Eleven

1.1K 22 2
                                    

Yield

I eventually look forward for something else after what happened earlier. ayoko nalang isipin na ako talaga ang puno't dulo kung bakit nagkagulo sila kanina. In my own coping mechanism, they deserve what they get. hindi naman talaga magkakagulo kung hindi sila nambastos.

Ngayon ay pinapangaralan si Vera at hindi ko rin maiwasang makonsensya. kung sana ay hindi ko nalang siya iniwan, ay malamang hindi ako mababastos.

"Kung hindi ka sana tumakas at nanatili kayo saamin edi hindi pa mababastos si Vanellope." pikon na saad ni Flynn kay Vera.

"Tama lang talaga na napalakas ang suntok ko sa gago na 'yon." singit naman ni Rionne na siyang driver ngayon.

"He's out of it Rionne, hindi kasalanan ni Gavin kung bakit may mga bastos sa paligid!" Vera said. natahimik naman sila

"You guys shouldn't put the blame on her, malay ba nila at may mga ganung tao pala don." I speak out. hindi na sila nangatwiran pa at tumahimik nalang.

"Namukhaan mo ba ang mga 'yon Xenon?" tanong ni Aero matapos ang ilang sandaling katahimikan.

"Sila Alfiera lang nakilala ko eh." sagot ni Xenon. napalingon naman ako sakanya at napansin nila iyon kaya kumurap ako at nag iwas ng tingin.

Nakarating kila Cael ang nangyari kaya ngayon ay pinangaralan na naman si Vera. naging aggressive na naman si Priore ngayon at gusto pa atang hanapin ang mga lalaking nakagulo namin, but I assure them that it's all good and I'm sure nagsisi na ang mga iyon.

Monday came, at mukhang nabalitaan na rin nila Ari ang nangyari noong sabado. malamang ay naikuwento na rin nila Kai.

Hindi nalang din namin ipinagsabi pa sa iba at hindi naman yun ganon ka importante para ipagkalat. That incident ends with our group and move on.

It was a lazy afternoon and we're just hanging out at the tables under the mahogany tree while waiting for our next class. kasama ko si Xia at Ell ngayon at vacant daw nila.

Sinamantala ko na rin gawin ang assignment ko sa gen-math dahil iyon na ang next class namin. nakinig naman ako kahapon sa lecture pero may mga hindi pa ako nasusundan dahil sa dami ng proseso bago makuha ang sagot. a bit realization about solving a problem is not easy, nevertheless there is always a solution to solve it but, I don't think that's the easiest way for solving a problem. may solution nga pero bago ma-solve ang lahat dadaan ka pa sa maraming proseso.

"Bakit ba kasi ngayon ka lang gumagawa niyan?" tanong ni Ell na ngayon ay nakadungaw sa papel ko. kanina pa kasi ako nito pinagmamasdan habang paulit-ulit na nagco-compute.

"Nawala kasi sa isip ko." saad ko habang nagso-solve. Xia is busy with her phone right now at baka nga ay kausap nito ang boyfriend.

"Bakit ka nga pala hinahanap ni Evo nung friday?" she asked randomly. natigilan naman ako sa pagsusulat. tiningnan ko ito at ngayon naka sandal ang mga siko niya sa lamesa habang nakatingin saakin.

"Ewan ko? bakit daw?" I asked innocently. bakit nga ba?

"I don't know either?" saad niya at nagkibit balikat.

After awhile, narinig ko ang mga boses nila Zach at Zeus na mukhang papunta saamin ngayon. balak ko sanang kumopya nalang kila Zach ngunit nang iangat ko ang aking tingin ay nakita kong kasama pala nila si Evo at Kiero.

"Tangina may assignment?" tanong ni Zeus nang makita ang ginagawa ko.

"Sa gen-math, hindi pa kayo tapos?" I asked

Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon