa-liga ng bayan kaya't hindi ko siya masyadong nakakasama.
Come to think of it, he's courting me while we were dating and he's really sweet and thoughtful. Wala sa sarili naman akong napangiti dahil doon.
After that day, he never left my mind.
Mayroon pa rin akong mga katanungan sa isipan ko kung anong hilig niya, kung anong buhay niya. Lagi lang kaming magkasama at kung anu-anong kalokohan ang aming ginagawa.
Hindi sumagi sa isip ko na magtanong tungkol sa kanya. Kahit din naman siya, hindi niya ako tinatanong kung anong meron sa buhay ko. Humigop ako sa aking baso at nakatingin pa rin sa asul na kalangitan at dagat.
Bumaling ang aking atensyon sa aking cellphone at nakita ang pangalan ni Cindy sa screen. Dinampot ko naman ito agad at sinagot.
"Hello, Cinds?"
[My goodness! Buhay ka pa pala, Elise Raine Iñiguez!] Napalayo ang tenga ko dahil sa tinis ng kanyang boses. Mahina naman akong napatawa.
"Kumusta, Cinds?" Malumanay kong sabi habang hinahalo ko ang gatas gamit ang kutsara.
[Uuwi ka pa ba? Dalawang buwan ka na dyan ah, ay teka, magtatatlong buwan na pala! Umiinom ka ba ng mga gamot mo? Nakumbinsi ka na ba ni Insyboi na magpa-opera?] sunod-sunod niyang tanong.
Wait, magpa-opera?
[Hello girl? Hello?]
"Ilang buwan na ba bago.." hindi ko matuloy-tuloy na sabi. Napabuntong hininga ako at napasapo sa aking noo.
[Elise..kailangan mo na talagang umuwi. Lahat kami nag-aalala sa iyo. We're here okay? Wag kang selfish, gaga ka.] Asik niya pa sa akin na mas lalong naging dahilan para huminga ng malalim.
"Give me more time to think about it, Cinds. Alam mo namang nag-rerecover pa ako sa nangyari at hindi na masyado sumasakit ang ulo ko. Pakisabi na lang sa kanila na, babalik din ako." pahayag ko at bumuntong hininga siya mula sa kabilang linya.
[Te, wala ka nang more time, alam mo naman yan e. I'll give you three days to think about it. I'll tell the doctor to get ready for your operation.] Operation, yeah right.
[We're expecting you in three days time, at kapag hindi ka pa rin nakapag-desisyon. You know how Tito and Tita could be so strict in your health condition.] Dagdag niya pa sa akin.
I still have three days left.
"Okay." Matipid kong tugon at ibinaba agad ang tawag. Sumagi muli sa aking isipan ang mukha ni Terrence.
Napayuko ako at napatulala sa basong may laman na gatas.
I'll tell him soon, but not right now.
---
Nakasandal ako sa balikat niya at nakatingin lamang kami sa mga batang naglalaro sa dalampasigan. Hindi namin ininda ang init ng araw dahil kumukulimlim na rin ito mamaya dahil malapit nang mag-alas kwatro.
"Ano apelido mo?" tanong niya sa akin.
Pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat napaharap sa kanyang mukhang nakadiretsong tingin sa dagat.
"You'll look at me different, if I tell you." Lumayo ako sa kanya at nag-indian seat sa harapa niya.
"Bakit naman?" Dahil, nakasulat ang pangalan ko sa lahat ng dyaryo, telebisyon, at pati na rin sa mga magazines, nakaantabay din doon ang kilalang pamilya sa Pilipinas.
"Please don't look at me like that," untag ko sa kanya at napasimangot.
"What? Tell me now."
"Iñiguez," tugon ko naman agad. He looked at me bored and interwined our fingers.
"Wow, so you're that girl." Huh?
"What girl?" Nagugulat pa rin ako sa kanyang mga gestures kahit ngayon na hinalikan ang likod ng kamay ko.
"The girl that I'm going to marry." Natameme ako sa kanyang hirit na naging dahilan para maghumirentado ang puso ko. Tinignan ko ang aming magkahawak na kamay at pinaglaruan ko 'to.
"Ilan na ang naging girlfriend mo?" Mahinang tanong ko.
"Two," tugon naman niya.
"Ilan kayo magkakapatid?"
"Apat."
"Ano yung mga pangalan nila?"
"Tyrant, Kelsey, Gian,"
Natahimik naman ako nang wala na akong maisip na tanong. "Ask me more questions, I'll answer it honestly." sambit niya sa akin at tumingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin, "Do you trust me?" Tanong niya at marahan akong tumango. Napasinghap ako at nag-ipon ng lakas ng loob para itanong ko sa kanya ang matagal ko nang gustong malaman.
"Anong nangyari sa malaking pilat na nasa likod mo?" I wanted to hear his story, even if I need to hold his hand very tight. Ilang minuto kaming niyakap ng katahimikan, binasag ko naman ito agad.
"Okay lang naman kung hindi ka pa ready, I'll wait for you to tell me without hesitation." Hindi naman ako nagmamadali, I can give the whole time as long as I'm still here beside him.
"Gusto mo ba talagang malaman?"
"Yes but, I know that we were just recently dating and I respect all your decisions if you don't want to tell everything." We're just starting to work things out so I guess we should to take things slow but simple.
"And why is that?"
"Let's take things slow, and I'm hoping that it will turned out to be okay." I said and diverted my gazes to him. He looked at me, rested his forehead on to mine.
I smiled a little when looked at me intently, "Thank you, love." he whispered and kissed me in my forehead.
"Tell me when you're ready." Bulong ko sa kanya. Pumasok sa isipan ko ang operasyon na sinasabi ni Cindy sa akin kanina lang.
I'll tell him when I'm ready too.
---
A/N: Dedicated to Ate secretlychasing, congrats sa upcoming book mo labyuuu❤❤❤ no hate, spread love guys babush

BINABASA MO ANG
Lose With You
RomanceLosing occurred it's game. As Elise experiences love at her first peek of romance, she encountered a lot pain and difficulty as time gone by. She thought the first person who made her feel love and spring-filled feelings were enough to prove one's...