Wish 4

136 12 23
                                    

(Few weeks passed)
[Chantelle]
Ilang linggo na din ang lumipas simula ng tulungan ko si Jimmy at ilang linggo na din kaming nagbabangayan. Nakakabwisit kasi siya!

Kelan ka ba magwiwish ha?!! Naiinip na ako! Inis na tanong nito sa akin habang nakasunod sa akin.

Napatigil naman ako at nagpipigil na hinarap siya. Alam mo ang kulit-kulit mo!! Paulit-ulit ka! Sinabing hindi ko pa nga naiisip! Sigaw ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

Bigla naman tumahimik ang paligid ko, shems! Nakalimutan ko nasa hallway nga pala ako. Nakakabwisit talaga si Jimmy!

Nagpanggap naman ako na may kausap sa phone. Hello?!! Ano naririnig mo na ako?!! At umalis na doon. Nakakahiya! Mapapagkamalan naman akong baliw.

Tss. Kelan ka ba magwiwish kasi?!! Naiinip na talaga ako! Akala ko ba tutulungan mo ako?! Inis na sabi nito. Pinagtritripan mo ba ako ha?! Pikon na sabi nito.

Napairap naman ako sa kanya at hindi siya sinagot.

Pumunta ako sa di mataong lugar, dito sa school garden.

Hindi ka ba makapag-intay? Sinabi ko na sayo diba? Tutulungan kita, kailangan ko lang pag-isipan yung magiging wish ko dahil ayaw ko masayang ito tsaka dapat sa importanteng bagay ko siya gagamitin. Seryoso kong sabi. Hindi mo naman kasi ako katulad na anak-mayaman na isang pitik lang ay makukuha na agad ang gusto at kailangan. Dagdag ko pa.

Then wish it, na maging mayaman ka. Cool na sabi nito. Inirapan ko lang siya.

Hindi mo talaga ako naintindihan eh no? Buntong-hiningang sabi ko. Hindi naman kasi pera ang basehan sa lahat ng bagay Jimmy. Hindi lahat kayang bilhin ng pera. Makahulugan kong sabi.

Napaiwas naman ito ng tingin sa akin. Whatever, dami mong arte.

Elle! Napatingin naman ako kay Axel, patakbo naman siyang lumapit sa akin.

Tss. May side comments naman si Jimmy.

Gustong-gusto ko nang itanong sa kanya kung bakit ganyan lagi ang reaksyon niya kay Axel. Parang inis na inis ito kahit wala naman ginagawa si Axel sa kanya.

Axel. Nakangiti kong sabi. Syempre crush ko eh!

Tss. Pabebe. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Jimmy, mabubwisit lang ako.

Anong ginagawa mo dito? Tanong nito ng makakalapit sa akin. Shems ang gwapo, tapos ang bango pa!

Wala naman nagpapahangin lang. Nakangiti ko parin sabi. Ikaw?

Tss. Itsura mo? Wag kang pacute! Napangiwi naman ako dahil sa narinig kong comment ni Jimmy. Konting-konti nalang i flying kick ko na ito pabalik ng bote eh! Panira ng moment.

Nakita kasi kita kaya tinawag kita. Nga pala, magtuturo ka ba mamaya? Pwede ba ulit sumama? Tanong nito sa akin.

Oo magtuturo ako mamaya. Sigurado ka? Baka madami ka pa gagawin.

Tss. Daming sinasabi gusto din naman.

Pag di ka tumigil diyan kakacomment ibabalik kita sa bote. Pasimple kong bulong kay Jimmy, nang tumingin sakin si Axel ay ngumiti ako ng ubod ng tamis.

Ha? May sinasabi ka ba Elle? Kunot-noong tanong niya sa akin.

Ahh sabi ko ang daming LAMOK dito kanina pa bumubulong ang sarap lang patayin. Nakangiti ko parin sabi.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon