Twenty Nine

767 14 4
                                    

Goodbye

Hindi ko maiwasang kabahan lalo na at dalawa lamang kami. hindi na ako nagtanong pa kung bakit siya ang gumagamit ng sasakyan ni Zephyr. malamang, hindi na niya hawak ang sasakyan niya.

Tahimik lang ako habang nakadungaw sa labas. pinapanood ang patak ng ulan sa bintana ng sasakyan. naiinis ako sa sarili ko, bakit ba ang bilis bilis kong mapasunod pag siya na?

"You can just drop me off at the coffee shop near at downtown, para hindi ka na lumayo.." I said, breaking the silence. 

"Hindi na, para saan pa at hinatid ka?" he answered. I tilted my head and looked at him.

"Malay ko ba, baka may errands ka pa.." I said and looked away. 

"Mamaya pa naman ang shift ko." he answered, he's really working? 

Evo had his principles and pride. pero bakit niya ba ginagawa ang mga ito? wala naman na kami, pwede na sila ulit ni Caiana.

"Bakit..ka nag layas?" mahinang tanong ko. nagdadalawang isip pa ako bago itanong iyon. diretso lang ang tingin niya habang nakasalubong ang kilay.

"Ano sa tingin mo?" he asked. nanatili ang  tingin ko sa kanya. ano nga ba?

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo Evo." saad ko. kumunot lamang ang noo niya at nilingon ako nito panandalian.

"I want to pursue you.." mahinang sagot niya. my chest hurt as it beats fast.

"You don't have to. may mga bagay din akong kailangan ko ng harapin, wala na tayong hahantungan pa."  I said. he aggressively park the car beside 7-eleven at downtown.

Masakit man bitawan iyon pero hindi naman na kasi kailangan pang ipagpilitan pa. buo na ang desisyon ko, sasama ako kila mommy sa Cebu at dun na magkokolehiyo. and to learn how to love Cylander, kasi iyon ang dapat?

Ngunit paano ang kagustuhuan ko? paano ang kalayaan ko? ikukulong ko nalang ba ang sarili ko sa ganito?  panay ang kumbinsi ko sa sarili na, para sa ikabubuti ko ito.

But, isn't it suffocating?

"Bakit? sabihin mo at ititigil ko lahat." he asked. nakaramdam naman ako ng takot, na baka seryoso siya at hindi ko na siya kailanman pa makita. "Umaasa pa rin naman akong babalik ka, bakit sinusukuan mo ako?" dagdag niya. nangilid naman ang luha ko at hindi siya sinagot.

"Gustong gusto kita. more than that, I love you.. hindi ko na kayang isuko lahat, I want you in my life, because you hit different from my past relationships.." saad niya.

"Let me pursue you, please.." mahinang saad niya. hindi na ako sumagot pa at hinayaan tumulo ang luha ko. 

"I have to go, bye.." saad ko at kinalas ang seat belt.  his jaw clenched as I said that and finally open the door of his car.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang humikbi. putangina,  ang hirap hirap. I still love him! hindi lang kasi tama, mas papahirapan lang namin ang sarili kung ipagpapatuloy lang namin ito.

Naglalakad ako habang pababa na sa street kung saan ang village namin. I know he's following me, pero hindi ko na ito nilingon pa.

Sa gabing iyon hindi ko maiwasang mapaisip. hindi ko naman alam na ganito pala kahirap mag mahal. hindi ko rin inakala na ganito pala nag kahahantungan namin. kung siguro ay nakinig akko noong  una pa lamang ay hindi ako nahihirapan ng ganito.

Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon