Wish 16

75 7 8
                                    

[Chantelle]
Dahan-dahan ko minulat ang mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko at mabigat din ang pakiramdam ko.

Mabuti naman at gising ka na. Agad kong nilingon ang taong nakaupo sa tabi ko.

J—Jimmy...nanghihina kong tawag dito. Sinubukan kong tumayo pero nanghihina talaga ako.

Wag mo na subukan tumayo. Mataas ang lagnat mo. Ano ba ang pumasok sa isip mo at nagpakabasa ka sa ulan? Malamig na sabi niya.

Nagsimula naman akong lumuha ulit.

Jimmy... mahal kita... please paniwalaan mo naman oh. Nagmamakaawa kong sabi sa kanya habang patuloy na lumalandas ang mga luha sa mata ko.

Iniwas naman niya ang tingin niya sa akin. Magpahinga ka na. Tumayo na ito at pumasok nang muli sa bote.

Naiwan naman akong umiiyak.
————————————————
[Jimmy]
Dis oras na ng gabi ng lumabas ulit ako ng bote. Agad akong lumapit sa kanya.

Mahimbing ang pagkakatulog niya. Agad kong tiningnan kung may lagnat pa ito.

Mabuti naman at bumaba na ang lagnat niya. Agad kong inayos ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha.

May bakas pa ng luha sa pisngi nito kaya maingat ko itong pinahid.

Bakit kahit na nasasaktan ako hindi ko magawang balewalain ka?

Kahit paulit-ulit akong lumalayo nakikita ko parin ang sarili ko na hinahanap ka.

Sa mga nagdaan araw pinagkasya ko ang sarili kong pagmasdan ka habang natutulog ka.

Bakit ikaw parin ang minamahal ko kahit sobrang sakit na?

Bakit mahal pa rin kita Rae?...

Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Tama na Jimmy!! ... kailan man ay hindi ka niya magagawang mahalin. Mahal niya ang pinsan mo kaya tigilan mo na!!

Tumayo na ako at babalik na sana nang may humatak ng kamay ko at pinigilan ako.

Jimmy... seryoso niya akong tiningnan. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita! At kahit ilang beses mo ako ipagtulakan at kahit sabihan mo ako ng masasakit na salita. Hinding-hindi kita susukuan. Ikaw ang nagturo sakin na wag sumuko at iyon ang gagawin ko. Papatunayan ko sayo na mahal kita. Ang sarap pakinggan na mahal ka din ng taong mahal mo.

Pero natatakot na ako magtiwala ulit, natatakot na ako masaktan.

Paano kung isang araw marealized niya na si Axel pala talaga ang mahal niya at hindi ako? Masasaktan na naman ako.

Buong lakas ko hinatak ang kamay ko sa kanya. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya nung nakita ko siyang nasaktan sa ginawa ko.

Mag aaksaya ka lang ng panahon Chantelle. May isang bagay ka din na itinuro sa akin, na kapag nasasaktan ka na ay pwede mo ng bitawan. And right now, sobra akong nasaktan kaya bumitaw na ako. Malamig na sabi ko. Nag-uunahan naman bumagsak ang luha niya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya bago tumalikod at pumasok ng bote.

I'm sorry Rae.
——————————————————
[Chantelle]
Matapos pumasok ni Jimmy sa bote ay nakatungo akong lumuluha.

Hindi ako susuko Jimmy. Hindi kita susukuan.

——————————————————
(Week passed)
Isang linggo na ang nakalipas magmula nang huli kami mag-usap ni Jimmy. Simula ng gabing iyon ay hindi na muli siya lumabas ng bote.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon