Wish 29

92 7 4
                                    

[Chantelle]
Naka day off ako ngayon at nandito lang ako buong maghapon sa condo. Mas gusto ko pang pumasok sa trabaho para maiwasan ang mag-isip mas lalo akong naiistress pag ganito.

Muli na naman akong napabuntong-hininga habang nakatanaw sa bintana kung saan tanaw na tanaw ko ang mga ilaw ng city.

Natigil lamang ako sa malalim kong pag-iisip ng biglang mag ring ang phone ko. Pag tingin ko dito ay agad akong natigilan.

Jimmy calling...

Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

Jimmy.

Rae... mabilis na tumibok ang puso ko. Iba talaga ang epekto niya sa akin kahit simpleng pagbanggit ng pangalan ko ay nagrereact na ang puso ko. Pwede mo ba ako puntahan sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat?

Jimmy, Pleas—

Pakiusap Rae, huli na ito. Malungkot na sabi nito. Pagod na ako Rae... pagod na pagod na akong lumaban mag-isa. Mababakas mo sa boses niya na pagod at puno ng sakit ang nararamdaman nito. Kapag pumunta ka dito, ibig sabihin ay handa kang lumaban kasama ako...at kung hindi naman ibig sabihin ay sumusuko ka na at pangako titigilan na kita. Bakit nung sinabi niyang susuko na siya ay may kumirot sa aking puso. Mag-iintay ako dito hanggang 10pm.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang tawag. Tiningnan ko naman ang oras sa cellphone ko.

7pm...

Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko.

Gustong-gusto ko ipaglaban si Jimmy pero natatakot ako sa desisyong gagawin ko dahil kapalit noon ay masasaktan ko si Axel. Hindi ko kayang saktan si Axel.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Muling nag ring ang cellphone ko. Agad kong pinahid ang luha ko at tiningnan kung sino ito.

Hon calling...

Natigilan pa ako ng makita ang pangalan sa caller id kaya kinusot-kusot ko ang mata ko dahil baka namamalik-mata lamang ako, pero hindi si Axel talaga ang tumatawag. Dali-dali ko naman itong sinagot.

Elle...pwede ba tayong magkita ngayon? May gusto lang akong sabihin sayo. Nandito ako ngayon sa *** restaurant. Maghihintay ako. Pagkatapos sabihin iyon ay binaba na niya ang tawag niya.

Agad naman akong napaupo, pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana??

Dalawang importanteng tao ang naghihintay sa akin ngayon.

Sino ba ang dapat kong piliin? Yung taong  mahal ko o yung taong minahal ko din at ayaw kong masaktan?

Hinayaan ko na ang sarili ko na iiyak lahat ng nararamdaman ko.

Nang makabawi ako ay tumayo na ako at nag-ayos.

Agad akong lumabas ng condo building ko para pumara ng taxi at nang makasakay ako ay agad kong sinabi ang lugar kung saan ako pupunta.
————————————————
Pagdating ko sa mismong lugar ay huminga muna ako ng malalim bago puntahan ang taong naghihintay sakin.





















































Axel... pagtawag ko dito. Nang lumingon ito sa akin ay tipid lamang ako nitong nginitian.

Agad akong naupo sa harapan niya.

You're here. I thought siya ang pupuntahan mo. Natigilan naman ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi kaya..??!

Alam mo? Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon