Wish 26

82 4 0
                                    

[Jimmy]
Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng aking sasakyan matapos kong makapagpark.

Seryoso lang ang aking expression kahit binabati ako ng mga empleyado dito sa company.

Nang makarating ako sa top floor nitong building ay agad akong sinalubong ni Kevin.

Good morning Sir Jimmy. An—

Where's Axel? Seryoso kong tanong dito at hindi inalintana ang pagputol ko sa dapat itatanong niya.

Nasa loob po siya ng office niya Sir. Ano po ba ang iny— hindi ko na siya pinatapos pa at mabilis na nagtungo sa office niya.

Sinundan naman ako ni Kevin at pilit pinipigilan.

Sir busy po kasi si Sir Axel ngayon. Hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy na binuksan ang pinto. Naagaw namin ang pansin ni Axel at bahagya pa itong napatayo nang makita ako. Sir I'm sorry, nagpumilit po kasi siyang pu—

It's okay Kevin. You can go back to your work. Tumango naman si Kevin at sinara na ang pinto.

Lumapit sakin si Axel at nakangiti pero nanatili ang seryoso kong expression. Ganun mo na ba ako kamiss pinsan at pinun—hindi ko na siya pinatapos pa at agad ko itong sinuntok kaya agad itong bumagsak sa sahig.

WHAT THE!!! ANO BANG PROBLEMA MO??!! Galit na asik sakin ni Axel habang hawak ang dumudugong labi. Tumayo naman ito kaya naman muli ko itong sinuntok. Gumanti naman ito sa akin hanggang sa na corner ko ito.

F*CK!!! ANO BANG PROBLEMA MONG G*GO KA?!! Sigaw nito sa akin.

ANONG PROBLEMA KO?!! IKAW!!!! Galit na galit na sigaw ko at binitawan siya.

Akala ko mapapagkatiwalaan kita!! Na kakampi kita!! Pero anong ginawa mo??!! Bakit mo nagawa sakin to ha Axel? Puno nang hinanakit na tanong ko dito.

A—Anong ibig mong sabihin? Kunot-noong tanong nito sa akin.

Why did you tell me na hindi mo siya kilala...yung babae sa panaginip ko... bakit ka nangsinungaling sa akin? BAKIT AXEL???!! Lumuluha at galit na tanong ko sa kanya.

Natigilan naman ito dahil sa sinabi ko.

Kaya pala ganun nalang ako ka interesado sa kanya. Kaya pala iba ang nararamdaman ko kapag nakikita at malapit siya sa akin. Kahit sa maikling oras na magkasama kami noon sa medical mission ay nakilala parin siya ng puso ko.

M—magkasama kayo sa medical mission niya? Hindi makapaniwalang tanong niya.

Malamig ko siyang tiningnan. Pag sinabi ko bang oo, gagawin mo din ba yung ginawa mo NOON? Hindi siya sumagot kaya tumalikod na ako at naglakad palabas ng office niya. Nung malapit na ako sa pintuan ay huminto ako.

Alam natin pareho kung sino talaga ang mahal niya, kaya babawiin ko siya sayo Axel. Huling katagang sinabi ko bago ko siya iwan doon.
————————————————
[Axel]
Agad akong nanghina matapos marinig ang mga sinabi ni Jimmy.

Agad lumandas ang mga luha ko.

Alam na niya...

At magkasama sila noon...

Agad kong nakuyom ang kamao ko.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko at tinawag si Kevin.

Sir. Seryoso ko itong tiningnan.

Cancel all my appointments. Tumungo naman ito.

Yes Sir. Narinig kong sagot niya bago ko ito tuluyang iwan.
————————————————
[Chantelle]
Bakit kaya hindi pa nagtetext o tumatawag ulit si Axel? Ang last text niya pa ay busy siya sa paperworks pero after nun ay hindi na ito ulit nagtext.

Sobrang busy ba niya? Tawagan ko kaya? Sabi niya kasi dito siya magdidinner eh.

Inabala ko nalang ang sarili ko na manood ng tv habang nag-iintay kay Axel.

Hindi kalaunan ay may nag doorbell kaya naman pinatay ko na ang tv na pinapanood ko at excited na pumunta sa pintuan.

Pagbukas ko ng pinto. Hon, bakit hindi ka man—natigilan ako nang makita ang mukha ni Axel.

Agad ko naman ito pinapasok. Hon, anong nangyari sayo? Bakit may mga pasa ka? Nag-aalala kong tanong dito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito para suriin ang pasa niya.

Nagulat naman ako ng marahas niyang tabigin ang kamay ko at malamig na tiningnan ako.

Totoo ba?? Na magkasama kayo ng pinsan ko sa medical mission ninyo? Natigilan naman ako sa naging tanong niya. TOTOO BA?!!!! Sigaw ni Axel sa akin na siyang ikinagulat ko. Ngayon niya lang ako sinigawan. Ano bakit hindi ka makasagot?!! Galit na galit na sabi nito.

Oo. Mahina kong sagot. Napangisi naman ito sa naging sagot ko. Pero nagkataon lang naman iyon Axel. Hindi ko alam na isa siya sa organizer at volu—

Ano nagkakamabutihan na naman kayo?? Nagkabalikan?? Hindi makapaniwala ko naman siyang tiningnan.

Ano bang sinasabi mo Axel?? Hindi...

Pagak naman itong natawa. Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo. Eh alam ko naman na mahal mo parin ang g*gong kong pinsan. Tama ako diba? Mahal mo pa rin siya?

Pwede ba Axel, itigil mo na ito. Bukas nalang tayo mag-usap pag malamig na iyang ulo mo. Pag-iwas ko.

Mas lalo siyang natawa. Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ngumisi ito sa akin. Bakit ba ako umaasang sasagutin mo ang tanong ko, eh, alam ko naman kung anong magiging sagot mo.

Axel. Sinubukan ko siyang hawakan pero muli nitong tinabig ang kamay ko.

Wag mo muna akong kausapin Chantelle. Gusto kong makapag-isa. Malamig na sabi nito sa akin bago tuluyang lumabas at sinarado ng malakas ang pinto.

Nanghihina naman akong napaupo mula sa kinatatayuan ko at walang humpay na lumalandas ang mga luha ko.

Ano ba ang dapat kong gawin? Bakit nagiging komplikado na ang lahat?

Bakit ang sakit-sakit??

Kailan ba ako sasaya?
————————————————
A/N: End of Chapter 26.

Short update.

Bawi ako next chapter.

PS: Sa tingin ninyo sino ang mas nasasaktan sa kanila?

Pps: thank you sa mga readers ng Jimmy in a bottle. 1k views na ito 🎉🎉 Yehey!! 😊

See you next chapter ❤️

Xoxo 💋

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon