(Week passed)
[Chantelle]
Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Axel papunta sa hindi ko alam na lugar.Bigla nalang kasi siyang nagyaya lumabas.
Hon, saan ba kasi tayo pupunta? Nginitian lang niya ako at hindi sinagot kaya napanguso ako.
Nang ihinto niya ang sasakyan ay agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Nakangiti ito sa akin pero inirapan ko siya. Sa resto lang pala kami pupunta, aayaw-ayaw pa siyang sabihin sa akin.
Pagpasok namin ay kapansin-pansin na walang tao kundi kami lang.
Pinasara mo ang restaurant? Kunot-noong tanong ko dito.
Yup. You like it? Tanong nito sa akin.
Ano bang meron? Malayo pa naman ang monthsary natin at lalo na ang anniversary. Bakit may paganito? Tanong ko pa din dito. Naupo naman ako matapos niya ako ipaghila ng upuan.
Bakit kailangan ba may okasyon Doc para makasama ka sa isang romantic dinner? Nakangiti nitong tanong sa akin.
Hindi naman. Okay lang naman ako sa kahit hindi ganun kagarbong dinner. Nagsimula na kaming kumain matapos i serve ang pagkain.
Well deserve mo ang maidate sa isang ganito Hon. Ngumiti naman ako sa kanya bago pinagpatuloy na namin ang pagkain habang nagkwentuhan.
Pareho kasi kami naging busy sa kanya-kanya naming trabaho nitong nagdaan na araw kaya madalang nalang kami magkita, mas madalas kaming nagkakausap sa cellphone lamang.
————————————————
Nang matapos kaming kumain ay inaya niya ako para sa isang sayaw.(A/N: please play this song para naman may background music)
Nakatitig lang sa akin si Axel habang sumasayaw kami kaya naman namumula ako at kinikilig.
Elle, June 4 2*** nang una kitang makita. I tried my very best para mapalapit sayo nun wala eh na love at first sight ako and habang tumatagal mas lalo kitang minamahal. Madaming beses ako nag attempt umamin sayo but in the end hindi ako ang pinili mo. Nagparaya ako. Pinagkasya ko ang sarili ko na mahalin ka nalang mula sa malayo. After graduation umalis ako ng bansa para mag-aral sa New York pero tadhana nga naman dahil pinagtagpo tayo after 4 years. Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Axel. Bakit niya sinasabi ang mga ito ngayon?
Chantelle, 6 years akong nanligaw sayo. Madami nagsabi sakin na sukuan ka dahil malabo na sagutin mo ako dahil sobrang tagal ko nang nanliligaw sayo, but September 23, 2*** you make me the happiest man ng officially kang maging akin. Three years na tayo, sa mga taon na iyan magkasama natin hinarap ang lahat. Magkasama tayo sa ups and downs ng isat-isa. Sinuportahan natin ang isat-isa hanggang sa makamit natin yung mga pangarap natin. Naluluha na ako habang pinapakinggan si Axel. Ikaw yung naging strenght ko, my number 1 supporter and my home. Akala ko hindi na ako makakahanap ng taong magiging sobrang importante bukod kay Tita Mom and Tito Dad sa buhay ko hanggang sa dumating ka. Hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin. Napahawak naman ako sa bibig ko dahil sa gulat ng biglang lumuhod sa harap ko si Axel at binuksan sa harap ko ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing.
Hon, can you make me the most happiest man by saying yes? Will you marry me Chantelle Rae Garcia? Sunod-sunod na bumagsak ang luha ko dahil sa saya na nararamdaman ko ngayong oras na ito.

BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasy•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon