CHAPTER NINE

40 3 4
                                    

CHAPTER NINE

Closer to you

ELISE.

"Ano sa tingin mo?"

Suprisingly, I'm not in the mood to be so harsh. Palihim akong napangiti sa kapilyuhang naiisip ko.

"Nagseselos ako." Sagot niya na taliwas sa tanong ko. Teka, ano? Hindi ako nakasalita nang lumapit siya sa akin, MASYADONG MALAPIT.

Hindi niya alam ang salitang personal space.

Umatras ako at umiwas sa tingin niya, "Y-You're not answering my question." What the heck, am I stuttering?!

"Gusto mo talaga na sagutin ko yan?" Malamig niyang sabi na nagpataas ng balahibo ko sa aking batok. Umatras akong muli pero umabante naman siya.

"Obviously." Sinusubok kong hindi halatang kinakabahan. Natahimik kaming dalawa at hinihintay ang magiging sagot niya.

Shit, my heart's pounding for goodness' sake! No, no, no, NO!

"Naririnig mo ba?" Ha? Ang gulo-gulo niya. Nanlaki ang mga mata ko nang ipinilig niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. So technically, parang pinapahinga ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Ikaw lang ang nagpapabilis ng tibok nito." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Sa sandaling pagkakataon, narinig ko nga ang mabilis nitong pagtibok dahilan para magising ako sa reyalidad at mapalayo sa kanya.

"If you're not answering my question. Kailangan ko nang umalis." Tumalikod ako sa kanya at naglakad.

"I'm stealing you from him." Mariing sabi niya pero hindi ako lumingon at tuluyan na siyang iniwan. I barely knew him, now, he's trying to steal me from nothing? Tsk, siraulo.

Nakasalubong ko si Vince, "Saan ka galing?" Tanong niya at umangkla ako sa kanyang braso.

"Diyan lang naman, tara na gutom na 'ko." Pahayag ko at tinignan naman niya 'ko ng may bahid ng pagdududa.

"Ano?"

"Mayroong nangyari, hindi ko lang ma-point out kung ano." Sabi niya at tumawa naman ako sa paraang hindi kumbinsido sa kanyang sinabi.

Maniwala ka, please. Maniwala ka!

"Ah basta, may teorya na akong nabuo pero kailangan ko lang kumpirmahin. Tara." Dagdag niya at naglakad na kami papauwi para kumain.

Vince has been a great friend to me, and yeah, he loved me in the past but that doesn't matter anymore because he has someone else now and I am really glad he found his match. I owe him, big time.

Ngayon, he's being immature. I never saw this side of him! That Gelai girl must be something, kaya masyadong nagiging pabebe at mapaglaro ang hinayupak. Tsk, If I know, he's just jealous at sa kasamaang palad, sinapian yata siya sa pagiging torpedo at nakakapagtakang hindi siya mala-Daniel Padilla ang confidence, parang naputol ata ang dila niya pagdating kay Ggirl.

Best of luck, loverboy.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa bahay nina Yula, gusto kasi ni Vince makihalubilo at ipagkalat na boyfriend ko siya. "Kailangang tagumpay ang eksperimento ko, para tuluyang maging matapang ang lalaking napupusuan ka." Tsk, ayan naman siya sa eksperimento niya.

Umiling ako at piningot ang tenga niya, "Aray! Aray! Bitaw babe, bitaw--Joke lang, Elise bitaw na!" Daing niya at binitawan ko naman agad. Hayst, bakit ba ako nafu-frustrate kung malaman ni Terr--ng mga tao?

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon