Wish 21

84 5 34
                                        

(Back to Present time)
[Chantelle]
Abala ako sa pag inom ng kape ko ng dumating na si Ann.

Omg! Cha! I miss you! Tumayo naman ako at niyakap siya.

Napangiti naman ako. Namiss din kita Ann. Bigla naman siyang bumitaw sa akin at hinampas ako.

Aray Ann! Masakit ah! Bakit ka ba nanghahampas diyan? Pagdaing ko dito.

Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin ha?! May halong pagtatampo nito sa akin.

Eh diba nag video call naman tayo at facetime. Nakikita mo naman ako. Sagot ko dito, bago naupong muli.

Iba parin yung personal Cha. Nakanguso nitong sabi kaya natawa ako.

Nandito na nga ako. Ano pa ba inginunguso mo diyan? Natatawa kong asar dito.

Psh! Kung hindi pa ako ikakasal hindi ka magpapakita sa akin babae ka. May tampo pa din nitong sabi.

Tama, 13 years na ang nakalipas. Madami na ang nagbago.

So, kamusta ka Ann? Pag-iiba ko ng topic. Ngumuso itong muli bago sumagot alam niyang iniba ko na ang topic.

Well, ito busy sa business ko at business namin nila Mommy. Busy din sa wedding preparations. Matapos sabihin iyon ay humigop ito sa kape na inorder niya.

Isang business woman na si Ann, bukod sa family business nila na hinahandle niya ay may sarili din itong café business na madami na din branch at successful na.

Hindi ka manlang tinutulungan ng fiancé mo? Kunot-noong tanong ko dito.

Hindi naman. Tumutulong din si Johann. Sagot nito sa akin.

Hindi ko din inaasahan na sa simbahan din natuloy ang dalawa ni Ann. Samantalang nung highschool kami tandang-tanda ko pa na crush na crush ni Ann si Johann. Tumagal din ang relationship nila.

Masaya ako para kay Ann.

So, kamusta naman ang successful at sikat na sikat kong doctor na kaibigan? Ha, Dra. Chantelle Rae Garcia? Nakangiting tanong nito sa akin.

Well, busy pa rin sa hospital and also sa mga medical mission. Sa loob ng nakalipas na taon, naging isang ganap na doctor na ako gaya ng pangarap ko.

Nabigyan ko na din ng magandang buhay si Mama at si Ryle na ngayon ay nag-aaral na din sa ibang bansa.

Lahat ng bagay na narating ko at meron ako ngayon ay utang ko sa magulang ni Ann. Sila ang tumulong sa akin pagkatapos kong grumaduate para makapag-aral sa New York at makapagtapos sa kursong medicine.

Hindi ko sinayang ang opportunity na binigay sakin at pinagbutihan ko ang pag-aaral hanggang sa matupad ko lahat ng pangarap ko. Naranasan ko ding pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho para makatulong kay mama.

Nagkwentuhan lang kami ni Ann tungkol sa mga nangyari samin this past few years.

Hindi naman nagtagal ay nakatanggap siya ng text mula kay Johann.

Cha, nasa labas na daw ng coffeeshop si Johann. Bawi ako ulit next time. Kailangan lang talaga namin imeet today yung wedding organizer na ni recommend samin ng Mom ni Johann. Pagpapaalam nito sa akin na siyang tinanguan ko lang.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon