nice move
I don't know how to distinguish between my feelings and guilt right now. Am I just guilty or am I having feelings for him?
Is that even possible? the moment I avoided him the more I caught my feelings for him? tama pa ba ang nararamdaman ko? nakakainis!
Kinabukasan ay na-late ako ng pasok kaya hindi ko na nadatnan pa ang masters of ceremony sa gym. Dumiretso nalang ako agad sa team namin para tumulong na sa pag-aasikaso ng booth..
Everyone is wearing different colors to represent their respective teams. I'm also wearing my team color shirt which is white.
"Anong oras ang start ng laro?" tanong ni Pauline habang naghihintay kami ng customer saamin.
"nag start na kanina lang. nood tayo mamaya after ng time natin!" yaya ni Bianca saakin. 8 to 10 kasi ang time namin sa booth and after namin ay may salitan naman na magaganap.
Karamihan ay mga couple ang dumadalo sa booth namin dahil nagmistulang dating area ang ginawa nila Valerie na dapat sana ay mini coffee shop.
May mga ilang din grupo ang tumatambay dito kaya halos lahat kami ay gumagalaw para magsilbi. ilan pa nga sa ibang teams na kalaban namin ay tinutukso kami dahil ang customers daw namin ay panay couple habang kami naman daw ay puro single.
At exactly 10 am ay agad naman kaming pinalitan ng 10 am shifts. nauna na sila bianca sa soccer field kaya hinanap ko nalang sila Ari sa booth nila.
"Ka-stressed! ayaw ko na tuloy sumali!" bwisit na saad nito habang hinahalo ang shake na binili pa namin sa booth nila. nagrereklamo kasi ito dahil nag back out si Zach sa pageant. ngayon ay stress na siya sa paghahanap ng partner niya.
"ang daya mo, bumili ka rin sa booth namin!" saad ko naman sa kanya matapos sumisim sa shake ko.
Naglalakad kami ngayon patungong Volleyball court daw dahil nandoon na sila Ashnell at iba pang kaibigan.
"Si Zeus nalang kaya." I suggested. we're both heading to the volleyball court now and she's ranting about who would be her partner now. and besides, she just wanted Zachary to be her partner kahit pa hindi niya banggitin ito.
"Eh, he's not into this!" pag-aapila niya. nagkibit balikat nalang ako at pinakinggan lang ang mga rants niya.
Natagpuan naman agad namin sila Louise, Ell at Xia na nakaupo sa may unahang bleachers kaya nagtungo na kami agad don. nadatnan naming lamang ang red team laban sa blue team kaya todo ingay ang mga red team.
"Mainit ang laban nito!" saad ni Xia nang makaupo na kami sa tabi nila.
Pinanood ko maglaro si Evo at halatang seryoso nga ito. hindi ko maiwasang sa kanya nakasentro ang aking atensyon dahil hanga nga ako sa galing niya. no wonder he's the team captain.
"Ang ayos ng serve ni Zach ngayon." Saad ni Ell kaya nailipat ko ang atensyon ko kay Zach na ngayon ay nakapwesto na matapos mag serve.
"Blocker nga lang ng serve si Evo." saad naman ni Louise.
"Sapaw nga 'yan. hindi na na-expose ang wing spiker nila." saad naman ni Xia.
"Sinong libero sa red team?" tanong ko.
"Evo ulit!" tumatawang sagot ni Xia. napakunot naman ang noo at nagtatakang tiningnan ang court.
"Basher ka talaga ng red team! mamaya ka lang ibabash din namin si Kiero." saad naman ni Ashnell.
"Tsaka green team ka diba? bakit ba kayo nakikiupo sa bleachers namin!" nang-aasar na saad naman ni Louise saamin.
ngayon ko nga lang napansin na kaming tatlo nila Ari at Xia ang naiibang kulay ng suot. napatingin ako saaming likod at puro team red ang naroon. natawa naman kami ni Xia dahil ngayon lang din namin napansin iyon.
BINABASA MO ANG
Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)
Random"Let us decide for our love even if it's not destiny's choice." People who can't understand why they been played by destiny are someone who can't afford to lose their loved ones. Evo Alfiera who's been always persistent in pursuing his dreams and...