Wish 19

59 6 6
                                        

[Chantelle]
Kilala ba kita? Kunot-noo kong tanong sa kanya. Kahit anong pag-alala ang gawin ko ay hindi ko talaga maalala na nagkita na kami dati.

Hindi naman siya sumagot sa tanong ko sa halip ay ngumiti lang siya sa akin at lumapit.

Sino ka ba talaga?? Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Nag snap siya ng daliri niya, matapos niyang gawin iyon ay biglang umikot ang paningin ko para akong hinihigop papunta sa kung saan. Kaya naman napapikit ako.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

Nanlaki ang mata ko ng mapansin kung nasaan kami.

Muli tayong nagkita, Chantelle. Napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin.

I—ikaw yung diwata na naglagay kay Jimmy sa bote. A—anong kailangan mo sa akin? Hindi makapaniwala kong sabi at tanong sa kanya. Ibang-iba kasi ang itsura niya nung huli kaming nagkita.

Tumango naman ito sa akin at ngumiti. Nakita ko na maganda ang naging resulta ng binigay kong misyon kay Jimmy. Natutunan niya ang mahalagang aral na dapat niyang matutunan. Salamat sa tulong mo Chantelle. Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

Wala po iyon. Hindi lang po si Jimmy ang nabago ang buhay dahil sa misyon na binigay ninyo, maging ako din po. May natutunan din po ako habang tinutulungan si Jimmy. Nakangiti kong sabi habang inaalala ang mga panahon na magkasama kami ni Jimmy sa misyon niya.

Dumating na ang tinakdang oras para bumalik na si Jimmy, kung saan siya nararapat. Isang kahilingan nalang ang natitira sayo at matatapos na ang misyon na binigay ko.

Opo, hindi na nga po kami makapaghintay na matapos ang misyon niya. Masayang sabi ko.

Naging seryoso naman ang ekspresyon ng diwata matapos kong sabihin iyon.

Sa loob ng tatlong araw kailangan mo na ibigay ang huling kahilingan mo. Kung hindi mo ito magagawa ay permanente nang magiging genie si Jimmy at mapupunta siya sa ibat-ibang tao. Agad naman akong nabahala sa sinabi ng diwata sa akin.

Sige po, sa loob ng tatlong araw ay ibibigay ko na ang huling kahilingan ko. Hindi ko alam pero parang mas kinakabahan ako ngayon.

Hindi pwede na maging permanenteng genie na si Jimmy. Masasayang ang panahon na ginugol namin para matapos niya ang misyon niya at makabalik. Bukod pa doon ay madaming tao ang naghihintay sa pagbabalik niya kabilang na ako doon.

Naiintindihan ko, pero nais kong ipaalam sayo ang isang importanteng bagay. Seryoso at malungkot na sabi nito.

Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?

A—ano po iyon? Kinakabahan kong tanong.

Sa oras na makabalik si Jimmy lahat ng tungkol sa misyon niya ay makakalimutan niya, maging ang panahon na nakasama at nakilala ka niya. Matapos kong marinig iyon ay para akong nanghina at binuhusan ng malamig na malamig na tubig.

Agad akong napakapit sa upuan sa aking tabi dahil para akong matutumba.

Kung hindi ko ibibigay ang huli kong kahilingan ay magiging permanente siyang genie. Mawawala siya sa akin...

At kung matatapos namin ang misyon niya makakabalik siya sa mundo pero makakalimutan niya ang tungkol sa akin. Mawawala din siya...

Mabilis na umagos ang mga luha ko matapos marealized ang sinabi sakin ng diwata.

Kahit anong piliin ko mawawala sa akin si Jimmy. Bakit??!!! Bakit kung kelan masaya na kami??!! Bakit ngayon pa?!!

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon