CHAPTER FOURTEEN

31 1 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Awkward, like what?

ELISE.

Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga gamit ay agad akong tumungo sa kabilang kwarto kay Vince. Nakasalamin na siya at mukhang handa na siya sa pag-alis namin. Kumatok naman ako sa bukas nitong pintuan at napatingala nang makita ako.

"May pupuntahan lang ako," ngumisi naman siya at lumapit sa akin. Ginulo ang buhok ko at mahinang napatawa. Parang siraulo din ang isang 'to.

"Okay, pero mabilis lang ah? Baka hindi ka na bitawan 'nun. Padating na daw yung bangka." Biro niya pa at napailing naman ako. Umalis na 'ko at naglakad patungo sa bayan at sumakay sa isang padyak, para mas mabilis.

Nang makababa ako sa padyak, ay agad kong nakasalubong si Tyrant na may iniinom na strawberry drink. Paborito niya talaga yun no? Tinignan niya ako ng walang ekspresyon tulad noong una ko siyang nakita, tapos nung araw na nagkasakit si Terrence at hanggang ngayon.

"Looking for my brother?" Tumango naman ako sa kanya at matipid na ngumiti.

"Magpapaalam lang ako." Uminom muna ulit siya bago sumagot.

"You don't have to do that." napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Bakit? Ayaw niya ba ako para sa kapatid niya? Well, talk about the family issues.

"He left the island." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Parang kahapon lang, napag-usapan namin na aalis ako at kailangan kong magtrabaho, which I lied on that part.

"Bakit? Kailan siya umalis?" Nilagpasan niya ako at may sinabi bago ito umalis.

"I don't want to spoil what will happen next, have a safe trip Iñiguez." Kalmadong sabi niya at tinapik ang balikat ko. He left me dumbfounded and a lot of questions in my head.

Bumalik ako sa kubo at mukhang sinarado na ni Yula ang Kubo pagkatapos niya akong madatnan na kakarating lamang.

"Ay Ate, nandun na po si Kuya Vince. Hinihintay lang kayo." Pahayag niya at iniwaksi muna ang pagkaalis ni Terrence. Bumaling ako sa kanya at napangiti.

"Salamat sa lahat, Yula." Sinsero kong giit at niyakap siya. Ginantihan naman niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"Salamat din po, Ate. Balik po kayo dito ah? Sobra talagang natutuwa kami sa inyo." Sambit naman niya at kumalas na kami sa yakap. Naglakad na ako papalayo at kumaway sa kanya bilang isang pamamaalam.

Nakaabang na si Vince at mamang bangkero sa may tabing dagat kaya't sumakay na ako agad at sinuot ang aking safety vest.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Vince at marahan naman akong napatango at ngumiti. Pekeng humikab naman ako at inakbayan naman niya ako.

"Tulog ka muna." ipinilig ko ang aking ulo sa balikat ni Vince at mariin na pinikit ang aking mga mata.

Bakit nga ba siya umalis?

Iniwaksi ko muna ang katanungang iyon at pinalipas muna ang aking sarili sa isang idlip. Naramdaman ko na may tumapik sa aking pisngi kaya akong nagising.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon