Wish 17

67 6 30
                                        

[Chantelle]
Lumipas ang mga araw mula nung nagkaayos kami ni Jimmy at maging boyfriend ko siya. Mas lalo kaming naging close at naging sweet din siya sa akin. Madalas pa din niya akong inaasar kaya minsan nabwibwiset parin ako sa kanya.

Kakatapos lang ng klase ko, kaya naman lumabas na ako ng room.

Hay! Nakakamiss si Ann! Kelan kaya siya babalik?

Diretso uwi ka na ba or may kukunin ka pa sa library? Tanong sakin ni Jimmy.

Sasagot na sana ako sa kanya kaya lang...

Elle... napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Umayos naman siya ng pagkakatayo nung lingunin ko siya. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa pwesto niya kanina.

Axel. Pagtawag ko sa pangalan niya. Palihim pa akong lumingon kay Jimmy pero nanatiling nakatingin si Jimmy kay Axel.

Pwede mo ba akong samahan? Pasimple akong tumingin kay Jimmy, kasi syempre kakaayos lang naming dalawa. Tumango naman ito sa akin.

It's okay Rae besides kailangan mo din siya kausapin regarding sa decision mo. Sabi ni Jimmy.

Busy ka ba? It's okay kung—

Hindi okay lang. Wala naman akong lakad after class eh. Pagputol ko sa dapat sasabihin niya bago siya ngitian.

Thank you. Let's go? Pag aya niya sa akin. Balak niya sanang kunin ang bag ko para dalhin kaya lang iniwas ko ito.

Uhmm... ako na mabigat kasi ito. Nakakahiya. Palusot ko nalang.

Ganun ba. Sorry. Nakangiting sabi nito pero mababakas mo na parang may mali sa mga ngiti niya.

Pagdating namin ng parking lot, pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe kami. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Nahihiya naman ako magtanong kasi hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa kung paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol samin ni Jimmy.

Alam kong masasaktan ko si Axel sa gagawin ko. Kahit papaano ay naging close ko din siya. Matagal-tagal ko din siya naging crush kaya mahirap talaga ang gagawin ko. Ayaw ko siyang saktan pero hindi ko naman kaya kung si Jimmy naman ang mawawala sakin.

Naramdaman ko naman ang paghinto namin kaya agad akong tumingin sa may bintana. Nagulat ako ng mapansin na nasa hospital kami kung saan naka confine si Jimmy.

Bumaba na si Axel at pinagbuksan ako ng pinto. Tahimik naman nakasunod samin si Jimmy, siguro nagtataka din ito sa kinikilos ng pinsan niya.

Pagkapasok namin ng hospital ay dumiretso kami sa isang pamilyar na kwarto.

Nang buksan na ni Axel ang pinto ay sinenyasan niya akong maunang pumasok.

Pagpasok ko agad kong sinuot ang mask at lab gown, ganun din ang ginawa ni Axel.

Sabay kaming pumasok sa loob ng pinaka silid kung saan nandoon ang katawan ni Jimmy.

Axel, ano bang gagawin natin dito? Kinakabahan kong tanong dito.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatingin sa nakahigang katawan ni Jimmy.

Jimmy...I want to introduce to you this amazing girl who captured my heart. Siya yung babaeng nagpapasaya sakin ngayon. Napatingin ako kay Jimmy dahil sa mga sinasabi ni Axel. Nanatili itong seryosong nakatingin kay Axel at iniintay ang mga sasabihin nito. I want to court her para patunayan na I'm serious about it pero alam kong she doesn't allow me. Napatingin naman ako sa kanya ng sabihin niya iyon.

Jimmy in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon