[Chantelle]
Aaaahhhhh!!!! Napasigaw ako ng makita ang nangyari after kong buksan ang bote.Anak!!! Agad ko naman natakpan ang bote ng lumabas si Papa galing sa loob. Anong nangyari?!! Bakit ka sumisigaw?!! Sunod-sunod na tanong nito sa akin.
P-po?!! A-ahh e-ehh nakakita po kasi ako ng ipis kaya nagsisigaw ako. Pasensya na po. Natataranta kong sagot.
Akala ko naman ay kung ano na ang nangyari sayo. Kamot-ulong sabi ni Papa kaya nginitian ko ito. Matulog ka na pagkatapos mo mag-aral. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.
Nang makaalis si papa ay agad kong sinilip ito at nang makasigurado na pumasok na ito sa kwarto niya ay agad akong bumalik sa terrace at kinuha yung bote.
Pagkatanggal ko ng takip ng bote ay agad kong inihanda ang payong ko.
Unti-unti namang lumabas ang usok sa bote at naging tao.
JIMMY?!! Malakas at gulat kong sabi kaya agad kong natakpan ang bibig ko.
Nagulat din si Jimmy ng makita ako. Teka!! Paano ka nakapasok dito sa bote?!! Naguguluhan kong tanong dito. Tsaka bakit ganyan ang itsura niya mukha siyang genie sa suot niya?!!
Ikaw yung may-ari ng bote?! Hindi makapaniwala niyang tanong. Psh! Hindi niya sinagot ang tanong ko! Wala talaga itong manners.
Oo. Tanong ko naman ang sagutin mo, anong ginagawa mo sa loob ng bote? Naguguluhan kong tanong. Akala ko ba nasa hospital siya?! Teka! Nagpapanggap ba siyang nacoma para hindi makapasok!! Sinasabi k—
Naparusahan ako. Seryosong sabi nito. Sinumpa ako ng isang diwata dahil sa ugali ko. Ha?!! Hindi ko na napigilan at tumawa ako ng tumawa sa sinabi niya.
Hahaha!! Ano bang trip mo Jimmy?!! Itigil mo na iyan promise nakakatawa ka!! Hindi ko alam na magaling ka palang mag joke!! Hahaha. Tawa lang ako ng tawa pero agad din akong napatigil ng makitang seryoso lang siya.
I wish na sana joke nga lang ang lahat pero hindi. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Seryoso?!! Hindi mo ako pinagtritripan?!! Naniniguradong tanong ko dito.
Tss. Di wag kang maniwala! Inis na sabi nito. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniintay na sabihin niya na joke lang ang lahat.
Eh paano ka daw makakalabas sa loob ng bote? Tanong ko dito. Mukha kasing nagsasabi ito ng totoo.
If I grant the 5 wishes of the owner of this bottle, doon palang ako makakalaya sa parusa sakin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. So ibig sabihin, ay kailangan niyang tuparin ang limang wish ko para makalaya siya? And besides kailangan ko din matutunan ang isang napakahalagang aral. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
At ano naman iyon? Tanong ko sa kanya.
I don't know. Sarili ko daw ang makakaalam nun. Sagot nito sa akin. So, since ikaw ang owner ng bottle kung saan ako nakakulong I need to grant your 5 wishes. So what is your f*cking 5 wishes para matapos na ito at makabalik na ako?inip niyang tanong.
Nag-isip naman ako, limang kahilingan? Di ba dapat pag-isipan kong maigi ang bawat hiling ko para hindi ito masayang?
Hmm... diba sabi mo may lima akong kahilingan?
Kasasabi ko lang diba? Inis niyang sagot sa akin. Naningkit naman ang mata ko dahil sa naging sagot niya. So ano na?!
Hindi ko muna ibibigay sayo ang mga wish ko. Nakangiti kong sabi.
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasia•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon