Alfiera
He's the reason why I fell in love with him, he made me feel like I'm the only one.
"Grabe ang hirap nung quiz sa chem kanina." pagrereklamo ni Aria nang umupo ito sa aking harapan.
Nasa may cafeteria kami ngayon dahil nagkaroon kaming mga senior high ng breaktime. magkaiba kami ni Aria ng strand, STEM student siya habang ako ay ABM student naman. minsan lang din nagkasabay ang breaktime namin kaya halos ngayon lang din kami magkasama.
"Baka naman kasi hindi ka nag review?" nanga-aasar na tanong ko. napainom ako sa shake na inorder ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"I do trust my stock knowledge." she smirked and I shook my head. may mga sinasabi pa siya ngunit hindi ko na ito napakinggan pa nang makitang dumaan sina Evo kasama ang mga kabanda nito habang may mga nakasukbit na gitara sa kanilang mga balikat. siguro ay nag declare rin ng breaktime ang HUMSS sa araw na ito, bihira nga lang kasi sila lumabas sa classroom nila dahil mas marami silang subjects kaysa saamin.
All heads are turning every time they appear, though sikat rin kasi ang banda nila dito.
I still remember the days I started to have a crush on him, pero hindi rin naman nagtagal kasi siguro nagsawa ako? or my feelings fade? ewan.
"Oo nga pala malapit na ang sports fest" saad ni Aria nang masulyapan ang grupo. I sighed lazily.
"Busy pa rin naman tayo sa mismong event." saad ko habang nakapangalumbaba.
Ilang sandali ay nagsidatingan rin sila Louise kasama sila Ashnell at Xiah.
"Uy Aria may announcement pa kanina umalis ka agad." salubong ni Louise kay Ari na siyang STEM student rin.
"Nagawa pa ngang mag reklamo sa quiz." saad ko. maarte namang umirap si Louise at ipinatong ang kanyang bag sa lamesa.
"Sabihin mo na lang later." saad naman ni Aria na ngayon ay nakabaling na ang atensyon kay Ell na mukhang may tsismis nanaman.
"Buti naman at nagka break kayo?" tanong ko kina Ashnell.
"Hectic nga ang sched. feel ko tuloy hindi kami makaka attend ng event." malungkot na sagot naman nito.
sa katunayan nga ay naiinggit kami sa mga junior high dahil marami silang time para sa preparation. habang kami ay halos hindi na magkaroon ng break.
"Oh? eh nag pa-practice naman ang banda?" tanong naman ni Aria.
"Kailangan naman kasi ang banda sa Event." saad ni Louise
"Hindi talaga tayo makakasali sa sportsfest?" I asked.
"As if naman walang plano ang shs management." saad naman ni Aria. kung sabagay.
Ilang sandali pa ay nagkayayaan na kaming pumunta muna sa field habang may natitirang oras pa kami. manunuod muna kami ng training ng mga different sports, sa ngayon ay soccer ang pinapanood namin.
Kasalukuyan rin nilang inaasar si Ashnell dahil isa sa mga naglalaro ay iyong ex-boyfriend niya.
"Ewan ko ba sa inyo, lipat na lang kaya tayo." naiinis na saad ni Ashnell.
"Go Caleb!" sigaw ni Xiah. pagkapahiya naman ang natamo ni Ashnell at mukhang magwa-walk out na ito ng wala sa oras.
Nang dahil sa sigaw ni Xiah ay napansin kami ng mga ka team mates ni Caleb kaya tinukso na rin ito kay Ell.
Nauna nga maglakad si Ell kaya sumunod din naman kami sa kanya, hindi pa rin matigil ang pangaasar nila kay ell habang nakasunod sa kanya.
Napadpad nga kami sa field ng volleyball, kasalukuyan pa lamang ang pag a-assemble nila sa net habang ang mga player ay nag wa-warm up naman.
BINABASA MO ANG
Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)
Random"Let us decide for our love even if it's not destiny's choice." People who can't understand why they been played by destiny are someone who can't afford to lose their loved ones. Evo Alfiera who's been always persistent in pursuing his dreams and...