CHAPTER TWENTY-ONE

24 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

I have to tell you something

ELISE.

Nakapayakap ako sa kanya habang mabagal lamang ang aming galaw sa pagsayaw. Pinikit ko ang aking mga mata at ipinilig ang aking ulo sa kanyang dibdib. It felt so good in his arms.

"Did you know that I write songs?" Napatingala ako at namangha sa kanyang sinabi.

"Talaga?" Tumango naman siya at inikot muna ako bago iniharap ulit sa kanya.

"And I wanted to write something about you." seryosong sabi niya kaya napangiti ako. Hinawakan ko ang kanyang kanang pisngi at marahan na pinisil ito.

"Write a song about me then," giit ko at napatawa. He's too sweet to handle, but I could manage his cuteness right now. Inaya na niya akong kumain kaya pinaupo na niya ako.

Marami akong nalaman patungkol sa kanya at sobrang saya ko dahil sa kanyang mga walang-sawang kwento. I was so focused on him and this night will surely be the longest time.

Umupo kami sa sofa na nakahanda doon at pinagmasdan ang kalangitan.

"It's really breathtaking." I said and leaned comfortably in the sofa. I could a thousand stars twinkling in the night sky that made me so mesmerized about it.

"You are breathtaking, love." Napalingon ako sa kanya at nadatnan siyang nakatitig sa akin. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko, dumadagungdong na naman iyon ng sobrang bilis.

"Ang tamis mo naman ngayong gabi, Ginoong Valencia." Natatawang puna ko at lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo at hinapit ang aking bewang papalapit sa akin.

"Hindi akong magsasawang maglambing sa'yo, mahal." Ipinilig ko ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib at sabay naming pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan.

---

Nagising ako sa villa na pinanatilihan ko ngayon sa Baguio at napansin na naka-pajamas na 'ko. Bumangon ako at may nakakurba sa aking labi na isang malaking ngiti.

Naginat-inat ako at tinignan ang phone ko. Napansin ko agad ang nakadikit na blue sticky note doon.

Did you sleep well? Because I did, you made my dreams into reality. -Terrence V.

Hindi nagtagal, napawi ang ngiting iyon nang mag-vibrate ang teleponong hawak ko at ipinapakita nito ang pangalan ni Doktora Lopez.

Dr. Lopez calling..

Tinanggal ko agad ang sticky note at slinide ang aking daliri papunta sa accept call. Dahan-dahan kong inilagay ang aking telepono sa aking tenga.

"Hello po, Doc. Napatawag po kayo?" Narinig ko ang mabigat na paghinga ni Doktora na hindi ko ikinatuwa, mukhang may masamang balita.

"Hija, thank God you answered. I can't reach you yesterday. I have bad news for you.." usal niya mula sa kabilang linya at ilang minuto ay natahimik.

"Ano po iyon Doc?"

"The bullet in your head should be removed as early as tomorrow but you have to be here today for some additional tests. Naalala mo yung last check-up mo? I've been studying that bullet in your head and it has been moved and the blood that circulates in your head.. namumuo-muo na ito. I didn't call you earlier because I thought it was a false alarm but.. I'm sorry hija, nasaan ka na ba? Dumiretso ka na agad dito sa ospital dahil mamaya-maya, ipapatawag ko na rin ang mga magulang mo." pahayag niya. Napansin kong namamasa-masa na ang mga mata ko dahil sa aking narinig pero pinunasan ko ito at pinigilan ang pagtulo nito.

Napalunok ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking telepono.

"Papunta na po ako dyan, may kailangan lang po akong asikasuhin bago-"

"Love.." nanginginig akong lumingon at dahan-dahan na ibinaba ang telepono.

"T-Terrence.." nauutal-utal kong tawag sa kanya at naramdaman ko ang pagnginginig ng buong katawan ko. Nanghihina na katawan ko. Lumapit siya sa akin at napaiyak nang biglang yakapin niya ako ng mahigpit.

"What happened Love? Tell me, what happened?" Mas lalo akong napahagulhol dahil sa kanyang sinabi.

How can I tell this lovely man that he's loving a sick and lonely woman?

How can I hurt this man who just knows to love me dearly?

"Love, tell me why are you hurting." nabitawan ko ang aking telepono at niyakap siya ng sobrang higpit yung tipong ayoko ko na siyang pakawalan.

Ayokong iwan niya ako pero mas ayokong masaktan siya dahil sa kalagayan ko.

"Please leave me when you need to. Please leave me when you have to. Please leave me, before it's too late, Terrence.." naiiyak na sabi ko. Hindi niya alam kung gaano binibiyak ang puso ko sa mga pinagsasabi ko sa kanya at ngayon lang akong nasaktan ng ganito.

"What the fvck are you saying?! Who's too dumb to leave a beautiful creature like you?" Singhal niya at pilit na hinaharap ang aking mukha sa kanya pero sadyang mas lalo kong isinisik ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Terrence.." kumalas kao sa kanyang pagkakayakap at tinignan siya sa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang kanyang magkabilang pisngi.

"I-I have to tell you something." Nauutal kong sabi at inipon ang natitirang lakas para pigilan ang pag-iyak ko--

Lumambot ang puso ko nang hawakan niya ang pisngi ko para punasan ang mga luha ko at yung isa naman niyang kamay ay hinawakan ang kamay kong nakapatong sa kanyang pisngi at pinisil iyon.

"Don't be scared to speak up, Love. It's okay, not to be okay sometimes." Napahikbi ako sa kanyang sinabi at patuloy niyang pinupunasan iyon.

Yumuko ako, "In what lifetime did I became so good that I deserve to have you today huh?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

He cupped my face and looked at me intently, "You don't need to be good to be deserving, Love. You're enough to be deserving." He's genuinely sincere and real.

He's real for me.

"Now, please tell me what's in your head." He said. I tried to smile but my tears kept on falling so I looked at him sadly.

"What's in my head? A bullet, Terrence." Mahinang sabi ko at tinignan ang kanyang reaksyon. Parang hindi siya nagulat sa sinabi ko, pero nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"I know, Love. I know." At mas nagulat ako nang dumampi ang kanyang labi sa akin.

--

A/N: boOm paNeS HAHAHAHAHAHA MEDYO NALUHA TALAGA AKO SA PART NA 'TO PUTEK HAHAHAHAHAHAHA

Dedicated to: jennyceaaa_ hi insan, yiiii mith u na HAHAHAHA

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon