[Chantelle]
Isang linggo na ang lumipas mula nung nag-usap kami ni Axel. Mula noong araw na yun naging mailap na sakin si Axel, kinakausap parin niya ako pero pag school related nalang. Ilang beses din akong nagtangkang kausapin siya pero sabi ni Jimmy ay hayaan ko daw muna siya.Yung relationship naman namin ni Jimmy ay maayos naman. Palagi kaming nagdedate sa park at minsan sa beach resort na pagmamay-ari niya, nitong nakaraan ko lang nalaman na may beach resort pala si Jimmy.
Ngayon pauwi na ako dahil may date ulit kami ni Jimmy. Iniwan ko na muna siya sa bahay para makapagprepare ako.
Habang palabas ako ay makakasalubong ko si Axel.
Sinubakan kong ngumiti sa kanya nang mapatingin siya sa akin. Tipid naman niya akong nginitian pabalik.
Nang makalampas ako sa kanya ay nilingon ko siya kaya lang ay hindi niya ako nilingon pabalik.
Sana maging okay na si Axel.
Napabuntong-hininga nalang ako bago muling pinagpatuloy ang paglalakad.
————————————————
[Axel]
Papunta ako ng Dean's office ng makasalubong ko siya. She seems happy. I noticed that every time I secretly looking at her.She smiled at me. Ngumiti naman ako sa kanya. Alam kong off ang ngiti ko sa kanya. Masakit parin kasi talaga. Buong linggo kong tiniis na dumistansya sa kanya dahil nangako ako sa sarili ko.
Sobrang hirap lalo na't gustong-gusto kong nakakausap at nakikita siya.
Nang makalampas ako sa kanya. Hindi ko muna siya nilingon. I'm fighting myself para hindi siya lingunin pero wala talo pa din ako.
Naglalakad na siya palayo. Why is it too hard to forget you Elle? Mahina kong tanong. Bakit kahit masakit ikaw pa din ang minamahal ko? Kelan ba ako titigil na mahalin ka? Napailing ako sa mga tinatanong ko.
Kahit ilang beses kong pigilan at ilayo ang sarili ko. Alam ko na mamahalin at mamahalin pa din kita.
Mamahalin pa din kita kahit sa malayo.
————————————————
[Chantelle]
Sinimulan ko nang ilatag ang dala ko. Palihim kasi kaming pumasok sa beach resort nila Jimmy.Ako lang pala kasi hindi naman nakikita si Jimmy.
Nagsimula na kaming humiga sa nilatag ko. Tanaw na tanaw namin ang mga bituin sa langit at naririnig namin ang alon mula sa dagat.
Nakahiga ako sa braso ni Jimmy habang nakayakap ako sa kanya.
Ganito pala ang pakiramdam nang star gazing na date. Masayang sabi ni Jimmy.
Bakit hindi mo pa ba ito na try gawin dati? Tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito bilang sagot sa tanong ko.
So, paano ka nakikipagdate dati? Curious kong tanong dito.
Hmm... sure kang gusto mong malaman? Tanong nito sa akin na tinanguan ko lang. Club and bar hoping minsan make out. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Y—you mean y—you do that thing?? Nauutal kong tanong kay Jimmy.
To be honest no. I know it's funny to think na hindi dahil I'm a womanizer before but I didn't do it. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ano iniisip mo? Tanong niya sa akin sabay halik sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantastik•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon