CHAPTER FIFTEEN

33 2 1
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Something like this

ELISE.

"Hi Kelsey, I'm Elise." Nakangiting sabi ko sa bata at nakipagkamay siya sa akin. Lumingon siya kay Terrence, at bumaling ulit sa akin.

"Are you my kuya's girlfriend?" Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi at bumalik ulit sa masayang ekspresyon ko. Pinisil ko ang kanyang matatabang pisngi at tinapik ito.

Tumayo ako ng tuwid nang makaharap sa kanya. Pormal naman akong ngumiti, "So, she's your lil sis, huh? How are you?" Pormal kong sabi at napadako ang kanyang paningin sa hawak ko. Tumingin siya sa akin ng seryoso at umigting ang panga nito.

"You have a daughter?" mariing niyang tanong na ikinatigil ko. Nagpipigil akong mapangiti na baka nagseselos siya.

Compose yourself, Elise.

Honestly, I sighed relief in my mind that it's that his sister was just with him. I thought he have a daughter and now he thought of me, having a daughter or son.

Magsasalita sana ako nang biglang sumulpot si Cindy sa pagitan namin, "Wow! Ang ganda naman ng mga pinili mo. Magbabagay talaga yan sa babykels ko!" napasimangot ako nang mapansin ang pag-amo ng mukha ni Terrence.

Napalingon si Cindy kay Terrence, "Oh my gosh, you're in Ashton's wedding right? Ikaw yung kumanta sa kasal nila?" gulatang bulalas ni Cindy nang makaharap siya. Tumango naman at pormal na ngumiti siya. How come I didn't notice him?

"Nice meeting you, Ms. Del Viego." Nakipagkamay siya dito at mabilis niya akong sinulyapan at kinarga ang batang kasama.

"What brings you here, Mr. Wedding Singer?" Tanong ni Cindy at tumingin sa akin ng makahulugan.

"Just buying toys for my little sister. She's really into stuff toys." Tugon niya at napatango naman si Cindy. Lumingon sa akin ang babaita at kinindatan ako.

"Maiwan ko muna kayo, titingin pa 'ko ng mga sapatos para kay Baby. Bye!" Pinanlakihan ko ng mata si Cindy pero binelatan niya ako. Bumaling naman ako sa kanya at tinignan ako't ngumiti.

Abot-tenga niyang ngiti.

"So--" nagulat ako nang biglang hawakan niya ang kamay ko habang karga-karga niya ang bata sa isang bisig niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I missed you." Napaawang ang bibig ko at kinalas ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Tila sa isang iglap, naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya.

"Well, I don't." Nakaramdam ako ng inis nang maalala ko na umalis siya na walang sinabi sa akin at hindi nagpakita ng isang buwan. I know I sounded like a stubborn girlfriend, but we were officially dating back then. Biglang lumungkot ang kanyang gwapong mukha at ibinaba ang bata.

May binulong siya sa bata at umalis.

Lumapit naman siya sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko, "Let's talk somewhere." Hindi na 'ko umimik at nagpadala na lamang kung saan.

Hinatak niya ako papasok ng isang pancake house at umupo doon. Nang makaorder na siya, ay agad siya umupo sa harapan ko. Napalunok naman ako nang tignan niya ako ng seryoso.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon