Call
I was joking around with Ell, Ari and Louise while we're heading to cafeteria. pagbukas ko nang glass door ay bumungad saamin ang grupo nila Evo sa loob.
"Milkshake ang sa'yo Vanellope?" tanong ni Louise kaya naman tumango agad ako.
Natapos ang p.e namin at sabay sabay din ang vacant namin tuwing hapon ng biyernes. Tumambay muna kami nila Ell, Louise at Ari. Xia is not around at ang sabi ni Ell ay hindi naman daw ito absent. I guess she's with his boyfriend?
Dumiretso kami sa may stall ng milkshakes at si Louise nalang ang pinabili namin. damang dama ko pa rin hanggang ngayon ang init mula sa labas gayong nasa loob naman na kami ng air-conditioned place. pinaypayan ko nalang ang sarili gamit ang mga kamay at inayos ang mahaba kong buhok. kailangan ko na ata mag pa-trim.
"Seems like Louise got rejected?" tanong ni Ari. Louise got rejected by her fling, at mukhang three months din ang tinagal nila.
"Totoo? Camber rejected you?" tanong ni Ell kay Louise.
"Sige lakasan mo pa." sarkastikong saad nito. Camber? diba he's one of Konan's group?
"Konan's friend right?" I asked confusedly.
"Congrats! I'm glad you know." saad naman ni Ari. knowing that I don't familiarize people around me especially if it's not necessary.
Camber's seems familiar and I think nakita ko na siya once. Hindi ba't siya iyong kasama ni Xia noong sports fest? napaisip ako at biglang natauhan.
Xia's boyfriend is Camber!
Kaya ba tinatago niya saamin ang boyfriend niya dahil kay Louise? if she's a friend she should just tell it straight para hindi na umasa pa si Louise?
I should confront her right after this.
Zephyr and Kiero came, saktong nakuha na namin ang aming mga order na milkshake. I was about to take a sip on my drink, but before I could protest, inagaw na ni Zephyr saakin ang milkshake at ininuman.
"Zephyr tangina!" pikon na sigaw ko dito. tiningnan lamang nito ang milkshake at inangatan lang ako ng kilay bago nito ibalik saakin. halos makalahati pa nga nito ang milkshake ko at hindi ko pa yon halos naiinuman!
"Patikim lang!" pagpoprotesta niya. matalim ang mga tingin na iginawad ko dito bago uminom sa milkshake ko.
"Sarap ba laway ko?" he asked playfully. halos maibuga ko naman ang iniinom nang napagtantong nalawayan na ito ni Zephyr.
"Cute nyo naman" natatawang saad ni Kiero habang papunta na kaming table.
"Hoy Zephyr mamaya may makaaway na yan si Vanellope dahil diyan sa ginagawa mo." saad ni Ari. may mga nalilink kay Zephyr, marami at hindi rin ako attracted sakanya kaya hindi ito big deal saakin.
"Cute kaya nila, pwede na maging couple!" pang-aasar ni Louise at sinabayan pa ni Ell.
Nahagip naman ng mga mata ko si Evo na ngayon ay mariin ang tingin at kulang nalang ay pumatay na ito gamit ang mga titig niya.
Umakbay si Kiero kay Zephyr at tila may ibinulong. hindi na namin pa pinansin ang dalawa at umupo na sa tables.
Evo is seriously talking with Konan, habang si Alas sa tabi niya ay pinapaikot nito ang bola sa daliri niya. May mga pinag-uusapan ang tatlo habang ako ay nagmamasid ang mga mata sa grupo nila Evo. suplado ang kanyang mga mata nang tumingin to saakin at agad din itong umiwas at nakipag usap nalang muli kila Alas.
Hindi ko rin alam kung bakit ba naiinis ako sakanya. dahil ba hindi niya ako pinapansin ngayon? o dahil ba suplado ulit ang pakikitungo niya saakin?
"Punta kami sports club bukas." saad ni Ell kaya naibaling ko ang tingin sakanya.
BINABASA MO ANG
Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)
Random"Let us decide for our love even if it's not destiny's choice." People who can't understand why they been played by destiny are someone who can't afford to lose their loved ones. Evo Alfiera who's been always persistent in pursuing his dreams and...