CHAPTER TEN

38 2 0
                                    

CHAPTER TEN

Sweet Mayday

ELISE.

Fvck, nahihilo na 'ko.

Hindi ko na alam kung saang lupalop si Vince at hindi na bumalik nang masuka-suka siya kanina. Bwisit, iniwan ba naman ako? Malalagot siya sa aking bukas na bukas.

Hindi ko alam kung pang-ilang shot na ang ininom, grabe ang epekto sa akin ng lambanog, sobrang taas naman pala kasi ng alcohol rate or whatever was that called.

Sinubukan kong tumayo pero natumba ako ulit at napahagikhik. Tumayo akong muli at sa wakas ay nakatayo ako pero parang umiikot ang paningin ko.

"You're drunk." Napalingon ako sa nagsalita, si Terrence pala.

"Tsk, ano naman sha'yo? Inglesh ka pa ng inglesh, gabing-gabi na." Asik ko at napatawa. Naramdaman ko ang pagsuporta niya sa aking bewang ng muntik na 'kong matumba at hinatak niya ako papalapit sa kanya.

Tinignan ko siya sa mata at pinagmasdan ang kanyang magandang mukha. Matangos ang ilong, mapungay ang mata, manipis at mapula ang labi, makapal ang kilay at mas naging gwapo siya kahit nakasimangot.

I rested my forehead to his shoulder and faced him, "Are you a fvcking Greek God? Tignan mo, nakapag-inglesh pa 'ko dahil diyan sha kagwapuhan mo! Lintek." Wala sa sarili kong sabi at napangiti sa kanya.

Walang duda, marami talagang magkakagusto dito. Walang duda, na maaring mahulog din ako.

"Iuuwi na kita." Sabi niya at binuhat ako ng parang sa mga newly-weds.

"Wag po kya! Bata pa po ako--Charot, ang cute mo talaga kapag nakashimangot." Kinurot ko ang kanyang pisngi at pinaglalaruan. Ang cute niya talaga.

"Uy, ngingiti na 'yan. Ay wag na pala, baka malaglag ang panty ko charengggg!" pilyo kong sabi at tumawa. Madilim kaya hindi ko masyadong nakikita ang kanyang reaksyon. Bumulong naman siya ng kung ano, basta di ko narinig.

Napahikab ako, "Sleep now, Baby." Sabi niya ay napapout ako, "Hindi naman ako shanggol, ibahin mo naman endearment mo, masyadong cliché yung Baby mo e." Reklamo ko at pinatong ang aking ulo sa kanyang balikat.

I could feel his heavy breathing. From here see how his perfect face fits the moon's light that made him look like a ravishing shadow. How can he not have a girlfriend?

Biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko na naman ang mga masasamang alaala. Humigpit ang pagyayakap ko sa kanya at mas lalong ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg habang nilalabanan ang nagbabadyang tutulong luha.

I can't hold it back anymore.

Mahina akong napahikbi at naramdaman ko ang pagtigil sa paglalakad ni Terrence. "What happened?" He asked but I just cried and hugged him tigher.

For a moment, I felt safe and nothing to worry of. But, everything ends. Tumigil ako sa paghikbi at inangat ang aking ulo para makita ko ang kanyang mukha.

He looked at me, worried. I was shocked when he kissed my cheeks. "I don't want seeing you cry, beautiful." He sincerely said. When was the last time, I've heard someone calling me that? Nah, I can't remember.

I caressed his face and smiled at him sweetly, "I know you'll eventually leave me like everyone elshe but for now, I'll appreciate it if you'll shtay by my shide for now." I said before I passed out.

---

Napabalikwas ako ng bangon at napadaing sa pagkirot ng aking ulo, "Sh-t." Where's my medicin--NASAAN AKO?!

"You're terrible, when you're drunk." Nakita ko ang pigura na nakatayo sa malaking pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na nasa ibang bahay ako!

Nyeta, paano ako nakapunta kina Terrence?!

"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko at inabutan naman niya ako ng mainit na tubig. He looked at me with his bored look and smirked afterwards.

"You were the one who suggested to bring you here." parang nabingi ako yata sa kanyang sinabi.

"H-Ha?" Pinitik niya ako sa aking noo at napasimangot naman ako dahil sa ginawa niya. Alam kong nakakahiya pero hindi ako aamin na sinabi ko man yun.

Calm thyself, sabi nga ni Terry (isang vlogger sa youtube)

"Mamaya mo na yan isipin, naghanda ako ng almusal para sa'yo." Sabi niya at nagpaalam naman akong maghilamos. Napatingin ako sa salamin at mahinang sinampal ang sarili.

Hindi talaga ako nananaginip?

Lintek na Vince 'yan! Pinabayaan ba naman ako? Tsk, lasing din pala siya kagabi pero sana naman binalikan niya 'ko, siraulo!

Teka.. IBA NA RIN DAMIT KO! Malaking T-shirt na may naka-imprint na 'Better Together' in calligraphy form at yellow ang font color. Maluwag na shorts din ang suot ko at mukhang mas comportable ito sa mga sinusuot ko araw-araw.

Paglabas ko ng kwarto, kaso natigilan ako nang makasalubong si Tyrant! He looked at me coldly. As if he sees my inner soul and my sins.

"H-Hi?" I awkwardly said and waved at him. Before he could walk pass me, he looked at me again and said, "If you're going to make fun of my brother, maybe you should leave him before bad things might happen that you wouldn't like." Tsk, I experienced the worst.

Pinauna ko na siyang bumaba at sumunod naman ako. Wala na siya sa bahay, at mabuti naman dahil hindi ako makakagalaw ng maayos kapag nandyan siya. Parang alam niya ang lahat ng tungkol sa akin at ang mga kasalanan ko, kung makatingin parang mamatay na 'ko on the spot.

You shouldn't mess with Tyrant Valencia.

Nang makarating ako sa hapagkainan ay agad akong pinaupo ni Terrence at siya na mismo ang naglagay ng sinangag sa plato ko. Matipid naman akong ngumiti, "Thank you." Sabi ko at nagsimulang kumain.

Uminom ako ng hot chocolate at napatingin sa kanya. "Uhm, hindi ka nalasing kagabi?" tanong ko sa kanya at umupo naman siya sa katapat na upuan ko.

"Hindi, nasanay na 'ko sa epekto ng lambanog." Uminom naman siya ng kape at parang nagko-komersyal siya ng Nescafé. Tsk, perks of being a Greek God.

"Uhm, may sinabi ba ko nung lasing ako?" Tanong ko ulit. I'm so talkative in my vunerable state, I mean, wasted.

"Marami." Sh-t. Anong sinabi ko?! Hindi ko pa kasi gaanong maalala. Naibaba ko ang mga kubyertos at umiwas sa kanyang malokong ngiti.

"Finish your food and let's go somewhere." Utos niya kaya inubos ko naman agad ang pagkaing hinain niya para sa akin.

----

Dedicated to: yourpattydx

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon