[Chantelle]
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng mawala si Jimmy hanggang ngayon ay hindi ko parin makita si Ate Ganda, ilang araw na akong nagpapabalik-balik sa sakayan kung saan ko ito huling nakita pero bigo akong makita ito.Sinubukan ko din magtanong-tanong sa lugar na malapit sa sakayan baka sakali na may nakakakilala kay ate Ganda.
Cha! Saan ka na naman pupunta? Lagi ka nalang nagmamadali. Nakangusong sabi ni Anna sakin.
May pupuntahan lang ako Anna, kailangan on time ako. Pagsagot ko dito. Kailangan kasi maabutan ko yung oras kung kelan nakita ko si Ate Ganda noon.
Doon ka ba pupunta sa sakayan ulit? Ilang linggo ka na nagpapabalik-balik doon ah! Ano ba kasi ang hinahanap mo? Hindi ka na nga pumapasok sa trabaho mo dahil doon eh. Tama ang sinabi ni Anna hindi na ako nakakapasok sa part-time ko dahil lagi akong ginagabi kakaintay kay ate Ganda sa sakayan.
Tumango ako kay Anna. Oo doon nga Ann, basta kailangan ko makita si Ate hindi mo din ako magegets pag sinabi ko sayo kung bakit. Wag ka mag-alala hindi ako nag-aadik. Nakangiti kong biro dito bago tuluyang magpaalam sa kanya.
————————————————
Nang makarating ako sa sakayan ay madami na ang pasaherong nag-iintay ng masasakyan. Agad akong naupo at sinuri ang lugar.Sana nandito si Ate...mahina kong bulong sa sarili ko.
Gaya ng ilang araw na pag-aantay ko dito ay bigo pa din akong makita si Ate.
Hindi ko maiwasang mag-alala kay Jimmy.
Nakakalabas kaya siya mula sa bote? Hinahanap din niya kaya ako?
Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang luha ko.
Kahit na naiinis ako kay Jimmy, nag-aalala parin ako sa kanya.
Sana makita na kita Jimmy...
Mahina kong bulong bago pahidin ang aking luha at muling nag-intay.
————————————————
(Two weeks passed)
Walang gana akong naupo sa harap ng hapag-kainan, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din nahahanap si Jimmy at sobra na ang pag-aalala ko sa kanya.Anak, okay ka lang ba? May problema ba? Bakit ang tamlay mo ata nitong nagdaang araw? Nag-aalalang tanong sakin ni Mama sabay sipat sa noo ko.
Okay lang po ako. May pinagkakaabalahan lang pong isang event sa school. Pagdadahilan ko nalang para hindi na ito mag-alala pa.
Tiningnan naman ako ni Mama kaya nginitian ko nalang ito at nagsimula ng kumain. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito.
Basta kung may problema ka, wag kang mahihiyang magsabi sa akin ha? Dagdag na sabi nito bago bumalik muli sa ginagawa nito.
Opo, salamat po Mama. Nakangiti kong sagot bago nagpatuloy nang muli sa pagkain.
————————————————
(JP International School)
Pagbaba ko mula sa sasakyan ay agad akong pumasok sa gate ng school.Kapansin-pansin ang isang magarang kotse sa harap ng entrance ng school.
Mukhang may bagong anak-mayaman na naman na student dito.
Nag-umpisang dumami ang tao dito sa entrance para makasagap ng bagong balita at para makiusyoso tungkol sa may-ari ng magarang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Jimmy in a bottle
Fantasia•Completed •Third story • Yoona and BTS story • Fantasy • lovestory • Jiyoon