Wish 10

95 7 10
                                    

(One day before the white party)
[Chantelle]
Kasalukuyan kaming nandito sa gym para magpractice ng sayaw para sa traditional dance ng white party.

Elle, okay ka lang? Mukhang malalim ang iniisip mo? Nag-aalalang tanong ni Axel sa akin habang sumasabay kami sa counting ng instructor namin.

Ha?! A—ahh o—oo okay lang ako. Alanganing sagot ko kay Axel. Ikaw nga ang dapat kong tanungin kung okay lang kasi kanina pa kita naaapakan eh. Ngumiti naman ito sa akin.

Okay lang. Manhid na ang paa ko. Sabi nito sabay tawa kaya napanguso ako pero agad din itong nawala ng makita ko ang pares ng mata na seryosong nakamasid samin.

Si Jimmy...

Magmula kasi nung araw na yayain ako ni Axel maging partner niya para sa white party ay naging tahimik na ito at palaging seryoso.

Sinubukan ko naman siyang tanungin tungkol sa nangyari pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya naman hinayaan ko muna siya.

Pero kasi ngayon medyo matagal na ito at ganun parin siya.

Napabuntong-hininga naman ako.

Are you tired? Agad naman akong napatingala nang marinig ko si Axel. Do you want to rest for a bit? Dagdag na tanong nito, iiling na sana ako kaso iniwan na niya ako para kausapin ang instructor namin at gaya ng inaasahan binigyan kami ng break.

Nang makabalik si Axel ay agad niya akong inabutan ng tubig at towel. Here. Nakangiti niyang sabi.

Dapat sa mga oras na ito ay kinikilig ako kasi ang sweet ni Axel sa akin pero bakit hindi ko magawa??

Thank you. Ngiting pasalamat ko.

Are you expecting someone today? Napansin ko kasi panay ang tingin mo sa bandang likod ko. Napatigil naman ako sa pag-inom ng tubig matapos ko marinig ang sinabi niya. Dahil sa sinabi niya ay automatic akong napatingin sa pwesto kung nasaan si Jimmy at hindi ko inaasahan na magtatama ang tingin namin.

Ako ang unang nag iwas kasi yung tingin ni Jimmy parang may gusto siyang sabihin sakin.

Agad akong napahawak sa dibdib ko. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Kinakabahan??

Pero bakit naman ako kakabahan?

Elle?... agad akong napatingin kay Axel ng marinig ko ang pagtawag nito.

Ha! A—ah w—wala naman. Chinecheck ko lang iyong iba baka kasi magkamali ako. Palusot ko nalang. Tiningnan muna ako ni Axel bago ngumiti.

Don't worry aalalayan naman kita. Nakangiti nitong sabi sakin.

Nagpasalamat naman ako sa kanya at di kalaunan ay bumalik na kami ulit sa practice.

————————————————
(White party day)
Kagigising ko lang, wala kaming klase ngayon dahil para daw makapag prepare kami ng ayos para sa party mamaya. Psh! Kailangan pa ba nun?

Nak, Nandito si Ann. Rinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko kaya naman bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at nag ayos.

Paglabas ko, nakanguso akong tiningnan ni Ann.

Problema mo? Ang aga-aga nakanguso ka. Tanong ko dito.

Alam mo babae bakit ngayon ka lang gumising ang dami natin kailangan gawin para mamayang gabi no!! Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Ano naman iyon?

Duh! Syempre kailangan natin mag refresh at mag prepare. Nakairap na sabi nito sakin. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon