CHAPTER TWENTY-THREE

30 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Hold tighter

ELISE.

Pina-confine agad ako sa ospital para magkaroon ng konti pang tests bago magsimula bukas ng operasyon. Pinatawag na rin nila ang mga magulang ko at paniguradong kasama na rin ang mga kaibigan ko.

Sabi ng mga nurses, hindi daw umaalis si Terrence sa kanyang pwesto simula nung chine-checkup ako. Ilang oras na 'kong nandito at alam kong hindi pa siya nakakakain.

"Who's the lucky man?" Pang-uusisa naman ni Doktora Lopez sa akin at napangiti naman ako sa kanya.

"Terrence." Sagot ko sa kanyang tanong habang siya naman ay pinag-aaral ang pagbabago ng posisyon ng bala sa ulo ko.

"Doc, is there a chance that I could remember everything after this?" I asked her and she stopped writing to face me. Lumapit siya sa akin na may pag-aalala.

"The mind might have forgotten the memories, but the heart will always remember the feelings. Trust yourself, you'll get through this." mariin niyang sabi sa akin at nagsulat na muli.

"You're okay for tomorrow's operation. Ipapahatid na kita sa kwarto mo." Giit niya at inalalayan agad ako ng nurse para umupo sa aking wheelchair. Nang makalabas na 'ko, ay agad kong sinabihan ang nurse na dalhin ako kay Terrence.

Mula sa malayo, kitang-kita ko na nakayuko siyang nakaupo sa isang bench, "Terrence," sambit ko at agad na napatayo para kunin ako sa nurse. Itinulak niya ang wheelchair hanggang sa may bench para umupo siya at mapantayan ako.

Kinuha niya ang mga kamay ko at tinignan ako ng matiim. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi, alam kong naiiyak na siya sa mga pagkakataong ito pero pilit niyang hindi ipinapakita sa akin iyon. Ngumiti rin siya at napayuko habang mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa isa kong kamay na kanyang hinahalikan.

I've cried a lot, and now, I just wanted to smile at him and tell him that everything's gonna be okay. "You know, someone told me that it's okay not to be okay sometimes." Bulong ko pero sapat na para marinig niya. Mas humigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.

I cupped his face and looked at him dearly. This man shouldn't be crying over a woman like me. But this man proved me that maybe there's no really lists of people who are deserving because everyone does and chances have the power to change fates, and it's our decision anyways.

He's going to be the last man that I am going to love, and this is a vow to myself.

"You're worth losing for, Elise." Seryosong sabi niya sa akin at hindi pinutol ang aming titigan. Ngumiti naman ako sa kanya, yung ngiting gusto kong baunin niya sa pagkakataon na makalimot man ako. At hindi ko na kailangang sabihin ito sa kanya, ayos lang sa akin kung pagmulat ng aking mga mata, wala na siya para salubungin ako.

Gusto kong maging masaya siya sa buhay niya sa pagkakataong mawala na ang mga bagay na sobrang importante sa akin. Hindi niya man malaman ang mga iniisip ko, pero siya ang nagturo sa akin na may bagay na kailangang bitawan, na minsan akala mo sa'yo itinadhana, yun pala, hindi talaga.

If I have to let him go, I will.

If it's making him happier, I will.

Hindi ako maaatubiling palayain siya sa sakit na kaya kong idulot kapag nanatili pa siya sa tabi ko. I had enough pain with everyone else in my past, and now I am refraining him from that pain that I could give.

"Hindi mo ba gustong maging masaya, Terrence?" Malumanay kong tanong sa kanya at akmang kakalas sa kanyang pagkakahawak pero parang mas humigpit pa ito.

"Gusto ko maging masaya kasama ka." Tugon naman niya at pilit na hindi umiyak sa harapan niya at nagtagumpay naman ako.

"Kapag nagtagal ka sa tabi ko--"

"Will trust me on this?" Pagputol niya sa sasabihin ko. Napatigil ako sa kanyang sinabi. "Love, will you trust me on this for the last time?" Pag-uulit niya. Yumuko siyang muli at nakatitig lamang sa kamay kong hawak niya.

"Hindi mo alam kung paano mo nabago ako, Elise. You don't know how happiness you've caused me and I can't imagine myself smilling to another girl after you. Wag mong sasabihin na umalis ako, dahil simula pa lang noong pumayag ka isayaw kita, alam ko sa sarili ko na hindi na 'ko makakabitaw sa'yo. Mula noong araw na iyon, hindi na kita naalis sa isipan ko, hindi na kita mabura-bura sa mga panaginip ko at umabot pa sa punto na hindi ko matiis na hindi ka makita sa isang minuto."

Tumingala siya at saktong tumulo ang luha ko dahil sa kanyang sinabi.

"Kaya wag mong sasabihin na magiging mas masaya ako kung maghanap ako ulit ng iba. Wala nang katulad mo, at ikaw lang naman kasi ang hinahanap-hanap ko. Mahal na mahal kita, kaya wag mo naman akong ipagtulakan ng ganito." Parang binibiyak ang puso ko dahil sa kanyang mga sinasabi at sa kanyang luhang patuloy nang tumutulo. Hinawakan ko ang kanyang batok at pinatong ang aking noo sa kanya.

"Mahal din kita, sobra-sobra." Sabi ko sa kanya at hinayaan na lang na parehas kaming maluha. This man can't let me go, so I'll just hold him tight before I lose his grip.

NAGISING ako habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Terrence na mahimbing ang pagkakatulog. Saktong dumating ang mga magulang ko na nakangiti sa amin at napansin kong may dala-dala silang pagkain. Agad na lumapit si Mama at hinalikan ako sa pisngi at hinawakan ang ulo ko.

"Gutom ka na ba, 'nak? Ipaghahain ko kayo ng pagkain. Mukhang pagod-pagod si Terrence sa byahe." Pahayag ni Mama at nagsalita.

"Sige po." Tumingin naman ako kay Papa na nasa likod na lamang ni Mama at siya naman ang lumapit sa akin.

"Ang prinsesita ko," malambing niyang pagtawag sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Kahit anong mangyari, nandito lang kami ng Mama mo ha? Hindi ka mag-iisa sa operasyon." Aniya ni Papa at tumulong kay Mama sa paghahain ng pagkain namin. Lumingon naman ako kay Terrence na mukhang nagising na.

"Hi." bati ko sa kanya na may ngiti sa aking labi at ngumiti naman siya pabalik nang makita niya ako. Humiga ulit siya at tinitigan ako.

"I can't wait to see your face every morning." He said out of the blue and my parents looked at us, with teasing faces.

Nag-init naman ang mukha dahil sa kanyang sinabi. How can he be this sweet even after he open his eyes? And where my parents are eavesdropping?

Calm Thyself, he is a Valencia afterall.

--

A/N: yiEeeE acKkkk mah heart Terrence♡♡♡♡♡ HAHAHAHAHA

Dedicated to: eniluac hiii HAHAHAHA

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon