Wish 5

133 13 95
                                        

[Chantelle]
(Another week passed)
Bumuti na ang kalagayan ni Ryle sa mga nakalipas na araw. Sinabi na din ng doctor na isang himala ang nangyari na nawala ang sakit ni Ryle.

At lahat ng iyon ay pinagpapasalamat ko kay Jimmy.

Sa nakalipas na araw ding iyon ay nag-iba ang pakikisama sakin ni Jimmy. Hindi ko na siya nakaka-away pero minsan hindi ko talaga maiwasang hindi mabwisit sa kanya.

Pero habang tumatagal unti-unti kong nakikilala ang totoong Jimmy. Sa maikling panahon na nakasama at nakakusap ko siya. Masasabi kong napaka bait niya.

Bakit niya kaya ginagawa yun?

Rae. Napatingin naman ako sa kanya ng tawagin niya ako. Iyan na ang tawag niya sa akin. Sa totoo lang, siya lang ang tumatawag niyan sa akin at hindi ko alam na ang ganda pala ng second name ko.

Bakit? Tanong ko sa kanya. Nag-aaral kasi kami ngayon. Medyo bumaba kasi ang grades ko nitong nakaraan dahil sa nangyari kay Ryle kaya kailangan kong bumawi dahil hindi pwede mawala ang scholarship ko.

Sobrang advance mo na sa lesson. Hindi naman siguro makakaapekto sa scholarship mo yung bumaba mong grades sa quiz. Kunot-noong sabi nito.

Kahit na, hindi parin ako pwedeng makampante kasi scholarship ko yung nakasalalay.

Pwedeng sa ibang school ka naman pumasok ah, kung mawala man ang scholarship mo. Matataas naman ang grades mo for sure makakakuha ka. So, bakit mo pa papahirapan ang sarili mo? Seryoso niyang sabi.

Binaba ko naman ang ballpen ko at tiningnan siya bago sagutin.

Alam mo Jimmy hindi naman kasi ako mayaman katulad mo na kung kahit saan gustuhing mag-aral ay pwede tsaka magandang school ang JPIS. Malaking impact yun para sa pag aapply ko ng scholarship ko para sa college, pangarap ko kasing mag-aral at makagraduate sa ibang bansa para magtulungan ko sila mama at papa. Nakangiti kong sabi bago pinagpatuloy ang pag-aaral.

Sigurado naman akong makukuha mo iyon. Top 1 ka diba? Bago bumalik ulit siya sa pagbabasa.

Teka! Speaking of ranking. May napapansin ako kay Jimmy. Hmmm...

Agad kong nilipat ang page ng librong inaaral ko. Uhmm... Jimmy? Alam mo ba kung paano isolve ito? Nakatulog kasi ako kanina sa klase eh. Tanong ko sa kanya sabay turo dun sa isang math problem.

Tss. Tutulog-tulog kasi eh. Tumayo naman ito at lumapit sa akin at tiningnan ang librong inaaral ko. Nag umpisa na siyang magturo habang ako pinagmamasdan ko lang siya.

Sabi ko na nga ba!

Oh ano? Gets mo na? Sabay lingon nito sa akin. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Tss. Wag mo naman ipahalata na gwapong-gwapo ka sa akin. Talagang nagpaturo ka pa talaga para matitigan ako eh no? Mahangin niyang sabi. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at nanatili parin akong nakangiti sa kanya.

Iiling-iling naman siyang bumalik sa binabasa niya. Jimmy, anong rank mo sa school academics? Curious kong tanong sa kanya. Bored naman niya akong tiningnan.

I don't know. Wala naman kasi akong pakialam sa ranking na iyan. Don't worry hindi ko ipagkakalat na nagpaturo sakin ang JPIS top 1 student. Nakangisi nitong sabi sa akin.

Napailing naman ako dahil sa sinabi niya. Nah! Okay lang, it's an honor na maturuan ng dapat top 1 student ng JPIS. Natigilan naman ito at agad naglaho ang pagngisi niya.

A-anong b-bang s-sinasabi mo? Nauutal niyang sabi kaya lalo akong napangiti.

Diba ikaw yun? Dapat ikaw yung top 1 at ako ang top 2. Ngayon ko lang napansin simula nang pumasok ako sa JPIS isang beses ko lang nakita ang pangalan ni Jimmy sa ranking, nung nag top 1 siya nung 1st year ako, after nun ay hindi ko na nakita ang pangalan niya.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon