CHAPTER TWENTY

26 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Happy Heart, Weak Mind

ELISE.

Minulat ko ang aking mga mata at nadatnan na nakatigil ang kotse. Napalingon ako sa driver's seat, wala doon si Terrence. Sumilip ako sa bintana at saktong lumabas siya galing sa isang fast food chain, bitbit ang mga paperbags.

Nang makapasok siya sa kotse ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"You were snoring." Nanlaki ang mga mata ko tapos tumawa naman siya. Napasimangot naman ako at pinisil naman niya ang pisngi ko.

"Joke lang." Natatawang sabi niya at inabot sa akin ang isang paperbag.

"I bought you large cheeseburger and flavored cheddar cheese fries." Sabi niya at napakamot naman siya sa kanyang ulo na tila nahihiya.

"Sa totoo lang, hindi ko alam ang paborito mo kaya binili ko na lang ang regular na binibili ko sa mga fast food chains." Malungkot niyang sabi at tumingin siya sa akin. Ngumiti naman ako at inabot ang kanyang ulo.

I patted his head and looked at him intently. I smiled at him, sweetly. He's so cute with his shy side and I like it.

I want to see more of him.

"You did a good job." simpleng sabi ko sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. Napangiti lalo ako nang mapansin na namumula na siya. Umiwas siya sa akin at tumingin sa bintana.

"You're making me crazy, woman." napatawa naman ako at tinapik siya.

"Kumain na nga tayo! Mahaba pa ba yung byahe?" Tanong ko at kumagat sa cheese burger.

"We'll be there in thirty minutes." Napatango naman ako at inabutan niya ako ng tubig at nagpasalamat sa kanya.

"Parang matagal kang nakakapunta doon ah." Giit ko at tumango naman siya. Pagkatapos niyang uminom ay pinunasan niya ang kanyang bibig.

"Bihira na 'kong nakakapunta doon dahil na rin siguro sa trabaho pero nung highschool at college years 'ko, dun talaga ako tumatambay. Gustung-gusto kong pumunta doon mag-isa." Pahayag niya.

"And this time, you'll be the very first one that I'll be going with." Dugtong niya at nagpabilis ng tibok ng puso ko. Parang nakikipagkarera itong puso ko sa sobrang bilis ng dagungdong, ang ingay.

Kumuha ako ng fries at nagmamadaling kainin ito. He's MAKING ME LITERALLY CRAZY.

"Bakit sa Baguio? Ang dami-daming mas magandang lugar na pwede kang mapag-isa at makapag-relax e." kwestyon ko sa kanya.

"My grandmother used to bring me there, because that's place where my grandparents first met and fall in love." Wow, that's so.. romantic.

"Nasaan na siya ngayon?"

"She passed away five years ago." Medyo yumuko ako, "Sorry!" Natatarantang sabi ko.

"Okay lang, she's happy now with the love of her life." Tugon naman niya at natapos na kaming kumain ay pinaandar na niya ang kotse.

"Can I open the playlist?" Paalam ko at tumango naman siya. Binuksan ko ang radyo at ipinilig ang aking ulo sa bintana para pagmasdan ang dinadaanan naming kalsada.

"I'm at a party I don't wanna be at,

And I don't ever wear a suit and tie,

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon