[Chantelle]
Two days na ang nakalipas matapos ang engagement party namin ni Axel at ikalimang araw na namin dito sa beach resort.Naguguilty ako sa naging reaction ko ng makita ko siya. Ikakasal na ako dapat wala na siyang epekto sa akin at pareho na din kaming masaya sa kanya-kanya namin buhay.
Ann calling...
Agad akong tumigil sa paglalakad dito sa may dalampasigan ng mag ring ang phone ko.Ann.
Tumawag lang ako para kamustahin ka? Nag-aalala nitong tanong sa akin.
O-okay lang naman ako. Wag kang mag-alala. Napabuntong-hininga naman ito sa kabilang linya.
I don't buy it Cha. I saw your reaction nung engagement party mo. Napakagat-labi naman ako dahil sa sinabi nito sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin. Naguguilty ako Ann. Panimula ko. Dapat hindi ako nag react ng ganun. Mali naman talaga ako nung araw na iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maguilty para kay Axel. Ikakasal na ako at iyon ang dapat kong isipin. Siguro nanibago lang ako dahil after ng mga nangyari ngayon lang ulit kami nagkita. Tanging dahilan na sinabi ko nalang kay Ann.
Sigurado ka na ba na wala na talaga? Ipapaalala ko lang sayo Cha na ikakasal ka na at sa pinsan pa niya.
Oo Ann, sigurado ako. Pareho na kaming masaya sa kani-kaniyang buhay namin. May Axel na ako, may Dhianne na siya.
Ay oo nga pala speaking of that girl, bantayan mo si Axel ah! Nararadar kong may paglalanding nagaganap. Iba makahawak nung engagement eh. Inis na babala nito sa akin.
Hindi naman magagawa sakin ni Axel iyon, Ann. Pagtatanggol ko kay Axel.
Oo si Axel wala! pero yung babaeng iyon malaki ang chance kaya nga bantayan mo ang fiancé mo.
Napatingin naman ako sa cottage kung saan abala sila Tita mag-ihaw kasama si Axel at Dhianne.
Wag kang mag-alala hindi niya kayang agawin si Axel sa akin. Seryosong sabi ko habang nakatingin kina Axel na busy mag ihaw habang kinakausap siya ni Dhianne.
Sige. Sabihan mo ako pag may ginawa iyan baback-up-an kita. Sige maya nalang ulit nandito na si Johann. Bye Cha! At binaba na niya ang tawag.
Naupo naman ako dito sandali at nag-isip.
Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka dun sa cottage? Napalingon naman ako sa taong nagtanong sa akin.
Nakatayo ito sa may kaliwa ko di kalayuan sa pwesto ko. Nakangiti ito sa akin.
Naglakad-lakad lang ako. Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Balik na tanong ko dito.
Kagaya din ng reason mo. Nakangiti na sagot nito. Nga pala, congrats sa engagement ninyo.
T-thank you. At muli akong tumingin sa may dagat.
Mahilig ka ba sa beach? Tanong nito sa akin bago tumingin din sa may dagat.
Oo, lalo na pag sunset at sunrise. Iyon yung favorite kong scenery. Nakangiti kong sabi sabay tingin sa kanya.
Natigilan naman ako ng makita siyang nakangiti.
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa mga sinabi ko sa kanya. Bakit ko ba kasi naalala iyon?
Kaya pala nahilig si Axel bumili ng mga property na may beach, dahil sayo. Nakangiting sabi niya. Meron akong isang property na may beach din and I'm planning to give it to Axel. Hindi ko na rin naman kasi naasikaso iyon dahil nasa US ako. Hindi ko alam pero parang may bahagi sa akin na kumirot dahil sa narinig ko. So balak na pala niya ibigay iyon kay Axel?
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasía•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon