Wish 15

66 5 18
                                    

[Third person]
Basang-basa ng ulan nang umuwi si Chantelle. Hindi niya inalintana ang lamig na nararamdaman.

Pinagbuksan siya ng nanay niya ng pinto, maging ito ay gulat din ng makita ang anak.

Cha, anak, saan ka galing? Bakit ka nagpakabasa sa ulan? Sandali at ikukuha kita ng towel at pamalit. Sandali niyang iniwan si Chantelle sa sala at agad kinuha ang towel at pamalit.

Si Chantelle naman ay nakayukong nakaupo lamang sa kanilang sofa.

Hindi kalaunan ay nakabalik na ulit ang nanay ni Chantelle sa sala. Ano bang nangyari sayong bata ka? Pagtatanong nito habang tinutuyo si Chantelle. Ibinalot nito ang isa pang tuyong towel kay Chantelle nang matapos niya itong tuyuin.

Pasensya na po, hindi ko nadala ang payong ko. Pagdadahilan ni Chantelle.

Matiim siyang tiningnan ng kanyang ina bago bumuntong-hininga. Sa susunod dalhin mo na. Baka magkasakit ka kung magpapakabasa ka. Tumango naman si Chantelle sa sinabi ng ina, bago magpaalam na pupunta na ng kanyang kwarto.

Pagpasok niya ay agad niyang nilapag ang kanyang bag. Natigilan pa nga ito ng makita ang bote.

Nang makapagpalit ito ay agad siyang nahiga sa kama niya. Muli na naman siyang umiyak hanggang sa nakatulugan niya ito.
————————————————
Nang maalimpungatan si Chantelle ay parang ang bigat ng pakiramdam niya at para siyang nanlalambot. Masakit ang ulo niya at nilalamig din siya.

Anak. Narinig niyang tawag ng kanyang ina mula sa labas ng kwarto niya bago sinundan ng ilang katok. Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang ina. May dala itong isang tray na may lamang pagkain. Pinagluto kita ng lugaw at dinalhan na rin kita ng gamot. Sigurado ay may lagnat ka na. Ipinatong naman nito ang dalang tray sa study table niya at nilapitan siya.

Agad chineck ng nanay ni Chantelle ang temperature nito at hindi nga ito nagkamali, nilalagnat na ito.

Tumayo na ito at inabot ang tray na dala kay Chantelle. Nagsimula namang kumain si Chantelle.

Nang matapos ito ay ininom din nito ang gamot.

Magpahinga ka na muna at mamaya ay icheck ko ulit ang iyong temperature. Tumango naman si Chantelle at nagpasalamat.
————————————————
(One week passed)
[Chantelle]
Isang linggo na mula nang umamin si Axel at isang linggo na din ang nakalipas mula ng huli kaming nag-usap ni Jimmy. Mula noon ay hindi na ito lumabas ng bote.

Isang linggo ko na din pilit nililibang ang sarili ko para hindi ko maisip ang nangyari, pero bigo akong magawa iyon.

Nandito ako ngayon sa tambayan kung saan madalas kaming tumambay ni Jimmy. Nakakapanibago ang pagiging tahimik ng lugar na ito na dati ay napupuno ng tawanan at kulitan namin ni Jimmy.

Hindi ko namalayan na may luhang bumabagsak sakin mga mata.

Bakit ako nasasaktan ng ganito??

Nagring bigla ang cellphone ko.

Ann calling...

Cha!!! Girl kamusta na?? Namiss mo ba ako?? Agad ko naman inayos ang boses ko.

Ann... oo namimiss na kita. Kailan ka ba babalik? Pilit kong pinasisigla ang boses ko.

Cha, may nangyari ba? Bakit parang umiyak ka? Nag aalala nitong tanong.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon