(Day passed)
[Chantelle]
Ilang araw na ang lumipas magmula ng huli naming pag-uusap ni Jimmy, kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito, hindi na niya ako inaasar at kinukulit gaya ng nakasanayan ko, alam ko... na dahil ito sa nasabi ko nung nakaraang araw.Hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa kanya dahil naging abala din ako sa pag aasikaso sa darating naming event ang "white party". Ang white party ay yearly na ginaganap dito sa JPI bilang stress breaker ng mga students dito.
Dahil sa pagiging abala ay madalas kong kasama si Axel kaya siguro hindi din lumalabas ng bote si Jimmy.
Elle??...Elle?? Nagulat naman ako ng may nag snap ng daliri sa harap ko.
Ha?! Ano iyon Axel? Natatarantang tanong ko kay Axel.
I'm discussing the details about the event but seems like you're not with me. Nakatingin nitong sabi sa akin, bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya.
Focus Chantelle! Focus!
Sorry. Hingi kong paumanhin dito.
Are you okay? May problema ka ba? Do you want to talk about it? Nag-aalala nitong tanong sakin.
Agad naman akong napailing sabay kumpas ng kamay ko na senyales na wala.
Naku wala Axel! Inaantok lang ako. Hehe. Pagdadahilan ko.
Boring ba akong kasama? Tanong nito sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa naging tanong niya sabay iling.
Chantelle naman magdadahilan na nga lang sablay pa!
Naku hindi... I mean puyat lang, nagreview kasi ako kagabi. Palusot ko.
Hay! Si Jimmy kasi eh! May pagtatampo pang nalalaman. Dapat ineenjoy ko itong moment na ito dahil kasama ko si Axel.
Ah I see, I thought nabobored kang kasama ako. Nagtaka naman ako na matapos niya sabihin iyon ay nag-umpisa na siyang ligpitin ang mga ginamit namin sa meeting.
Tapos na ba meeting natin? Bakit inaayos mo na ang mga gamit natin? Nagtataka kong tanong.
Hindi pa pero we can continue this tomorrow. I want to threat you something para hindi ka na antukin. Let's go? Inilahad naman niya ang kamay niya sa harap ko.
Teka paano yung event natin? Diba marami pang adjustments? Nag-aalala kong tanong. Tapos may deadline pa ta—natigil naman ako sa dapat sasabihin ko ng bigla kong marinig ang tawa ni Axel.
Shocks!! Ang gwapo!
You're really spacing out no? It's all settle Elle. I told you that a while ago. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nakakahiya na talaga! Una, napansin ni Axel na hindi ako nakikinig tapos ngayon pinatunayan ko na talaga ito sakanya. You're cute. Nakangiti niyang sabi sabay gulo ng buhok ko. So shall we? Nakalahad parin niyang sabi. Lumingon pa ako sa paligid at doon ko lang napansin na madami na pala nanood samin.
Don't mind them, let's go! At hinila na niya ako paalis ng cafeteria.
————————————————
Lumipas ang oras at natapos na ang klase, kasama ko ngayon si Ann dahil sabay kami ngayon umuwi.Cha, may partner ka na ba sa darating na party? Tanong sakin ni Ann.
Pwede din kasing magyaya ng date sa white party na gaganapin, pero depende parin ito sa students, pwede din na wala.
Hmm. Wala pa, baka pumunta nalang ako mag-isa gaya nung nakaraang white party. Bakit mo natanong? Kunot-noo kong tanong kay Ann.
Wala manlang bang nagyaya sayo? Alam kong imposible iyon mangyari. Taas-kilay nitong sabi sakin. Kung hindi mo napansin madami kang admirers kaya imposible talagang wala.
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Viễn tưởng•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon