Romanticize
"Wear it Eri!" pagpupumilit ni Vera. nasa Hotel na kami ngayon at nakaayos na.
Vera is stunning with her rose gold ball gown. nakaayos na rin siya ng buhok at hinihintay nalang siyang tawagin ng host.
Pinipilit namin si Eri na gamitin ang 2 piece gown na halos pareho kami. nakaayos na rin ako at hinihintay nalang ang mga pinsan na pumunta ng venue.
"I'm okay with this, hindi na pinasama ni daddy iyon." Eri said. naka color maroon velvet two piece gown rin ito ngunit hindi ganong kita ang tiyan.
Hindi pa nakikita ni daddy ang gown ko ngayon pero malamang ay pag nakita nito mamaya ay papapalitan rin kaya nag dala kami ni mommy ng isa pang gown. Hindi na rin ako nag abala pang ipaayos ang buhok ko. since it's long and a bit curly, pina straight ko nalang ito at mukhang bagay naman ito sa gown ko.
Kalaunan ay pinalabas na kami at iniwan na si Vera for her grand entrance. nasa venue na kami at dumarami na rin ang mga bisita. The design was classy and elegant, narito na rin ang mga business partners and family business friends. Nakaupo kami ngayon sa long table kasama ang mga pinsan habang hinihintay ang start ng program.
"Hindi mo napigilan Cael?" tanong ni Priore. Gavin is with Vera right now, sabay silang papasok ng entrance mamaya.
"Hayaan nyo siya. let that man prove himself." seryosong saad ni Cael. My cousins look great on their suits right now, malamang ay pinaghandaan nila ang araw na ito.
"Ilang beses ko ng nabugbog yan, di nga lumalaban" saad naman ni Rionne.
"Tangina, edi pag binugbog ka pabalik malamang tumba ka." nang-aasar na saad ni Aero.
"Subukan niya, baka mabura ang mukha niya." mayabang na saad naman ni Rionne. napangiwi naman kami ni Eri.
"Ang yayabang nyo, sana wag na kayo magka girlfriend." saad ni Eri.
" Oo pala Xenon, saan girlfriend mo?" tanong ni Flynn.
"Sino daw ba sakanila?" natatawang saad ni Aero. umismid naman si Xenon.
"Manahimik ka nalang, perwisyo ka sa buhay." saad ni Xenon at uminom ng wine.
"Break na kayo?" tanong ko. natatawa naman si Aero sa gilid kaya mas lalo lamang napikon si Xenon.
"Oo, at bakit naman sinuot mo 'yan?" sagot ni Priore at tinuro ang gown na suot ko.
"Ganda diba?" I asked and smiled.
"Lagot ka kay Tito." saad naman ni Aero. inirapan ko ang mga ito at uminom ng wine.
Habang naghihintay ay iginala ko ang aking paningin at sinuri nalang ang paligid. Namataan ko rin sila mommy at daddy kausap ang mga big business tycoons. at sa kalagitnaan ay biglang pumasok saaking isipan ang kaganapan kanina lang.
All I know is I'm hurt. from what?
Hindi ako masasaktan kung hindi siya nagbibigay ng mix signals. or is it me who thinks differently?
And this, this made me fuck up. I saw him from the crowd standing proud beside of his parents. I blink twice or it's just me and my mind who thinks he's here but it's not! After all he's from a prominent family and maybe they're invited. and he didn't even bother to tell me earlier?
Hanggang sa entrance ni Vera kasama ang escort niyang si Gavin ay para akong wala sa sarili. hindi makapaniwalang andito yung taong ayaw ko munang makita!
Everyone is clapping their hands so I am too. napatigil nga lang ako nang mahagip ng mga mata ko ang mga titig niya. May sinabi si Eri ngunit hindi ko narinig kaya tumango nalang ako.
BINABASA MO ANG
Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)
Random"Let us decide for our love even if it's not destiny's choice." People who can't understand why they been played by destiny are someone who can't afford to lose their loved ones. Evo Alfiera who's been always persistent in pursuing his dreams and...