(Kinabukasan)
[Chantelle]
Maaga akong nagising para pumasok, sinadya kong hindi isama si Jimmy dahil may importante akong gagawin ngayon.Pagpasok ko ay agad kong tinungo ang faculty, ipapasa ko kasi yung mga activities na namiss ko dahil sa pag aasist sa tatay ni Jimmy.
Nang maipasa ko na ay agad akong dumiretso sa SSC office.
Good morning Vice.
Good morning po.
Morning Vice.
Pagbati ng mga fellow students ko habang naglalakad ako sa corridor. Nginitian ko lang sila at binati.
(SSC office)
Pagdating ko ng office ay agad tumigil ang mga ka officers ko at binati ako.Good morning po Vice president. Sinenyasan ko naman sila na ituloy na nila ang kanilang ginagawa.
Good morning din sa inyo. Yung mga task ninyo don't forget, may deadline today. Nakangiting paalala ko sa kanila. Nandito na ba si President? Tanong ko bago ko ilibot ang aking mata sa paligid.
Wala pa po si President. Sagot ni Jess, secretary ng SSC. Tumango lang ako sa kanya bago nagtungo sa table ko at umpisahan ang pagtatype.
————————————————
Lumipas ang ilang minuto, dumating na din si President. Binati lang nito ang mga kasamahan namin bago nagtungo sa upuan niya. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.Uhmm... President, may copy na ba kayo ng sched ni President Park? Wala kasing na endorse sakin. Tanong ko dito. Ngumiti naman ito sakin.
Good morning din sayo Elle. Natawa naman ito ng mahina. Shocks! Ang gwapo talaga! Nahiya naman ako sa kanya nakalimutan ko pala siyang batiin kanina. Well to answer your question, it's a free day for us. Hindi makakarating si Tito today dahil may emergency meeting siya sa isa sa mga business niya. Agad naman akong natuwa sa naging balita ni Axel. Maaga akong makakauwi ngayon at magagawa ko kaagad ang mahalagang bagay na gagawin ko today. But... in return we need to finish all the deadlines today. Kailangan na ni dean ito. Dagdag nito.
It's okay Axel, we're working on it. Pagtukoy ko sa mga kasama ko na abala na ngayon tapusin ang kani-kanilang deadline. Tumango naman si Axel.
That's good to know, anything else, Elle? Mukhang may gusto kang sabihin sakin. Tumango naman ako. Since tapos na ako sa mga activities ko sa mga subjects ko at ito nalang ang gagawin ko siguro naman ay papayagan niya ako.
Uhmm... Axel, pwede ba akong umuwi ng maaga ngayon after kong tapusin lahat ng kailangang ipasa today. May importante lang akong gagawin. Okay lang ba? Pagpapaalam ko dito.
Yeah sure, as long as natapos mo ang mga dapat ipasa walang problema. Nakangiti nitong sabi. And besides, kailangan ko din umuwi ng maaga for dinner dahil request ni Tita. Tumango naman ako sa kanya.
Salamat Axel, sige balik na ako sa table ko. Thank you ulit. Nginitian ko siya bago bumalik sa table ko.
————————————————
Buong maghapon ay naging abala ako. Maghapon lang ako nakatutok sa computer at paperworks, paminsan-minsan ay sinasamahan ko si President sa mga offices.Huli na itong tinatype ko after nito ay isesend ko lang siya through email and tapos na, pwede na ako umuwi.
Naagaw naman ng pansin ko ang pagpatong ng tasa ng kape sa table ko.

BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasi•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon