Wish 28

339 6 2
                                    

[Chantelle]
Matapos naming mag-usap ni Jimmy ay nagpasya akong puntahan si Axel sa condo niya.

Pagdating ko doon ay agad akong pumunta sa reception area.

Excuse me, nasa unit niya ba si Axel Park ngayon? Nginitian naman ako ng receptionist.

Just a moment ma'am. At nag check ito sa computer niya. Based po sa records namin ma'am kanina pa po siya umalis 7am ng umaga and hindi pa po siya bumabalik.

Ganun ba. Okay thank you. Nginitian ko naman siya bago umalis para puntahan yung unit ni Axel.

Saan kaya siya nagpunta?

Nang makarating ako sa floor na pag-aari niya ay nag intay lang ako sa harap ng pinto niya.

7pm...

8pm...

9pm...

10pm...

11pm...

agad akong napaayos ng pagkakaupo dahil muntik na akong mapahiga sa sobrang antok.

Napatingin naman ako sa orasan na suot ko. 11pm na pero wala pa din si Axel.

Nang bumukas ang elevator sa floor na ito ay agad akong napatayo at inayos ang suot kong damit.

Shabing kaya ko maglakad eh!

Wag ka nang malikot Axel. Saway ni Johann habang inaalalayan si Axel na maglakad. Kaya agad akong lumapit sa kanila at tinulungan si Johann.

Anong nangyari sa kanya? Bakit lasing na lasing siya? Nag-aalala kong tanong kay Johann.

Gusto daw uminom kaya sinamahan ko. Ilang beses ko nang pinigilan kaso mapilit eh. Alam mo ba ang code? Tumango naman ako sa kanya bago nagmadaling itype ang code ng condo ni Axel.

Binuksan ko ang pinto para makapasok si Johann habang inaalalayan niya parin si Axel na nakatulog na sa sobrang kalasingan.

Dahan-dahan niyang ihiniga si Axel sa sofa.

Do you want me to help you para dalhin siya sa kwarto niya? Umiling naman ako.

Hindi na ako na bahala sa kanya Johann, salamat at pasensya na din sa abala. Ngumiti ako sa kanya.

Walang anuman, so paano? Mauna na ako. Pupuntahan ko pa si Ann ngayon eh.

Sige ingat ka. Salamat ulit. Hinatid ko naman siya sa may pintuan.

Nang maisara ko na ang pinto ay agad ko naman inasikaso si Axel na nagigising-gising.

Axel, dadalhin kita sa kwarto mo para maayos kang makapagpahinga. Tinulungan ko siyang makatayo at inalalayan papunta sa kwarto niya.

Nang maayos ko siyang naihiga sa kama niya ay agad akong kumuha ng bimpo at basin para mapunasan ko siya.

Tinanggal ko ang suot niyang shirt at pinalitan ito. Hinayaan ko na ang suot niyang pants at hindi na ito pinalitan. Sunod kong tinanggal ay ang sapatos at medyas niya para maiayos ko siya ng higa sa kama.

Nang magawa ko na lahat ng dapat kong gawin ay doon ko siya sinimulang dampian ng bimpo sa mukha.

Elle... nakapikit na tawag nito sa akin at nagsimulang lumuha ang kanyang mga mata.

Natigilan naman ako sa pagpupunas ng mukha niya.

Mahal na mahal kita Elle... puno nang sakit na sabi ni Axel habang patuloy na lumuluha ang mga mata niya.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon