CHAPTER TWELVE

41 2 3
                                    

CHAPTER TWELVE

Hi love.

ELISE.

Inakbayan ako ni Vince at pumunta kami sa bayan para manood ng sabong o labanan ata ng manok. Basta kwinento iyon sa akin ni Yula, at mayroong pustahan pero hindi ako tataya. Gusto ko lang makita iyon, sa unang pagkakataon syempre.

Well, isama mo na rin ang kumag kong kasama na ayaw pang umalis din sa islang ito na hindi ako kasama.

Tsk, if I know, gusto na niyang makasama si Ggurl, yung nagpataob sa pride at confidence niya.

Kumalas ako sa pagkakaakbay niya at nagpaalam na may pupuntahan. Huminga akong malalim. Kinakabahan kasi ako.

Nakapagdesisyon na 'ko.

At hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko o katangahan. Hindi ko alam, kasi ito na ang huling pagkakataon.

I'll take the last shot.

And if this fails, I'm gonna move on from everything. I will leave the country for once and I don't know when to come back.

Hinanap ko siya sa lahat ng sulok ng bayan pero hindi ko siya nakita. Dinala ako ng aking mga paa sa secret tree house. Kung saan niya ako dinala.

Pero natigilan ako nang madatnan mula sa malayo na mayroong kausap siya.

Magandang babae ito kahit sa malayo, ay malinaw na malinaw na maganda din ang hubog ng katawan nito. Kumikinang ang balat nito at sinisigaw ang pagkamorena.

Maiksi lang ang buhok nitong maitim at nakasuot ng sleeveless blue crop top at maiksing shorts na halos makikita na ang kaluluwa nito. Maiksi lang din ang mga binti nito na parang bata.

Napairap ako sa aking isipan.

For once in my life, I'll take what's mine.

Napabuga ako ng hininga at naglakad papunta sa kanilanh direksyon. Mukhang hindi nila napansin ang presensya ko na lalong ikinainis ko. Kaya't nang makalapit ako sa kanila, agad kong hinawakan ni Terrence ang kamay nito at pinagsiklop ko ang aking daliri na ikinagulat niya.

Ngumiti naman ako ng matamis at napaharap sa babaeng kausap niya.

"Hi love, sino siya?" Tanong ko at ipinilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Palihim akong napangisi nang makita ko na mukhang nainis ang babae pero hindi niya iyon pinahalata sa harapan ni Terrence.

Mula sa peripheral vision ko, napapansin ko ang pagtitig sa akin ni Terrence na gulat na gulat sa inaasal ko ngayon.

"I'm Kyla Gozon," pagpapakilala nito sa sarili niya at gumanti ng ngiti.

Ngiting sarap basagin.

"Elise," pagpapakilala ko din at bumaling naman siya kay Terrence na kanina pa hindi umiimik.

"Uhm Ren, una na 'ko. Bye!" Pamamaalam niya at huling sumulyap sa akin.

"Nice meeting you, Elise." Ngumiti naman ako at tumango. Nang makalayo na siya sa amin ay agad akong humarap sa kanya na nakangiti.

Kahit hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

Nakatulala pa rin siya sa harapan ko at halatang namumula na ang kanyang mga tenga.

Ha, ang cute.

"Huy!" I snapped at him and laughed. He looks like an innocent kid that he didn't expect that someone gave him candy.

Lose With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon