[Chantelle]
Naglalakad na kami sa may kanto dito sa amin pauwi. Matapos namin manggaling sa hospital ay mababakas mo kay Jimmy ang saya.Rae...nilingon ko naman siya habang inintay ang susunod na sasabihin niya. Thank you sa pagtulong na magkaayos kami ni Dad. Masayang sabi niya.
Wala naman akong ginawa Jimmy. Kagustuhan ninyo din ng Daddy mo na magkaayos. Umiling naman ito sa sinabi ko.
Kahit hindi sinabi ni Dad kung sino yung taong nagparealize sa kanya, alam kong ikaw iyon, kaya thank you. Sabi parin niya.
Ngumiti nalang ako sa kanya at pinagpatuloy na namin ang paglalakad.
————————————————
(Day passed)
Friday na ngayon, naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa office kung nasaan si President dahil iaabot ko sa kanya yung list na hinihingi niya. Iniwan ko muna si Jimmy sa SSC office.Pagdating ko doon ay inabutan ko siyang abalang basahin ang ilang papel sa table niya.
Excuse me po, Ibibigay ko lang po yung list na hinihingi ninyo. Pag agaw ko sa atensyon niya.
Tiningnan naman niya ako sandali bago itigil ang ginagawa niya. Thank you iha. Agad ko naman inabot sa kanya yung dala ko bago nagpaalam. Tatalikod na sana ako palabas ng magsalita ito.
Sandali iha...agad naman ako tumigil at nilingon ito. Gusto ko lang magpasalamat. Kunot-noo ko naman siya tiningnan.
Nakapag thank you na po kayo diba? Umiling naman ito.
Bukod doon. Gusto kong magpasalamat sayo dahil sa sinabi mo, narealized ko yung pagkukulang at pagkakamali ko bilang ama ni Jimmy. Sana mapatawad ako ng anak ko... sana hindi pa huli ang lahat para bumawi ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni President pero napangiti ako.
Sigurado po ako na napatawad na kayo ni Jimmy, at kung nandito po siya ngayon sigurado ako na hihingi din po siya ng tawad sa inyo sa mga nagawa at nasabi niya. Sana pag gising niya tuluyan na kayong magka-ayos. Nakangiti kong sabi.
Sana nga iha. Parang sobrang close mo sa anak ko? Pag uusisa nito sa akin.
Naging importante na din po kasi sakin si Jimmy. Mabait na tao po si Jimmy kung makikilala lang siya ng mga tao ng lubusan. Gusto ko po din na maging masaya na siya. Nakangiting saad ko.
Kung magkakanobya ang anak ko, ikaw ang gusto ko para sa kanya. Natatawang sabi nito.
Mapagbiro po kayo President. Mauna na po ako. Nakangiti kong pagpapaalam dito bago tuluyan nang umalis.
Pagdating ko ng SSC office ay nakabusangot ang mukha ni Jimmy.
Mahina at palihim ko naman itong kinausap.
Problema mo? Nagkunwari akong nagbabasa para hindi ako mahalata.
Tss. Why you leave me here? Inis na tanong nito sa akin.
Wala lang. Nang-aasar na sagot ko.
What!! Pasigaw na sabi nito.
Nginisian ko lang siya at hindi pinansin. Inabala ko nalang ang sarili ko sa mga paperworks.
Bahala siya diyan! Basta ako good mood ngayon.
————————————————
(Kinabukasan)
(Weekends)
Maaga akong nagising dahil may tumatawag sakin.Antok ko pang sinagot ang tawag.
Hello? Nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasy•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon